Doppelganger

5 2 3
                                    

Pauwi na ako ngayon sa bahay, mag aalas singko na ng hapon, galing ako kina lola't lolo sa kabilang baryo, matagal ko na kasi silang hindi nadadalaw at ngayon ko lang napag isipan.

Matapos ang ilang minuto na paglalakad ay nakauwi na din ako.

"Ma, nandito na ako" saad ko at dumeretso sa kusina. Kami lang ang nandito ni mama sa bahay, wala na ang papa at ang nakatatandang kapatid ko naman ay nasa Maynila nagtatarabaho kaya medyo malungkot sa bahay.

Deretso akong naglakad papunta sa ref., mula sa peripheral vision ko ay nasa tabi lang si mama na parang meron yatang niluluto. Nang makakuha na ng tubig ay umupo na ako sa dining table at napatingin ako kay mama.

"Nagluluto ka ba ma? Anong niluluto mo?" tanong ko. Napatango tango lang ito, tahimik ata si mama ngayon?

"Ayos ka lang ba ma?" tanong ko at lumapit dito, masyadong madilim, hindi na-on ni mama ang ilaw kaya ako na ang gumawa. Nang makalapit na ay napahawak ako sa balikat ni mama.

"Tahimik ka ata ngayon? Okay ka lang?" tanong ko ulit. Napatingin ako sa kung anong ginagawa niya. Nagtaka naman ako kasi wala namang ibang laman ang kaldero kundi tubig.

"Mama naman eh, umiinit ka ba ng tubig? Hindi na kailangang halo-haluin yan" saad ko dito at napatawa ng mahina. Tahimik parin si mama, wala ata sa mood eh.

Pumunta nalang ako sa sala at napaupo, binuksan ko ang tv at nanood ng cartoons.

_

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng biglang makarinig ng katok sa pinto at the biglang pagbukas ng pinto. Huh, sino kaya 'yon?

"Anak?! Nandito na ako! Pasensiya na ka ha, nakipagchikahan pa kasi ako kina aling Terma mo eh!" rinig kong sigaw hindi malayo sa'kin. Teka! Si mama yun ah? P-pero...

"Uy anak, nandito ka lang pala. Teka teka, magluluto na ako, hahaha." at naconfirm ko nga, si mama nga etong nagsasalita sa tabi ko, na ngayo'y papunta ng kusina.

Bago pa siya makapunta sa kusina ay inunahan ko na siya, tumakbo ako papuntang kusina, nagulat ako, kinabahan, at biglang tumayo ang mga balahibo ko. Wala... walang tao doon, walang mama akong nakita.

"Ayos ka lang 'nak? Parang nakakita ka ata ng multo? Maupo ka na doon at magluluto na'ko." saad nito at tinapik ang balikat ko.

Napatulala lang ako. Kung galing pa si mama kina aling Terma at kakarating lang niya ngayon, s-sino... sino ang kanina na k-kasama ko dito?!

Kinilabutan ako at natakot. Ibig sabihin ang nakita ko kanina ay hindi si mama? Kaya pala! Kaya pala hindi ito umiimik at ang weird pa nito!

Isa lang ang ibig sabihin non. Doppelganger ni mama ang nakita ko!

Wakas

Kilabot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon