Love is about sacrifices.

1 0 0
                                    

✨🌻

Ako si Eirynne, 4th year college sa kursong Inhinyero. Ikaw naman ay si Kent, kaklase ko mula pa noong unang taon ko sa kolehiyo. Noong una ay hindi kita napapansin, pero pagtugtong natin ng 3rd year college ay naging malapit ka sakin, bukod kasi sa matagal na kitang kaklase ay naging katabi pa kita sa upuan. Magmula noon, naging makulay na ang college life ko.

Isang araw pag-pasok ko sa classroom, nakita ko sa itaas ng lamesa ko ang isang choco mucho na talagang paborito ko! At isang rosas? May nakaipit pang sulat at ang nakalagay ay, "Magandang umaga Eirynne, pero lagi mo tatandaan na mas maganda ka pa sa umaga :)" nakakatawa dahil ang korni ng dating nito, tila bumalik ako sa pagiging highschool ko. Nagpalinga-linga ako sa classroom at saktong pumasok ka galing sa kung saan sapagkat ang bag mo ay nasa upuan mo lang naman. Paglapit mo ay tinanong kita.

"Kent, nakita mo ba kung sino ang nag-iwan nito rito?" Mahinahon kitang tinanong. Hindi ko alam kung namalikta mata ba ako o kung ano pero namula ka nang kaunti.

"A-ahm hindi, kanina pa ako nasa labas" nauutal mo akong sinagot, sabay kamot sa batok.

Simula noong araw na iyon lagi na akong    nakakatanggap ng sulat, mumurahing tsokolate at plastik na rosas, minsan sa lamesa ko ito nakikita, madalas sa locker naman. Inilalagay ko iyon sa lugar na hindi madudumihan, inalagaan ko 'yon dahil unang beses ko na makatanggap ng gano'n. Kahit hindi ko kilala ang naglalagay, hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig. Pakiramdam ko kasi ay napaka-ganda ko sa ginagawa nya.

Isang beses pumasok ako nang maaga dahil may inutos sa 'kin ang guro natin sa Calculus. Habang papunta ako sa silid-aralan ay nakita kita, may hawak na 3 rosas at isang box ng Cloud9. Nagtago ako malapit sa pinto, nakita ko kung paano mo inilapag nang maayos ang hawak mo sa lamesa ko. Nakita ko rin yung kung paano ka ngumiti. Dahil doon napilitan akong pumasok na naging dahilan ng pagka-gulat mo.
      

"K-kanina kapa diyan?" Nauutal mong tanong.

Nakatitig lang ako sayo, naluluha at 'di malaman ang magiging reaksyon.

"I-ikaw?" Naguguluhang tanong ko.

Nakita ko kung paano ka huminga nang malalim sa mga sandaling 'yon, kita ko ang pagkabalisa sa iyong mga mata at ang mga salitang nais lumabas sa 'yong bibig.

"Oo Eirynne, matagal na kitang gusto. Sa ganitong paraan ko ipinapakita ang nararamdaman ko sa iyo" sabi mo sabay yumuko.

"Natatakot akong umamin dahil pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan natin, ayokong mawala ka kaya palihim kitang binibigyan ng mga ganito." Dagdag mo sabay tingin sa mata ko.

Ramdam at kita ko ang sensiridad sa mata mo, isa sa dahilan bakit nahulog agad ako sa 'yo.

"Hindi mo naman kasi kailangan itago" tanging sagot ko.

"Eirynne, ngayong alam mo na. Maaari ba kitang ligawan? Hindi ako mangangako ng kahit ano dahil ayokong masaktan ka" sabi mo at bilang tugon... tumango ako.

Tatlong buwan, tatlong buwan ka nanligaw sa akin. Sa tatlong buwan na 'yon naramdam ko ang tunay na pagmamahal mo. Walang araw na hindi ako nakatanggap ng rosas mula sa 'yo. Ang sabi ng mga kaibigan ko ay gumaganda daw ako lalo dahil sa pag-aalaga mo. Tatlong buwan mo pinaghirapan ang matamis na oo ko.

Magiisang taon na tayo ngayon at plano ko na ipakilala ka sa mga magulang ko. Nagkakatampuhan tayo pero nalulutas din agad. Hindi mo pinapatapos ang araw nang hindi tayo nagkaka-ayos. Sa loob ng isang taon naramdaman kong ganap na akong tao, nakakaramdam ng pagmamahal at sakit. Madami tayong napagdaanan pero ito pala ang wawasak sa atin.

PAGHILOM (ONE SHOT SAD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon