CHAPTER 3

3 1 0
                                    

Sky above, sand below, peace within. ...

____

"magkakilala kayo ni Christian ba yun? Yung kasama mo kanina?" biglang tanong ni Mireya habang nakaupo ako sa kama ko.

Naisip ko naman yung sinabi ni Mrs. Tan na walang nakakaalam ng mag ex couple ditto, "No nagkasabay lang kami dumating dito" nakangiting paliwanag ko sa kanila.

Tumango naman sila so I am assuming na naniwala sila. "You know I like your vibes, para bang nakapalight ng atmosphere mo" dugtong ni Mireya matapos kong mag salita.

"Ano ka ba ganan talaga dapat sa buhay tsaka dipende din sa coping mechanism ng tao basta ganon" sabi ko naman tsaka tumawa, napatawa naman dinsiola.

Matapos mag ayos ng gamit sabay sabay na kaming bumaba at nadatnan naming ang boys na nag luluto sa kusina.

"Wow kusinero naman pala ang mga lalaki dine" sigaw ko matapos makapasok sa kusina. "apaka ingay mong babae ka"nakakunot na sabat ni Christian.

"Mag ingay ka din" sabat ko at kumuha ng tubig sa ref. "mga be unang araw bangayan as in? konti nalang iisipin ko may past kayo" sabi ni Amari.

"nakakasamid ka naman Amari, sadyang nag click lang ugali naming kanina nung wala pa kayo. Tipong kaya naming batukan yung isa't isa or pwede din naman try ko sa inyo " mapang asar kong sabi.

"Hala o wala akong kinalaman diyan" sabat ni Akk na nakataas na pa ang kamay. Napatawa naman sila at tinuloy na ang ginagawa.

Matapos nila mag luto ay kami naming mga babae ang naghain at nagsimula na kaming kumain. "Hoy mga taga saan kayo? Ako ay dyan lamang sa Lobo Batangas pero di ko alam ang lugar na to uunahan ko na kayo" simulang tanong ni Leo.

"Taga Sariaya Quezon ako" taas kamay kong sagot.

"Taga San Juan Batangas ako" sunod ni Christian sa akin.

"Ako naman dyan lang Lipa Batangas" nakangiting sagot ni Celia.

"Dyan lang me sa Lipa din" sagot ni Akk. " edi mag kakilala kayo?" sabi ko agad.

"Hindi te, malawak ang Lipa ha masabi ko laang sa iyo" sabat naman agad ni Celia at napatango na lamang ako.

"Ako naman sa Manila pero I am now having my vacation sa Baguio" simpleng sagot ni Arjay. Sya yung tipo na matatakot kag kausapin kasi nakapa tahimik.

"Baguio ako and di ko din sya kilala" pangungunang sabi ni Mireya at napatango nalang kami.

"Apaka lalayo nyo pala pero may magkalugar na di nman magkakilala" comment ni Akk. "parang kayo ni Celia" diretchong sabi ko at nagkibit balikat nalang sya.

Natapos na kaming kumain at nag presenta na akong mag hugas ng plato sila naman ay pumunta muna sa salas.

"Tulungan na kita"

"kabayong tulong!" gulat kong tiningnan ang umimik sa likuran ko at si Arjay pala. "woy wag na iilan ilan to tsaka sanay naman ako" sagot ko sa kanya pero walang pakialam at sya na ang nag banlaw.

Hinayaan ko nalang sya at ng matapos ay sumama na kami sa mga nasa salas. "Hoy anong balita" tanong ko at umupo sa tabi ni Celia.

"wala anong babalitain, ano bang gagawin natin?" sabi naman ni Mireya. "aba naman magkakasama tayo dine edi hindi din naming alam ano ba sinabi nung inorient kayo?" sabi iko at napatawa naman si Arjay sa akin.

"Yes? Bat ka natawa?" mataray na sabi ko kay Arjay. "wala may point lang sinabi mo" natatawa pa ding sabi nya.

"ang sabi lang samin e bukas ata may ipapadala silang sulat ng pwede nating ganwin sa araw na yon"matinong sagot ni Amari

"ayun naman pala so for now chill muna tayo" sabi ko at tumayo dahil nag vavibrate ang cellphone ko. "Wait lang guys may kausapin lang ako" sabi ko at lumabas na muna.

On call

"Hoy kumusta ka dyan?" tanong agad ni Isabelle

"Okay naman 8 kami dito ang guess what andito si ano"pagkukwento ko sa knya

"sino?" patakang tanong nya.

"si 7 years" sabi ko ata alam kong gets nya nay un.

"O my!!!! Ganan ba set up dyan? Exciting naman pala, I'm sure umuusbong ang pag asa dyan sa puso mo" natatawang sabi nya sa kabilang linya

"Hoy wag kang ganyan pero tunay" utas ng tawang sagot ko sa kanya.

"baliw ingat ka dyan may gagawin pa ako" sagot naman nya and I bid my good bye before she hungs up.

Bumalik ako sa loo bang nakita silang nanonood lang ng TV. Tumabi ako kay Christian dahil wala ng maupuan mga naghilata ang mga babaysot.

"San ka galling?" bulong ni Christian. "sa labas kinausap ko si Isabelle" sagot ko naman.

Kilala nya yun kaya tumango nalang, tsaka isa pa baka mamaya e makahalata na ang mga kasama naming dito sa bahay.

LuminousBright 💡 8:47 pm

GUESS WHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon