CHAPTER 6

5 1 0
                                    

"People who are meant to be together find their way back, they may take a few detours, but they're never lost."

____

Late na ng magsi gising kami kaya magkasama na ang breakfast at lunch naming. "Ano daw naman gagawin ngayon?" tanong ko sa kanila.

"By pair daw tayo di ko pa natitingnan magkakapareha" simpleng sagot ni Celia. Tumango nalang ako nagpatuloy kumain.

Shete ang hirap kumain ng isang kamay, hindi ako nag iinarte ha diba nga malalim yung sugat so pag ginagalaw ko sya para syang na hahalit sana nafeel nyo na din yun.

"Araw araw siguro talaga tayong may gawain no?" tanong naman ni Mireya. "Malamang te wala naman tayong ibang gagawin dito kundi yung sinasabi nila" natatawang sabi ni Amari.

Natapos kami at nag pahinga para mag start sa task na binigay. Parang nagging Bahay Ni Mrs. Tan ang peg nainspire ata kay Big Brother.

"O guys here is the list of the pairs for today's activity which is BAKING – bake anything, feel free to decorate it whatever you want.

Amari and Leo

Celia and Akk

Mireya and Arjay

Elora and Christian" pagtatapos na pagbabasa ni Leo.

"Wala na atang maisip si Mrs. Tan ipagawa" utas ng tawang sagot ni Akk. Napatawa naman kami at nagsimula nalang

"Gawa tayong brownies, nag cecrave ako noong isang araw pa" sabi ko kay Christian at naunang maghanap ng ingredients.

Ng mameasure ko na lahat ay ianyos ko na ang dapat pagsama samahin. "Hoy ano gagawin nyo"tanong ko kina Mireya at Arjay na kakapasok lang ng kusina. "Minimalist cake lang te" sagot nya sakin ata nagkalkal na din.

Sina Celia at Akk ay crinkles daw tapos sina Amari at Leo ay cookies. Punong puno ng sweets sa bahay na to. Malaki yung kusina kaya may kanya kanya kaming pwesto kami ni Christian ay sa mismong lamesa nag gagawa magkahati kani nina Mireya.

"Ano next?" tanong ko kay Christian. "Melted Chocolate butter mix." Sagot nya atinabot ito sa kin. "ikaw maghalo masakit sa kamay" sabi ko ng mangalay na ang kamay kong ginagamit dahil di ko magalaw ang isa.

Kinuha nya sa akin at sya ang nagtuloy. Nilagay na nya din ang ibang ingredients hanggang sa magsama sama ito. Ako ang naglagay sa preheated oven at nag antay nalang kami.

Nakigulo naman ako kina Mireya kaya lalo silang nagkagulo ni Arjay. Tawang tawa ako dahil hindi sila magka intindihan, sabog sabog na ang flour dahil kay Arjay.

"Maalam ba talaga kayo mag bake?" natatawang tanong ko. "Present ako sa baking class naming eto si A rjay di naman maalam tas sya gusto gumawa lahat" kunot noong sagot ni Amari pagkatapos ay binugahan sya ni Arjay ng harina sa mukha.

Lumayo ako sa kanila at hinayaan silang magbangayan. Napnsin ko naman sa pwesto nina Amari na sila ni Akk ang magkausap habang may ginagawa. Tahimik naman sa tabi nila si Celia at Leo.

Hinayaan ko nalang sila at nagpunta na ako sa salas, andoon pala si Christian. "kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya at umupo sa single sofa sa tabi.

"dito ka wala akong virus" sabi nya sa akin at maingat akong hinigit papunta sa tabi nya. "Bakit may problema ba?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala,masakit pa sugat mo?" sabi nya at tiningnan ang kamay ko. "Medyo medyo nalang naman hihilom din yan, ngimay nga lang pakiramdam ng palad ko" paliwanag ko sa kanya at tumango naman sya.

"Shemay anag bango sakit sa tiyan" sabi ko ng maamoy ang brownies na nasa oven. "takaw mo talaga"tatawa tawa nyang sabi kaya sinimangutan ko sya.

Umalis sya at tiningnan kung okay na ang brownies at nakita kong inalis na nya ito sa oven. Lumapit ako at tinulungan syang alisin ito sa pan.

"Palamigin muna natin tas saka ichill?" tanong ko sa kanya. "Hmm, mas masarap pag pinalamig muna sya" sagot nya kaya tumango ako.

Yung iba serysoso sa ginagawa nila kaya hidi ko na ginulo. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko bago uli lumabas.

Tinawagan ko si Isabelle pero ang baliw nakipag video call.

Video call

"anong balita?" bungad nya sa akin

"eto kakatapos lang naming mag bake"sagot ko sa kanya at naupo na uli.

"As usual brownies ka na naman"confident nyang sabi

"May bago pa ba Isabelle" singit ni Christian na nasa likod na pala ng sofa at nakasilip.

"Hoy pag ikaw narinig ng mga yon" suway ko sa kanya.

"MYGHAAAAAAAAD!! CHRISTIAN ANDYAN KA TALAGAAAAAAA!!" sigaw naman ni Isabelle

"mukha ba akong nagsisinungaling nung sinabi ko sayo?" banat ko sa kanya dahil mukhang hindi sya naniwala nung sianbi ko.

"sinigurado ko lang dzai, kumusta naman Chris?" tanong nya kay Chris kaya inabot ko ang phone.

Nung kami close din talaga yang dalawa na yan parehas may sapak e kaya hinayaan ko na muna mag usap.

"bigay ko na kay Liwanag" dinig kong sabi nito at binigay nga sa akin.

"Hoy Light pumunta dine si Luis hinahanap ka" banggit nman nya agad.

"Bakit daw?"simpleng sagot ko

"Para naming di mo kilala yon, di pa din nag gigive up sayo" seryoso nyang sabi sa akin.

Si Luis sya yung may gusto daw kuno sa akin na hindi tumigil tigil nung malaman na wala na kami noon ni Christian.

"sus baka naman ikaw talaga puntirya nyan ako lang ginagawang dahilan" balik ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng mukha.

"nako tumigil tigil ka dyan. Sige na paalis ako ngayon e may aasikasuhin lang" sabi nya sa akin

"iuntog mo yon ng matauhan na dami dami dyan sa tabi di yon ang kulitin, sige sigee bye ingat ka love you" sagot ko sa kanya na ikinatawa nya bago patayin.

"Sino naman si Luis?" napatingin ako sa likod ko at hanggang ngayon pala andoon pa si Christian.

"andyan ka pa pala, taga doon yon malapit sa office may gusto kuno daw ewan ko don"simpleng sagot ko sa kanya habang nagtitingin ng messages ko.

Sakto na may nakita akong message ni Luis inopen ko to dahil alam kong nasa likod pa din sya, bakit ba assuming ako feel ko nag seselos pa din sya,

"Kumusta ka dyan? Binisita kita wala ka daw at di daw alam ni Isabelle kung asan ka, sana nag paalam ka man lang baka nag aalala na din yun pati ako. Intayin kita, ingat ka"

Jusko lord paglinawin nyo po ang mata ni Luis at ng ako po ay tigilan na. Sineen ko lang ito at hinayaan na.

"bakit di mo replyan baka nag aalala na yan" maangas na sabi ni Christian. "chismoso ka talaga at tsaka sa ayaw ko e alam na nya yun" mataray kong sabi sa kanya.

Ako kasi yung tipo na pag ayaw ko ayaw ko talaga at alam yun ni Luis at hindi nya ako mapipilit. "Okay" simpleng sabi ni Christian at umikot paharap para humiga sa space ng mahabang sofa na inuupuan ko at pinatong ang paa sa hita ko.

Favorite nyang pwesto to kaya hinayaan ko nalang. Pumasok naman yung iba sa salas samantalang sina Mireya at maliligo na daw dahil sa ginawa ni Arjay.

"Okay lang kayo?" tanong ko sa apat na kasama ko ditto. Tumango naman sila at nagbukas nalang ng tv para manood ng movie.

LuminousBright 💡 1:17 pm

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GUESS WHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon