"Makikinig lang ako sayo kapag itinigil mo na ang pagiging basagulero mo"
"Seriously?"
"I am dead serious"
"Then do whatever you want to do"
Kahit kailan talaga! Sakit ka sa ulong lalaki ka! Kung bakit ba kasi ako nagpakasal sa isang basagulero! Nakakagigil!
Anyway, my name is Azaleiah Pepper Niemann and that man a while ago is my husband, Callum Rykel Chad Niemann.
Bakit ako may asawa? Well that's an arrangement from our parents and we just both agreed to it. I am just 22 and he is 23. We are still in 3rd year college and both taking up Business Administration Major in Financial Management.
Hindi naman kami yung katulad ng mga arrange marriage na nag aaway, yung sa amin is still normal. We're friends during our childhood days and that's maybe the reason why we are still casual with each other.
We slept in the same bed pero alam mo yung parang may harang? Invisible wall actually kasi everytime matutulog kami, tatalikod ako sa kanya. If haharap ako, siya naman ang tatalikod. I don't know if that's just us or talagang ganun lang if wala kayong feeling sa isa't isa.
"You coming or what?"
"Nandiyan na"
Sabay kaming pumupunta ng eskwelahan pero magkaiba kami ng paaralan. My school is 1 hour away from our house at ang school naman niya ay 5 minutes away from my school kapag maglalakad ka lang.
Yun ang madalas ginagawa ni Rykel. Iniiwan niya sa parking lot ng school namin ang kotse saka siya maglalakad papuntang school niya para cool daw. If I know, mas gusto lang niya na ako na magdrive ng kotse papunta sa school niya para magmukhang alila niya ako.
"Get down"
"Hindi mo iiwan dito yang kotse?"
"No! Why would I?"
Nagtaka naman ako saka ako lumabas ng kotse. That's when I realized that he is driving his Aston. Hindi talaga niya iniiwan dito ang kotse niyang ito dahil sa isang dahilan: karera!
Akmang aandarin na niya ang makina ng kotse ng muli akong kumatok sa bintana ng kotse na agad niyang binaba.
"What?"
"Kakarera ka?"
"Yes. Got any problems?"
"Wala! Matalo ka sana!"
"If that's happens then you will -------"
Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil pinaharurot na nito ang kotse paalis.
"Ang cool talaga ng husband niya"
"He is. Bagay sila. Isang maganda at isang pogi. Mga pinagpala"
"Tama! Sana makahanap ako ng kasing cool niya"
"Kasing hot din"
"Kasing bad ass din para yummy!"
Napailing na lang ako sa narinig kong usapan ng dalawang babae sa may parking lot.
Bakit gusto nila ng bad ass e sakit sa ulo lang naman. Tsaka hindi kaya magandang tignan kapag basagulero yung lalaki, parang laging galit sa mundo. Mga pangit pa. Well sige exemption na yung asawa ko. Hindi siya palaging galit pero laging masungit. Nakakainis!
CALLUM POV
"Oras na ng pagkatalo mo, Callum!"
"As if"
"Kapag nangyari yun, sa amin na ang asawa mo. Balita ko hindi mo pa raw natitikman kahit dalawang taon na kayong kasal a"
"Touch her and you'll die"
"Bakit? Wala naman kayong feelings sa isa't isa a"
"She's still my wife. If I win, leave her alone and fly to America"
"Fine. If I win, your wife will be mine"
AZALEIAH POV
Nasaan na ba si Rykel? Alas sais na wala pa rin siya rito.
"Miss, wala pa ba yung sundo niyo?"
"Wala pa ho e. Pahintay na lang po ako saglit kuya."
"Sige"
Saka muling umalis si manong guard. Actually dapat 5:30 pa magsasara ang school pero dahil wala pa si Rykel ay nakiusap ako kay manong guard. Pang limang tanong na niya sa akin yun dahil end na raw ng shift niya.
Naiinis na ako sa'yo Rykel! Pati ba naman pagsundo sa akin makakalimutan mo?
"Miss pasensya na pero kailangan na talaga nating isara yung gate"
"Haist. Sige manong guard. Sa labas na lang ako ng school maghihintay"
Tinanguhan ko na lang yung guard saka ako lumabas ng school. Sa labas na lang ako maghihintay hanggang sa dumating ang gagong yun!
Kalahating oras pa akong naghintay pero wala pa rin si Rykel. So I decided to commute. I was about to enter the jeep ng makarinig ako ng busina.
"Pasensya na po. Nandiyan na po pala ang sundo ko."
Sabi ko na lang sa driver ng jeep na agad tumango at umalis.
Inis na lumapit ako sa kinaroroonan ng kotse ni Rykel at saka malakas na isinara ang pintuan ng kotse ng makapasok ako.
I was waiting for a violent reaction dahil ayaw na ayaw niya kapag pabalibag kong sinasara ang pintuan ng Aston niya but instead he just ignited the engine and drive.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Race"
"Hapon ang race mo, Rykel at never kang nag set ng race sa umaga o gabi. Nakipag-away ka no?"
Diretso lang ang tingin ko sa harapan pero nung hindi siya sumagot ay tinignan ko siya at hindi nga ako nagkamali, may pasa akong nakita sa kanang bahagi ng labi niya.
"Basagulero!"
Sabi ko saka ako humarap na lang ulit sa daan at sumandig sa bintana ng kotse.
CALLUM POV
"Fine! You won! I won't touch your girl and I'll fly to America tomorrow but I'm just going to warn you, someone is after your wife. And sa pagkakaalam ko ngayong hapon nila kukunin ang asawa mo, pagkalabas niya sa gate"
"I don't play dirty games"
"I know and I ain't either. Nakita ko lang kung gaano kaimportante sayo ang asawa mo so if you want to be the first one to touch her then you'll take my warning seriously"
"Shit!"
AZALEIAH POV
"Kung makikipag-away ka pwede bang iset mo yan pagkatapos mo akong masundo? You know very well that I hate waiting"
Agad kong sigaw sa kanya pagkababa namin ng kotse niya. He just nodded na parang maamong tupa. He only do that kapag alam niyang kasalanan niya kung bakit ako galit o naiinis.
"I just save you from danger that's why I am late"
"Save me? Seriously, Rykel? Sa tingin mo paniniwalaan ko yan? Paano mo ako ililigtas kung nasa eskwelahan lang naman ako at hinihintay ka?"
Nanatili itong tahimik habang mahigpit ang hawak sa panyong nasa kamay niya. He always bring a handkerchief with him and I don't know why. Pamunas sa dugo or what and I don't care right now.
"Pwede ba sa susunod kapag magdadahilan ka yung kapanipaniwala okay?"
Saka ako umakyat sa kwarto namin at sinarado ang pinto. He knows very well that when I do that, he'll sleep in the guest room.
"I'm sorry"
Salitang narinig ko pagkatapos ng tatlong mahinang katok sa labas. Pagkatapos ay nawala na ito.
What the hell was that? Bakit niya ginamit ang katok na yun? He do have a knocking code. Kapag nauna akong pumasok sa kwarto or kapag nauna siya. Ang isang katok ay katumbas ng salitang "Open". Ang dalawang katok ay katumbas ng "Buksan mo to kung hindi wawasakin ko ang pintuan". At ang tatlong mahinang katok ay shit! Ano na nga bang ibig sabihin ng tatlong mahinang katok na yun?
Sa kakaisip ng ibig sabihin nang tatlong mahinang katok na yun ay hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
That Badass is my Husband
Romance"Makikinig lang ako sayo kapag itinigil mo na ang pagiging basagulero mo" "Seriously?" "I am dead serious" "Then do whatever you want to do" "Sira talaga ulo mo eh no?" "What?" "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang magagawang mabuti yang pag...