Chapter 27

98 2 0
                                    

KINABUKASAN

Zeus POV:

Whoah kinakabahan ako ganito pala Ang feeling kapag magpropropose sa babaeng Mahal mo.Nandito pa ako sa bahay at paalis pa Lang,5:30 am pa Lang Naman.Alam niyo ba Kung ano nangyari sa Amin ni Nielle kahapon oh Ito FLASHBACK

Pagkatapos naming bumili ng singsing sa pinakasikat na shop ay dumiretso na kami sa bahay ng Ate ni Kaye ,Kung nagtataka Kayo Kung bakit Alam ko Ang bahay ng Ate niya ay nakapunta na ako doon nung 1 week na mag on kami ni Kaye dahil pinakilala niya ako sa Ate niya at syempre nakita ko doon Ang kambal namiss niyo ba sila Kasi ako Oo, tuwang tuwa nga silang dalawa nang Makita ako eh haha gwapo ko talaga.

So ayon na nga pupunta kami doon ni Nielle para magpasama sa Ate ni Kaye na puntahan Ang parents nila ,Hindi ko pa kasi namemeet Ang parents nila pero Ang Sabi ni Kaye Alam na daw NG parents niya na boyfriend niya ay Isa sa boss niya

After 1 hour

Nakarating na kami ng Lugar ng ate niya pero Hindi pa sa mismong bahay nila dahil maglalakad ka pa papunta doon dahil Hindi makakadaan Ang sasakyan doon

"Malayo pa ba dude" Tanong ni Nielle nung naglalakad na kami

"Malapit na nakikita mo ba iyong white House ayon Ang bahay nila" Sabi ko sa kanya

Ilang hakbang na Lang ay bahay na nila , may naririnig Naman kaming nag-uusap usap sa sala nila mukhang may bisita sila .Tumikhim Naman ako at nagtao po

"Hmmm Tao po" Agaw pansin ko Kaya napalingon sila sa Amin

"Sino sila Kath" tanong ng kasing edad kong lalaki sa ate ni Kaye

"Ahm boss ni Kaye slash boyfriend" Ani nito

"Aha ikaw pala nakabuntis sa kaniya ah" Galit na Sabi nito pero Kay Nielle nakatingin at mukhang susugurin ng suntok

"Ah Hindi ako Ito oh" sambit ni Nielle at tinulak ako Y*wa nasalubong ko Ang sapak

"Sino ba sa inyo Ang g*g*ng boyfriend ng kapatid ko" Sabi nito

"A-ako po" Saad ko at pinunasan Ang dugo sa gilid ng labi ko

"Hoy ikaw panagutan mo Ang kapatid ko hah Hindi pa Kayo kasal pero binuntis muna" Saad nito

"A-anong buntis, buntis siya" Takang tanong ko

"Gag* talaga Ito eh" Asik nito

"Hindi pa ba nasasabi ni Kaye sayo Zeus na buntis siya" Sabi ng ate niya

"Wala po siyang sinasabi sa akin" Ani ko Naman

"Huminahon ka nga Kurt, ano bang sadya mo dito iho" Saad ng Ginang

"Nandito po ako para Sana magpasama Kay ate Kath na pumunta sa parents nila, Kasi po magpropropose na po ako bukas Kay Kaye ,Kaya gusto ko po sanang nandoon Ang family niya" Ani ko sa Kanila

"Hindi Mona kailangan magpasama iho dahil kami Ang parents nila" Saad Naman ng Ginong at inakbayan si Ginang ah so sila pala Ang parents nila

"Ganoon po ba , pasensya na po Kayo sa akin, pangako po pananagutan ko Ang anak niyo" Sambit ko sa kanila 

"Pasensya kana Rin , overprotective Lang talaga ako sa mga kapatid ko" Paghingi ng pasensya ng kuya ni Kaye

"Ok Lang Yun naiintindihan ko" sambit ko

END OF FLASHBACK

So ayon na nga nangyari kahapon, may pasa pa ako sa gilid ng labi kawawa pretty lips ko , tumawag na Rin sa akin Ang secretary ko Sabi niya ok na daw lahat ng set up this is it Kaya ko Ito Lalo na't magiging daddy na ako

Nielle POV:

Nag-aaala nako sa Asawa ko Kasi Ilang araw na siya nagsusuka pagkagising niya Ito siya ngayon nasa banyo hinahagod ko Ang likod niya

"Punta na Kaya tayo sa doctor Hon" Sabi ko dito

"Hindi na ok Lang ako" Sabi nito

"Mas mabuti pa huwag ka na munang pumasok sa kompanya" Saad ko

"Ayoko nga papasok ako no Lalo na't may proposal na magaganap at sa kaibigan ko iyon" Salita niya , sinabi ko na Rin Kasi kahapon sa kanya

"Oo Sige na maligo ka na ako na magluluto" Saad ko

Kaye POV:

Nag-aayos na ako ng sarili ko dahil papasok na ako sa kompanya at ngayon ko na Rin sasabihin Kay Zeus na magiging daddy na siya Sana Lang maging masaya siya..

You're Still My WifeWhere stories live. Discover now