[LUNA'S POV]
"Carry my bag." utos niya at tinapon sakin ang mabigat niyang bag. "Hurry!" umagang umag ang sungit, huhuhu. Mas gugustuhin ko nalang yung mood niya kagabi kesa ngayon.
Nasa parking lot kami ngayon ng University. And he's in a hurry.
"B-bakit ka ba nag m-mamadali." saad ko at humabol sakanya.
"We're late." saad niya, nang malapit na kami sa classroom niya, kinuha niya agad sakin ang bag niya at pumasok sa loob.
I looked at my watch and it's only 7:13 in the morning, what the fuck?! Class will start in 8:00. Ang aga pa
Naglakad nalang rin ako papunta sa section ko't pumasok sa loob, umupo agad ako at dumokdok.
Ang aga pa nga tapos nagmamadali pa siya, bwesit!
"Hoy, babae!" sulpot ng tatlong babae sa harapan ko.
"Oh."
"Why are you with Cloud last nigh!? I saw you." saad niya
"H-ha? Cloud? Sino yun?" maang-maangan ko, hehe
"You don't know Cloud?! He's very popular here. Tsk, wag na nga. Sino ka rin naman para makasama si Cloud. Baka kamukha mo lang." saad nito at umalis kasama ang dalawa, problema nun?
"Luna! Luna! Luna!" i heard Jeo shouted and ran to me.
"Ano?!"
"Si Cloud!, ma eengage na raw sa girlfriend niya!" saad niya, may girlfriend pala yung lalaking yun?! Omg!
Hala! Baka malaman ng girlfriend niya yung pag papanggap namin kagabi tapos masisira ko ang engagement nila and――Waaaaaaahhh!!!
"Oh, bakit gulat na gulat ka?" he asked. Umiling naman ako, huhuhu, paano kapag nag hiwalay sila?! Edi kasalanan ko na ngayon?! Waaahh!
Simula mamaya, iiwasan ko na siya, huhuhu. Baka nandiyan lang sa tabi-tabi yung girlfriend niya, lagot ako kapag nakita kaming magkasama, tapos――Waaaaaahh!! Stop thinking those things, Luna! Damn it!
Kaya rin siguro siya nag mamadali kanina――ano ba, Luna! Sabing tigilan mo kakaisip niyan!
"Estudyante rin ba dito ang girlfriend niya?" tanong ko, syempre, baka nasa ibang University pala
"Nandito raw." waaah!!
"A-ah..okey."
"May practice kami mamaya, nood ka?"
I'm sure nandoon rin si Cloud "W-wag na."
"Hmm, di ka maka get over kay Leo, ano?" what the fuck?!
"Bwesit ka! Wag mong masali-sali rito ang pangalan ng lalaking yan! Nakaka bwesit!" inis na sagot ko
"Kinikilig ka naman e."
"Anong kinikilig!? Pwe! Hindi ko na siya gusto, tsaka isa pa. Babaero siya."
"Alright alright, chill." bwesit! Kapag naaalala ko yung lalaking yun, umiinit ang ulo ko.
▔▔▔°°▔▔▔
Lunch na, hindi pumasok yung Prof namin dahil na aksidente daw ang anak niya kaya siya ang nagbabantay sa hospital. And as usual, nag chika chika lang kami ni Jeo nang ilang oras sa Classroom. Hehe"Sama ka sakin, sabay tayo mag lunch kasama si Cloud." saad niya, kasama si Cloud?! Oh no, baka kasama niya yung girlfriend niya.
"Wag na, doon ako sa classroom kakain."
"Bawal diba?" ay oo nga
"Hmp! Dalawa nalang kayo. Ayokong sumabay."
"May problema ka ba? Sabihin mo."