Kristoff's POV:Hi mga repa! Ako si Kristoff Ruiz. Famous, mayaman na halos nasakin na ang lahat. Syempre pati kagwapuhan. *nahiya ako ng konti* hahaha. Una kopalang siyang nakita nainlove nako sakanya. Mabait at maganda siya, Si Gabbi Louise Samson. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko alam kung bakit di niya ko kayang mahalin. Pero di parin ako sumusuko kahit mahirap at masakit na. Pag pray over niyo muna na mahalin niya ko. Hehhe! Maghihintay ako, kahit ilang linggo, buwan o kahit taon! Wala eh, mahal ko. Teka lang, malalate nako sa trabaho! Onga pala, isa akong Vice president sa isang wine company si Gabbi naman ang Assistant ko. Sgi na, tama na! Hahaha
...
Good morning sir! -Gabbi
Good morning beautiful! Sagot konaman sakanya. Sabay kaming pumunta sa elevator. Pero hindi kami sabay bumaba. 10th floor kasi ako bababa. At siya naman, pumunta muna sa 8th floor para puntahan yung bestfriend niyang si Aaron. Beki yun kaya masaya kasama. Asa 10th floor na kaya bumaba nako agad. Pumunta sa office ko at may coffee na agad dun. Nice! And I started to work. Sumilip ako sa may window at wala padin si Gabbi sa office niya. Ano na kayang nangyari dun? Napagdecide ako na puntahan siya sa 8th floor. Naglalakad ako papuntang elevator at nakasalubong ko si Asha secretary ko."Sir san po kayo pupunta?" Ahm.
"Sa CR." *palusot*
"Sir. Gusto niyo po samahan ko kayo? *sabay beautiful eyes* di nako nagulat sa sinabi niya kase Clingy talaga 'tong si Asha. Clingy ba talaga siya o M_______di? Hahaha.
"Ah. Wag na Asha. Sagutin mo nalang sa office pag may nagcall. Tutal yun naman trabaho mo."
Sagot ko sakanya. Pagkatapos ay agad nakong pumunta sa elevator. Naiinip nako. Antagal naman. May nakita akong CCTV dun kaya napagtripan ko. Nag sisign language ako na "I love you Gabbi!" Sabay lipsing pa. Tapos bumukas na yung elevator.
Gabbi's POV:
Papalapit ngayon si Mr. Ruiz. Siguradong may uutos nanaman 'to. Parati naman e.
"Gabbi!" Sabi niya ng pasigaw.
"Yes, sir?" Sagot ko. Halata siyang nagiisip ng utos. Hay naku!
"Ibili moko ng ahm ahm..."
"Ano po sir?" Sagot ko ng nakataas ang kilay. Halata kasi siyang nagiisip ng ipapabili. -_-
"Ng Brief! " sabi niya ng pasigaw.
"Brief Sir? Seriously?!" Sabi ko ng may bahid na pagka gulat ang mukha.
"Oo." Sabi niya ng seryoso.
"Eh, Sir. Di ko po alam ang size niyo." Sagot ko.
"halika dito." Sabi niya at agad naman akong hinila. Dinala niya ko sa office niya at naglabas siya ng tape measure.
"Sukatin mona ako." Sabi niya ng nakangisi.
"Sir?! Seryoso ka susukatan kita diyan?!" *sabay tingin dun sa *toot* niya.
"Oo. Jackpot ka panga diyan e." Sabi niya. Nagulat naman ako sakanya. At sinimulan kona siyang sukatan. Pagkatapos ko siyang sukatan ay binigyan niya ko ng 3,000 pambili. Nagpapabili siya ng 2 brief. Yung daw katulad ng kay Jake Cuenca. Sa bench. -_-
Andito nako sa mall. Sa bench. Bumili nako ng 2 brief. -_- nanlaki mata ko ng may kumalbit saken.
"Lester?!" Napangisi naman siya sa reaction ko.
"Oo. At kanino brief yan?" Sabay tawa pa siya.
"Ah wala. Mauna nako." Nagmamadali naman akong lumabas sa mall. Nag taxi nako. Nakaupo nako sa taxi pero hindi parin maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Si Lester. Ang taong pinakamamahal ko noon. Ex ko kasi siya. Sakanya ako nagkaroon ng masakit na masakit na sugat sa puso. At aaminin ko hanggang ngayon andun paren ang peklat na naiwan niya. Minahal ko kasi siya ng sobra.
*Flashback*
Papalapit ako kay Lester nun para batiin siya ng Happy Anniversary. Kaya lang nakita ko siyang nakikipaghalikan sa ibang babae. 16 palang ako nun at masyado ko na siyang sineryoso. Sinampal ko siya nun at umuwi ako. Umiyak nalang ng umiyak. Sobrang sakit nun. As in sobra sobra. Grabe!! Sakanya lang ako na depress ng ganon. Sobrang hirap at saket.*End of Flashback*
"Ma'am. Andito napo tayo." Sabi ng driver saken. Agad akong bumaba at mabilis ang paglakad. Napaluha kasi ako. Nagflashback kasi kanina lahat ng sakit.
"Ma'am!!!" Narinig koyun na sumisigaw sa likod ko. Pag katalikod ko... Woah. Si Kuya Driver ng taxi na sinakyan ko kanina.
"Ma'am di pa po kayo nagbabayad." Sabi sakin ng Driver.
"Kuya naman. Panira ka ng moment. Nag to'throwback ako oh. Oh eto na. *sabay abot ng bayad*
Umakyat nako sa office ni Sir. Nandun siya at inabot ko yung brief na pinabili niya.
"Sge po sir. Lalabas napo ako." Sabi ko na parang pinipigilan ang luha.
"Osge." Sabi niya ng mahinahon.
Palabas na sana ako nang biglang "Gabbi." Sabi saken ni Sir.
"Yes, sir?" Sabi ko.
"Alam mong mahal na mahal parin kita." Sabi niya ng nakatingin diretso sakin.
"Sr. Ayaw kopong pagusapan yan. Pasensya na." Pagkasabi ko nun ay agad na akong lumabas. Alam ko naman na may gusto siya saken. Pero ayaw ko sakanya. Gusto konga na lubayan niya nako. Pumunta nako sa office ko. At nag social media. Hahahah. Sinearch ko yung account ni Lester. At walang babae o anuman dun. Sana ako paren. Umaasa parin ako. Sa tingin ko ay mahal ko parin si Lester. Day off ko bukas. Pahinga nalang muna ako sa bahay. Parati namang ganun e.
Kristoff's POV:
Ayaw niya daw pagusapan. Bat kaya siya ganun? Ayaw niya sguro talaga saken. Pero mag eeffort ako ng sobra. Ipaparamdam ko sakanya na mahal ko siya. Kasi tutuo naman. Mahal na mahal ko si Gabbi.
----
Gabbi's POV:
Day off ko ngayon. Nasa bahay lang. Nood TV. Kaen. Tulog. Internet. Wala naman akong kasama dito sa bahay. Wala kasi yung yaya ko. Pinauwi kuna. Kawawa naman kasi pagod na pagod.Twitter: @Gabbilouise. Nag open ako at tinitignan ko ang account ni Lester ng biglang may mag doorbell.
"Hi!" Sabi ni Kristoff na may dalang pagkaen at bulaklak.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sabi ko ng pataray.
"Binibisita ka!" Sabi niya naman ng nakangisi.
"Teka, wala akong sakit para bisitahin!" Sabi ko sakanya.
"Edi nililigawan." Sabi niya ng seryosong nakatingin sa mata ko. Nagkatitigan kami at pinutol ko naman iyon sa pamamagitan ng pagalis ng tingin ko sakanya.
"Umalis kana." Sabi ko sakanya.
"Bakit?" Sabi niya ng nakasalubong ang kilay.
"Basta umalis kana!" Sabi ko ng pasigaw sakanya. Umalis naman agad siya. Sana tama ang ginawa ko.
A/N: keep reading mga loves! Please keep supporting our story! Wag kayo magsawa! Vote and Read! Message us for dedication or what. Mag comment kayo o i message niyo mga suggestions niyo! Thank you! Love you mga loves! Keep reading! Enjoy!
BINABASA MO ANG
Sky Is Not The Limit [Book 1]
RomanceLahat ba ng love story may happy ending? Lahat ba kayang lumaban? Read to know! :) (Author: Ara)