EXO Slave? AKO?!

163 3 0
                                    


Maswerte tayong mga EXO-L kung makakalapit at makakasama natin ang kahit isang member lang ng EXO.

Maswerte na tayo kapag nakausap natin sila ng harapan.

Maswerte na tayo kapang nginitian at binati nila tayo.

Maswerte ng mahawakan natin sila.

Pero ang pinakamaswerte?!

Yung MAKAKASAMA natin sila sa IISANG BUBONG at araw-gabi, masisilayan natin ang mga mukha nila! PLUS, alam natin ang mga galaw at kung anong gusto nilang gawin.

MASWERTE talaga diba?!

Pero may isang babaeng maswerte talaga. Na makakasama niya ang OT12 sa iisang bahay! At siya pa ang SLAVE nila! Diba?! Kahit alipin ka OKAY LANG!

Kahit kelan hindi ako naging swerte. At sa tanang buhay ko ngayon lang ako MINALAS ng sobra! Maswerte bang maging ALIPIN?! at alipin pa ng EXO na HATE ko?!

Hoy! Maria Badette! Swerte ka! Swerteng swerteng swerteng swerteng swerte WALANG KATAPUSANG SWERTE! Biro mo, ang PINAKAMAMAHAL naming male group! Makakasama mo sa iisang bubong! Ang ibig sabihin nun HEAVEN na ang buhay mo *u*

Tse! Buset ka Author! First of all, don't call me by my name! Nakakadiri! Just call me, B! As in BI! B! Okay?! At isa pa! Hindi ako swerte! Malas ako OVERLOAD! Heaven?! As in! Noooooo dahil para akong nasa impyerno! Mga demonyo ang kasama ko! Buset! Bakit ba ako ang ginamit mo rito, Author?! Marami pang iba d'yan! Ako pa talaga?!

Hay nako... maswerte ka. PERIOD no erase. Pinad-lock, kain susi at TAMA NA! MASWERTE KA! okay?! Shattap na!

Back to reality....

Si Maria Badette 'B' Gamboa or Rushton (malalaman niyo kung bakit dalawa ang pwedeng surname niya) ay isang napakaswerteng babae sa balat ng lupa dahil magiging SLAVE siya ng pinakamamahal nating EXO!

Swerte? Sobra! Pero para sakanya, HINDI.

Kung kayo magiging ALIPIN ng EXO? papayag ba kayo? Kahit walang bayad o kapalit? Yes or no? Dahil yan ang sitwasyon ni B.

----

Hi Hi! Nagbabalik. Hindi ko naitutuloy ang mga story ko wala kasing sumusuporta, e :'( sad diba? Hayaan na. On Hold ko muna ang Love Is Confusing at ito muna ang gagawin ko :) I hope may magbabasa :) sana sana. Hindi lang sana reads! Sana comments and votes din ^^. Sorry kung may mga typos or wrong grammar sa magiging story ko. Pakiintindi po ah?! :* tsaka pasensiya na sa cover ko! Hindi ako magaling gumawa ng cover, e :'( maghahanap pa ako ng ipapagawa ko ng COVER ko ^^. Kamsahamnida. Paalala: vomment and wag bibitaw ^_^ saranghae. We are ONE !

-babygigi7

EXO Slave? Ako?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon