Halos umabot ng isang buwan ang puspusang pagsasanay ni Jinn. Hindi narin narin mabilang ang emblems na nakolekta niya sa ibat ibang klase ng halimaw na nakasagupa iya sa loob ng dark forest. May nga halimaw na halos kapantay lang ng lakas niya, kaya mas lalong naging matibay ang kanyang katawan at mas naging pulido at malinis na ang kanyang mga atake ngayon kumpara noon.
Jinn's PoV
Halos hindi na ako ma kilala ni Erin pag pasok ko sa bahay dahil punong-punong dugo ang aking buong damit. Nagmukha akong taong grasa sa dumi ng aking kabuoan
Alam mo bang nag aalala na kami ni ina sa iyo dahil sa tagal mong umuwi, akala namin napahamak kana doon sa dark forest, nag aalalang tanong ni Erin.
Wag kang mabahala di ko pinapabayaan ang aking sarili. Nag iingat ako palagi dahil alam kong mag aalala nanaman kayu ng iyong ina.
Bakit tila mas lumakas ka na ngayon, anong klaseng pagsasanay ba ang iyong ginawa sa loob ng dark forest.
Bukod sa pag paslang at pangongolekta ng emblems, ginugol ko ang aking pagpapahinga sa pamamagitan ng pag absorb sa natural na enerhiya ng aking paligid.
Kung gayun, handa ka na bang sumali sa pagsusulit na gaganapin tatlong araw mula ngayon?
'Susubukan ko, baka papaboran ako ng kapalaran at maging isa sa maswerting mapipili sa limampu'. Naging tugon ko nalang sa tanong niya
May tiwala akong maipapasa mo ang kanilang pagsusulit, ngayon pa na malaki ang pinag bago mo. Ani ni Erin
Bat di ka muna mag pahinga, alam kong pagod kana. Dagdag pa ni Erin
Oo nga maiwan na muna kita, tutuloy muna ako sa aking tahanan.
Nang marating ni Jinn ang kanyang tahanan ay dumiritso eto sa kanyang tutulugan. Nais niya munang makabawi sa halos tatlong lingggong walang maayos na tulog sa loob ng dark forest. Alerto siya palagi kaya't hindi siya makatulog ng maayos
--------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan ay maagang nagising si Jinn at hinanda niya ang kanyang kagamitang magagamit niya papuntang Garantma Academy.
Nag paalam muna siya sa kaibigan niyang si Erin at sa Ina neto. Kahit labag man sa kanilang kagustuhan na umalis si Jinn ay wala silang magagawa. Sariling desisyon eto ng binata.
Nag bilin pa sa kanya si Erin na sa susunod na pag susulit ay sasali na eto. Pipilitin niyang masali para maka pasok at makasama sa pag aaral ang binata
Matagal-tagal bago natapos ni Jinn ang pagliligpit sa lahat ng kanyang gagamitin kung papalarin siyang makapasok sa Akademya.
Pagkatapos niyang i handa ang lahat ng dadalhin, inilagay niya na eto sa spatial ring niya para hindi sa masyadong mahirapan sa kanyang pag lalakbay
--------------------------------------------------------------------------
Jinn's PoV
Tahimik kong binabaybay ang maaliwalas na kagubatan ng fugi forest. Mag tatatlong oras na simula nung akoy mag lakbay at ni isang halimaw wala man alang akong nakasagupa, nakakapagtaka.