Divine Help

14 3 0
                                    

Isang kakaibang pakiramdam ang gumising sa binatang mahimbing na natutulog sa gitna ng Dark Forest. Ang binatang ito ay walang iba kundi si Jinn Sentien. Ang binatang nais sana ay mag ensayo lamang ngnunit nangyari ang isang hindi pangkaraniwang kaganapan sa gitna ng kanyang pag eensayo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jinn' Pov
Nagising ang aking diwa ng may kung anong mabigat na pakiramdam ang parang sinusunog ang aking laman loob.

Ahhhhh, napaluhod si Jinn dahil sa dagsa ng kaalaman na pumapasok sa kanyang isipan at mga pangyayaring hindi niya mawari kung ano at saan ito nanggaling.

Sinong nagmamayari ng memoryang ito at paano ito nakapasok saakin, ani ni Jinn

Nang tingnan niya ang kanyang ranggo ay natulala siya dahil sa laki ng pagbabago nito, mula  5th level bronze rank patungong 5th level Supreme Night Rank na hindi niya alam kung anong klasing ranggo ito.

itoy  palay kasunod ng ranggong Supreme Rank, hindi hamak na mas malakas ang awrang inilalabas nito.

Nang halungkatin niya ang alaala ng kung sinong sumanib sa kanya, nalaman niyang galing ito sa Divine Realm ang pinakamakapangyarihang realm sa buong kalawakan.

Kakaiba ang kanyang pangalan, siyay tinawag na Alexander nung siyay nabubuhay pa, sabi ni Jinn sa sarili

Naputol ang pagiisip ng binata ng may biglang lumabas na Salamin sa kanyang harapan na nangagaling sa kanyang kaliwang dibdib.

Ano ang bagay na ito, biglang ani ni Jinn

Supreme System successfully  found new host. All in information will now transfer to the new host. All treasure stored can be used by host.

Biglang may nagsalita sa isipan ni Jinn, kasunod nito ay ang hindi mabilang na Impormasyon na pumapasok sa isipan ni Jinn.

Nang mahimasmasan si Jinn ay kumuha siya sa salamin ng Concealing Ring na epic tier upang itago at palitan ang kanyang totoong antas ng lakas.

Mula 5th level Supreme Knight Rank ay ibibalik niya ang kanyang ranggo sa 8th level bronze rank.

Lumabas siya sa Dark Forest at umuwi sa kaniyang itinuturing na bayan. Ang bayan ng laemen na kumupkop sa kanya simula nung siyay saggol pa lamang.

Nakita niya ang masasaya at madudungis na mukha ng mga kabataan na naglalaro sa putikan.

Saan ka na naman nanggaling Jinn at nabutan ka ng hapon, bungat na sabi ni Elenor, ang matandang pinuno ng bayan

Kagagaling ko lang sa dark forest pinuno, sagot ni Jinn

Anong ginagawa mo dun eh alam mo namang delikado ang gubat na iyon, tanong ulit ni Elenor

Nangaso at Nagensayo po pinuno, magalang na tugon ni Jinn

Ganoon ba, sige magpahinga ka na, nag aalalang tugon ng matandang pinuno

Ito ang nagustuhan ni Jinn sa kanilang pinuno ang pagiging maalalahanin nito sa nasasakupan, kahit sa kabila ng katandaan
Ay mabuti parin itong tao. Nakaabot na ito sa ranggong Gold Rank isang 5th level Gold rank ang kanilang pinuno. Kaya walang mababangis na nilalalang ang nangahas na atakihin ang kanilang bayan.

Salamat pinuno, tugon ni Jinn

Matapos ang kaunting paglalakad ay nakaabot na si Jinn sa sariling tahanan at namahinga.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pagsanib ng isang Divine Spirit sa katawan ni Jinn at sa isang linggong iyon ay inilaan ito ni jinn para mag ensayo para sa paghahanda sa pag susulit upang makapasok sa Garantma Academy upang magkaroon ng karanasan sa Pakikipaglaban.

The Legend of Divine SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon