⚠️FOUL WORDS⚠️
HELLO!!
Chapter 23
Malamig ang simoy ng hangin
ShetIba talaga epekto kapag good mood ka. Parang gusto mo nalang kumanta.
Sino ba namang hindi ma-g-good mood kung sa pag gising mo ay wala kang iisipin kung hindi ang pagkain at pag tulog mo? Isa talaga ito sa paborito kong buwan.
Disyembre
At higit sa lahat ang pinaka importante
Christmas break
Ilang linggo ring matatahimik ang aking tenga at bibig. Walang pasaway. Walang apat na pakers. Walang makulit na Sab.
What a good day.
Payapa akong naka upo habang umiinom ng mainit na gatas dito sa terrace ng bahay. Minsan lang ito sa isang taon kaya dapat sinusulit.
"George!" Rinig kong tawag sakin ni Tim galing sa loob.
Ano na naman kayang naiisip ng isang 'to?
Wag niyang sabihing hihingi siya ng allowance, walang pasok masasapok ko siya
"Aga aga sama ng tingin" sabay ngisi pa nito sakin.
Aga aga siya sisira ng araw ko
Wala nga sila Sab siya naman ang pumalit
"Ano bang kailangan mo?"
"Magbihis ka raw sabi ni mama, may bisitang darating"
Bisita?
Bwisita siguro
"Ma! Tignan mo si George oh!" Sumbong nito kahit wala PA akong ginagawa sa kaniya
Masasapok ko talaga 'to!
"Sandali nga! Ubusin ko muna 'tong gatas ko!"
Mabilis kong nilagok ang isang basong gatas at pumasok na loob.
Naglilinis si mama
Sino kayang bisita at aligaga 'tong isang 'to?
"Anak! Maligo ka na agad suotin mo yung damit na nasa kama mo, bilis!"
"Ma naman! Malamig ang tubig!"
"Palibhasa takot sa tubig baka lumambot siya HAHAHAHAH" sabat naman ng bubwit na Timothy
"Isa ka pa! Maligo ka na rin! Hay nako, bilisan niyo at ako ay stress na stress na" at may pa punas pa siya ng peke niyang pawis.
"George, ikaw muna maligo!" Pagiinarte ni Tim kaya wala na akong choice at umakyat na sa kwarto ko para maligo.
Habang di pinapansin ang damit na nilagay ni mama sa kama ko
Isang malaking pagkakamali
***
"Maaaaaaa!"
Ako 'yan
Sino ba namang hindi sisigaw sa nakita ko!?
Napahilot nalang ako ng sintido sa kagagawan nila
"Bakit?! Anong meron?! Napano ka?! Georgina! Sabihin mo!"
Hysterical niyang tanong pagpasok niya sa kwarto ko
San ba pwedeng magbenta ng nanay?
"Ma! Ano 'to!?"
Sabay pakita sa dress na nakalagay sa kama ko
"Hehe. Anak naman!"
Hindi nakaligtas sakin ang pagpunas niya sa kaniyang pekeng pawis
![](https://img.wattpad.com/cover/229229501-288-k199016.jpg)
BINABASA MO ANG
Princess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...