Kabanata 1

0 0 0
                                    

"Happy 3rd Anniversary, Mi,"

Hinalikan nya 'ko sa pisngi. Grabe, tatlong taon na kami. Parang kahapon lang nung binato ko sya ng shotlecock.

"Happy 3 years, love." Bati nya.

Pupunta nga pala kami ngayon sa park para dun mag date. Sabi ko nga sa simbahan nalang dahil linggo din ngayon kaso sabi nya 'wag na daw.

Napaka mainipin kase.

Si mitch ang pangatlo kong naging babae, hindi man sya ang nauna ay minahal ko naman sya nang higit pa sa pagmamaha ko sa sarili ko.

Oo, tomboy ako at na a-attract ako sa mga babae kagaya ko. Hindi ko alam pero ganito ako, eto ang sinasabi ng puso at damdamin ko.

Hindi na ata mababago 'tong puso ko.

Ayoko nadin namang baguhin.

"Let's go na?" Aya nya.

"Tara."

Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming lumabas ng bahay nila.

Actually, kaya ako nandito kase wala ang mga magulang nya. Ayaw kase nila ako para kay mich. Nandidiri sila, hindi ko sila masisisi.

Maharlika sila at kilala ang pamilya nila.

Maganda si mich tapos sa babae din sya mahuhulog.

Kahihiyan daw iyon para sa pamilya nila.

Masakit sa damdamin pero, ayos lang. As long na mahal ko si mich, walang bawal at walang pwedeng humadlang.

Nag pahatid kami kay manong pablo, driver nila.

Si manong pablo,

tangina tropa ko 'yan eh.

"Oy pre, 3 years na pala kayo nitong alaga ko." Sabi nya at nakipag fist bump.

Hehe, binata lang?

"Syempre," Sagot ko at ngumisi.

Naiinggit siguro 'to si mang pablo.

Pinagbuksan nya kami ng pinto kaya pinauna ko muna si Mich maka sakay.

Nanigas pa 'ko nung umangkla sya sa braso ko tsaka sumandal.

Gagi, kinakabahan tuloy ako.

Ganito 'yang babaeng 'yan kapag may sasabihin, kasalanan, o hihilingin.

"Tsk, stop it Axh. Hindi ba pwedeng Anniversary lang natin kaya ako gumaganto," Sabi nya nang mabasa ang naiisip ko.

"Siguraduhin mo ha," Sambit ko.

Tumawa sya nang mahina.

Habang nasa byahe ay sa labas lang ang tingin ko.

Nag tampo pa ang tropa ko kanina dahil gusto sumama at maging third will. Umayaw ako dahil mahalagang araw 'to samin ni Mich tapos makiki epal sya.

Wala akong permanenteng trabaho ngayon dahil last year lang ako nakapag tapos ng pag aaral. Meron naman akong trabaho base sa napili kong course.

Kaso nga lang ang mga magulang ko...

tsk, 'wag na pag usapan. Baka magulat kayo.

Nakikitira ako sa condo ng kaibigan kong si Hershey.

Naks, naka condo diba.

Palapit na kami nang papalapit sa park kaya inayos ko na ang black kong  botton shirt at itim ma slacks.

Igop.

Para nga lang akong pupunta sa patay dahil sa suot ko.

Naka top Knot din ang buhok ko dahil hanggang balikat ko lang ang buhok ko.

Addicted to his CarnationWhere stories live. Discover now