The mission

11 0 0
                                    

Everyone is on his/her gear.

Pilit ko hinahanda at pinapayapa ang aking kalooban, malay ko bang ninenerbiyos din kami?
Susugurin namin ang isang underground hideout ng mga Blood Vendetta, ayon sa scout ng aming team nasa apat na raan ang mga nagtatagong rogue vampires, maraming baguhan na hindi kayang pigilan ang kanilang blood lust.

Pagbungad pa lang namin ay nakakasulasok na ang amoy na sumalubong sa amin, maraming mga buto ng tao ang nakakalat ang iba ay bagong agnas lang.
Natutop ko ang aking bibig dahil sa isang corner sa sulok ay may mga naka kadenang tao na nanlilimahid sa tuyong dugo, wala silang saplot mga babae at lalaki. Maraming bakas ng mga pangil at kagat sa
iba't-ibang bahagi ng katawan.

“Tulong..... please.....” Ang mahinang usal ng isang babae.

Ang karamihan sa mga taong bihag ay walang mga malay, ang iba ay napatingin sa amin. Wala ng buhay sa kanilang mata, nakakaawang parang nawalan na sila ng pag-asa sa kanilang kalagayan.

Naramdaman ko ang paglabas ng pangil ko... Grabe ang nararamdaman kong galit.. kung siguro hindi ako naging vampira nasa kalagayan kaya nila ako?
Hinawakan ni Arland ang mga palad ko at ibinulong sa isip ko na huminahon ako,
“Alice... hindi natin sila lalong gustong matakot,.... honey sobra na ang trauma nila and we want to save them  not scarred them for life..”

“Ok' ang simpleng sagot ko.
Isa ako sa mga tumulong na pakawalan ang bihag, isinailaim ko  sila sa salita ko para payapa silang maisakay sa aming rescue van.
Dahil sa dapit  hapon namin ginawa ang misyon tulog pa ang mga masasamang vampira, buti at natapos namin ang rescue bago namin pinuntahan ang kanilang tulugan, mga nakabaligtad sila  na parang mga paniki sa pagtulog.  Nasa dalawang daan na kaagad ang naging abo ng gilitan namin ng mabilis at sunugin ang mga ito, ngunit nagising narin ang iba at  mababangis na sumugod sa amin.

It never too easy dahil out of control ang mga ito at uhaw sa dugo kaya ang iba ay basta nalang kinagat  ang mga kasamahan ko. Masyadong  brutal ang mga nangyayari at  mahirap i-process ng utak ko na kasama ako sa labanang nangyayari, eh takot nga akong manood ng horror, lalo na iyong conjuring my God! I cried ng pilitin ako ng room-mate kong si Ina na manood. 

I made our enemies halt, by the power of my words. Napakabilis lang natapos ng laban dahil I burned them hindi ko talaga makalimutan ang galit ko sa mga nakita kong ginawa nila sa mga bihag.
I think I did half of them.
Namalayan ko nalang na yakap na ako ng asawa ko, bago unti-unting nagdilim ang aking diwa, naulinigan
ko pa ang sinabi ni Arland.

“Ssshhh.... It's okay Alice...  everything is okay now... sleep my love...”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love that bites'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon