Spencer Del-Fierro, Isang binatang hindi naman ninais maging isang bagong tagapagmana. Wala sa isip niya ang pumalit sa kaniyang mga magulang. Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Kahit anong ayaw o hindi niya ay wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa kaniya.
Jerelyn Eris Simpson, isang bagong salta sa Flame College Academy. Nais lang naman niyang maranasan ang buhay sa labas ng kanilang 'palasyo', nais maranasan ang simpleng buhay, walang gulo at walang panganib na nakaabang.
Ngunit mararanasan pa kaya niya ang tahimik na buhay na kaniyang nais kung sa akademyang pinasok niya ay katulad lang din naman pala ng lugar na nilisan niya?
• • •🗡️• • •NAIS ko lang naman makalabas sa palasyong ito. Ano bang mali sa nais ko? Oo, alam kong mapanganib at walang kasiguraduhan kong makakatagal ako ngunit iyon ang nais ko. Nais kong maranasan ang buhay sa labas katulad ng aking mga kapatid.
Napabuntong-hininga ako, malamyang tumingin sa labas ng bintana dito sa aking silid. Ang daming tao sa labas. Mga kalalakihan at kababaihan na nakasuot ng pulang kasuotan, mga nakamaskara na kulay itim.
Kung noon ay nagtataka pa ako kung bakit sila nakamaskara at kung bakit ganon din kami kung sakaling lalabas kami nila kuya sa aming mga sariling silid.
Pero ngayon—nevermind. Nalaman ko man ang katotohanan ay hindi parin nito mapipigilan ang aking nais na makalabas ng palasyo.
Bumaling ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok sa labas. "Mahal na Prinsesa, pinapatawag po kayo ng inyong magulang sa kanilang opisina," ani ng tao sa labas.
Inabot ko ang aking maskara na nakapatong sa aking study table, kulay itim din ito ngumit ang kaibahan nga lang ay may rosas na desinyo ang sakin habang ang sa aking mga kapatid ay dagger ang nakaukit.
Kalahating maskara lang ito kaya nakikita ang ilong ko pababa. "Good morning, Mahal na Princesa," mahina akong napatsk, ito na naman sila. Isa pa ito, masyado nila akong paglingkuran kahit nasabi kong huwag masyadong gawin iyon sa harapan ko. Pero sadyang makulit sila at hindi ako sinunod lalo na't iyon lang daw ang kanilang maisusukli sa aking mga magulang.
Masyadong mabait sila dad lalo na si mommy. Ngunit sa oras na kinanti mo ay mas magandang patayanin mo na lang ang sarili mo kaysa sila mismo ang gumawa nito.
I sighed and knocked on the door. "Come in," sumulyap ako sa maliit na camera sa may taas, hindi ko man kita ay alam kong nakatingin si Dad sa akin gamit ang camera na iyon.
Talagang kahit hindi pa man sabihin kung sino ang tao sa labas ng kaniyang opisina ay nalalaman na agad nila. Matalino ang pamilya ko, kaya di na iyon kataka-taka.
"Good morning, dad, mom," nakangiting bati ko.
Isenyas ni mom ang pwesto sa kaniyang tabi. "Good morning, my daughter. Come here, we have something to talk," malambing niyang ani.
Hindi ko maiwasan ang magtaka. Anong pag-uusapan namin?
Umupo ako saka bumaling sa kanila. "Ano pong pag-uusapan natin, mom?" takang tanong ko.
Nagkatinginan muna sila bago ako sabay na tiningnan. Ngumiti si mom. "Naalala namin ng iyong daddy na nais mong umalis sa palasyo at masubukan ang manirahan sa labas?" kunot-noo akong tumango. "Hanggang ngayon ba ay nais mo parin lumabas?" seryosong tanong ni Mom.
Marahan akong tumango. "Magsisinungaling ako kung sabihin kong hindi na. Hanggang ngayon nais ko parin lumabas. Masubukan manirahan sa labas," nakayukong ani ko.
Naramdaman ko ang paglapat ng malambot na kamay ni Mom sa balikat ko. Hinawakan ang pisnge ko saka itinunghay kaya nagtama ang aming mga mata.
Nakangiti ito sa akin. "Mom?"
She smiled and looked at my dad. "Napag-usapan namin ng dad mo na hahayaan ka naming lumabas," tila nabingi ako sa narinig.
Nakaawang ang labing bumaling kay dad. "T-totoo?"
Pareho silang tumango. "Yes, hahayaan ka namin lumabas para maranasan ang buhay sa labas na iyong nais. Makakabalik ka na sa pilipinas na matagal mo ng nais, makakabalik ka na kung saan naroon ang iyong mga kapatid..." huminto si Daddy, tumingin sa akin. "... Ngunit kailangan mong itago ang iyong katauhan. Wala kahit na sinuman ang maaaring makaalam kong sino ka, nagkakaintindihan ba tayo?" kalmado ngunit mababakas ang pagiging istrikto ni Daddy.
Huminga ako ng malalim. "Hindi 'ko maipapangakong walang makakakilala sa tunay kong pagkatao ngunit asahan niyo pong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mapigilan lang ito,"
• • •
"WELCOME back, young master," inilibot ko ang aking paningin sa buong mansyon. Ilang taon din akong nawala ngunit wala parin nagbago sa mansyon.
Kung anong meron noon, gano'n pa rin ngayon.
Hindi ko pinansin ang mga sumalubong sa akin. Tsk, i don't care anyway.
Simpleng napailing ako ngunit gumuhit ang isang ngiti sa aking labi nang matanaw ang pamilya kong nag-aabang sa akin.
Nakangiti sila lalo na ang nanay kong nananabik sa akin. Ganon din naman ako, nananabik na muli ako sa yapos ng aking ina.
"My baby... " ngumiti ako, tinawid ang ilan pang hakbang na layo namin saka siya niyakap ng mahigpit.
"Mommy, i miss you," mahinang saad ko.
Ramdam ko ang kaniyang paghikbi sa aking dibdib. Matangkad na ako ngayon kay Mom kaya hindi ko mapigilan ang manibago.
Noon lang ay hanggang baba pa ko ni Mommy pero tingnan mo nga naman ngayon, may dalawang dangkal na ang aking taas mula sa kaniya.
"Oh, my baby! I miss you so much. Kaytagal kong hinintay ang araw na ito na muli kang mayakap," umiiyak na sambit ni Mommy.
Hinalikan ko si Mom sa ulo bago sumiksik sa kaniya. Napabaling ang aking tingin kila Dad, sa kambal kong kapatid na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.
I looked at my big sister. I mouthed 'I miss you, ate' na siyang ikinangiti niya pa lalo bago sumubsob sa asawa niyang tumango lang sa akin.
Pinagmasdan ko silang lahat saglit. "Finally, i'm home already,"

YOU ARE READING
The new Ruler
ActionBook cover from Miss Aze, thank youu! Spencer Del-Fierro, Isang binatang hindi naman ninais maging isang bagong tagapagmana. Wala sa isip niya ang pumalit sa kaniyang mga magulang. Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Kahit anong ayaw o hin...