Chapter 28

141 28 0
                                    

Jaydong's POV

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila papa, may kinakausap siyang lalake at babae na nakakatanda

"Bibigyan ko kayo ng limang daang ginto, ipakasal mo lang ang anak mo sa anak ko" sabi ng isang lalake

Ano? Hindi ito maaari, malapit na ang kasal namin ni carmell ngayon pa ba?

Nanatili muna ako sa kinakatayuan ko para makinig sa pinag-uusapan nila

"Hindi ako papayag sa sinasabi ninyo, itinakda ng makasal ang anak ko sa diciembre"sabi ni papa, dapat lang na umayaw ka papa

"Sampung libong ginto para lang sa anak mo" sabi nito

"Pero-" sabi ni papa

"Wala ng pero pero sampung libong ginto, ikakasal ang anak ko at anak mo" huwag kang pumayag papa

"Limang libong ginto, kung hindi ka papayag ay hindi ako pumapayag sa gusto mo" sambit ni papa, ano?

Hindi ko inaakala na ganito kayo kahibang sa pera papa

"Pumapayag ako, limang libong ginto" sabi nito at agad agad naman akong pumasok

"Maaari na kayong umalis" sabi ni papa at ngumiti sa mga bisita

Lumapit naman ako sa kanya

"Papa narinig ko ang lahat, hindi ito maaari papa" reklamo ko sakanya

"Wala ka ng magagawa jaydong"

"Papa may tiwala sakin si haring Solomon-" sabi ko ng magsalita ulit siya

" Alam mo naman na baon tayo sa utang sa mga iba pang kaharian jaydong hind-" sabi nita naman at pinutol ko ito

"Papa kaya ko naman paghirapan mga utang na yun, hindi sa ganitong paraan papa, alam mo naman na malapit na ang kasal namin ni carmell"

"Papa mag-isip ka naman papa alam kung mahalaga sainyo ang kaharian pero isipin mo naman ako papa, kahit ngayon lang!" Nagagalit na tuno ko

"Napag-isipan ko na jaydong, sa anak ka niya ikakasal yun na ang desisyon ko at hindi na ito magbabago pa, makinig ka nalang saakin"

"Hindi mo ba iniisip ang magiging mata ng mga tao saatin kung, ipagpatuloy mo ito papa!?" Galit ako galit na galit

"Ganito nalang, kung kay carmell ka magpapakasal sisiguraduhin ko na paglalamayan agad yun pagpinakasalan mo, kung sa mga mayaman naman wala na akong problema kung magpakasal ka doon"

Bigla akong nanghina alam kung hindi ko mapipilit si papa sa gusto niyang mangyari, alam kung wala na talaga akong pag-asa pa

"Mamili ka jaydong! Magpapakasal ka doon o buhay ni carmell"

Palagi naman akong talo kay papa, sa buong buhay ko ni isa, wala eh talo parin, lahat nalang ng minamahal ko pilit niyang inilalayo

Frances (Carmell) POV

Mamaya ay pupunta dito si Jaydong para maggabihan, sa totoo lang ay sabik na akong makita siya

Naka handa na lahat ng mga pagkain, siya nalang ang hinihintay namin, napakatagal talaga ng taong ito kahit kaylan

Mayamaya ay andito na siya dumeretso muna siya kay papa at mama para magmano ito tsaka tumabi saakin

"Napaka ganda mo talaga mahal ko" haysst bolero

"Kahit kaylan talaga jaydong" inis inisan kung sabi

"Jaydong, napagdesisyonan kung sa kaharian niyo nalang matutuloy ang kasal ninyo, total malapit na naman ito" sabi ni papa

"A-ahh ehh sige po mahal na hari, sasabihin ko po kay papa" pilit na ngiti niya

May kakaiba sa iyo ngayon  jaydong, hindi ka ganto, baka pagod ka lang siguro

"Maraming salamat po mahal na hari, tutuloy na po ako" pagpaalam niya nang matapos na kaming kumain

Tatalikod na sana siya

"Ah jaydong" pagpigil ko sakanya

"Maiiwan muna namin kayo" sabi ni papa at tumango naman ako

"Dito ka nalang muna, total gabi na delikado na sa daan baka mapano ka, malalagot ako sa papa mo niyan sige ka"

Jaydong's POV

Nandito kami ngayon sa silid ni carmell, napaka lawak nito at napakalinis

"And ganda" sabi ko habang nililibot ang silid niya

"Yung kwarto o ako?" Sabi niya

"Siyempre sino paba edi yung kwarto" inirapan naman ako nito

"Nagbibiro lang, siyempre ikaw mahal ko, halika nga dito!" Aya ko sakanya

"Huwag na huwag mo 'kong iiwan a" sambit ko sakanya, baka ito ang una at huli kung pagpasok sa silid mo mahal ko

"Siyempre naman, hinding hindi kita iiwan jaydong"

"Pero pano kung ako yung bibitaw?" Sambit ko

"Huh? Ang tanong, Magagawa mo bang bumitaw jaydong?" Hindi mo lang alam mahal ko, magagawa kung hindi bumitaw pero ngayon baka impossible na ang lahat

"S-siyempre hindi no, hindi ako bibitaw!"

"Yun naman pala eh, alam kung matatag ka na tao jaydong, kung bibitaw ka man alam kung may dahilan ang lahat" sana kaya kitang ipaglaban mahal ko

Sana sa ibang panahon kaya ko na, sana sa ibang panahon hindi na kita bibitawan, sana sa ibang panahon matatag na ako, sana sa ibang panahon kaya na kitang ipaglaban sa lahat



"Tara na at humiga na tayo mahal ko" sambit ko sakanya ng pumasok siya sa silid


Kinabukasan, maaga akong nagising para maaga akong maka uwi

Tinitigan ko muna siya

Salamat at napasaya moko kagabi mahal ko

Maraming salamat mahal ko, dahil sa loob ng apat na buwan ay naging akin ka

Salamat sa lahat, baka ito na ang ating huling pagkikita hindi man ako tumupad sa usapan natin tandaanan mong minahal kita at mamahalin pa kita habang buhay


Sana sa ibang buhay ay ikaw na mahal ko

Tititigan nalang kita sa malayo, dahil alam kung hinding hindi na kita maaabot pa mahal ko, hanggang sa muli


"Mag-iingat ka palagi, mahal ko" tsaka hinalikan ang kanyang noo, paalam mahal kung prinsesa



Bumangon na ako at umalis na




























Lovers Before (Coces & Jaymy)Where stories live. Discover now