Minsan na akong sumulat ng akda,
Tungkol sa ginoong nagpa-ibig ng pusong ulila,
Pag-ibig na maagang sinimulan,
Ngunit tila maaga rin winakasan ng tadhana.Ilang taon na ang lumipas,
Pero bakit nakakandado pa rin sa nakaraan,
Hindi makausad ng matino,
Sa magandang nakaraang natimo.Sa pagdating ng ginoo,
Mundo'y biglang nagbago
Tuloy-tuloy ang pag-ikot, halo-halong mga emosyon
Nagpapasaya sa mundong magkasabay nating binuoSabi nga ng karamihan, "Ang swerte ko naman"
Ang sabi ko naman,"Mas swerte ako sa kanya"
Hindi matimbang ang saya dulot nitong pag-ibig na sumisigla
Salitang mahal kita,wika niya. Nakakataba ng puso,aking sinta.Araw-araw may mga matang nakaaligid,
Patuloy na sumusugid,
Sa kwento ng ating pag-ibig,
At sa loob ng ating sariling yungib.Siya ang nagsilbing tanglaw,
Sa madalim na kwartong kinalalagyan,
Ngunit sabi ng tadhana lahat ay kailangan wakasan,
Oras,pagmamahal at panahon ay tila isa lamang hiram.Napatunayan ko na lahat ng tao ay napapagod at nabibigo,
Lahat ng tao may kalayaan na gustong matamo,
Kung lason na itong ituring karapat-dapat lamang alisin,
Kasama ang desisyon na nagpabago sa daloy ng buhay ng tao.Hindi man lang umabot
sa puntong may matatawag na "tayo",
Ngunit tila bakit mas mabilis pa
sa pag-usad ko ang salitang "kayo?"Oo,alam ko kasalanan ko
Pero bakit pinaparusahan ako ng ganito?
Patawad sa mga nasabi sa nakaraan,
ayoko na,patuloy akong minumulto ng nakaraang gusto ko nang wakasan.Hanggang sa kasalukuyan,
May mga matang nakamasid at patuloy nagdadasal,
Sana'y pag-ibig na hindi man lang nasimulan,
Bumagon muli at ipagpatuloy ng walang hadlang.Maraming sana ang gustong maranasan,
Ngunit tama na,nakakasawa na,
Gusto ko man umpisahan,
Tila hindi naman gusto ng tao sa likod ng nakaraan.Malapit na ako magising sa katotohanan,
Sarili'y malapit na maliwanagan,
Alam ko tadhana ang nagwakas kaya tadhana rin ang gagawa ng paraan,
Upang pag-ibig ay muling magkadaupang-palad.Tayo ay konsepto ng nagwakas na panahon,
Tapos na,naglaon na, dumaloy na ang pagkakataon,
Ikaw pa rin ang paksang hindi magawang itapon,
At nagwakas na pag-ibig na sa tula na ito ay gusto nang maibaon.Isinulat taong 2022 Abril.
BINABASA MO ANG
Tula at Maikling Katha
Short StoryAng librong ito ay naglalaman ng mga tula at maikling akda na aking nilikha sa paglalakbay ng kursong aking tinatahak. Nais ko lamang ibahagi mga natatanging likha ng aking kaisipan. Kaakibat ng libro ito ang iba't-ibang tula at kuwentl na may magka...