Kasaysayan,Wikang Pambansa

9 0 0
                                    

Wikang Pambansa ay pahalagahan
ang sagisag ng pagkakakilanlan
kaluluwa ng bayang sinilangan
dugo’t pawis ng ating pinagmulan.


Ang tulay sa pagkakaunawaan
ang  pang laban sa kamangmangan
ang wikang sa atin ay pinamana
karunungan ang handog na biyaya

Hindi lang bansa ang ipinaglaban
ng mga bayani nitong ating bayan
Maging ang ating wika’y nasaksihan
itong ating madugong kasaysayan

Kaya taas noo nating gamitin
ang wikang sumasalamin sa atin
Wikang pambansang nagpapatotoo
sating tunay na pagka Pilipino!




Isinulat taong 2021 Mayo.

Tula at Maikling KathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon