(Nathan's POV)
Nagising ako ulit dahil sa aking Alarm Clock. Dali-dali akong nag-ayos para naman masundo ko ulit si Tak.
Habang tinutungo ko ang Daan papunta kina Tak ay tuluyan ko pa ring naalala si Maxino. Para akong baliw na Ngumingiti ng walang dahilan. Walang ano ano ay napuntahan ko na rin ang Bahay ni Tak at mukhang kakatapos niya lang Maligo kasi basa ang buhok niya.
"Tak, mabuti na lang maaga ka ngayon" sabi ko
"Oo naman, ayaw ko kasing paghintayin ka at si Maxino" sabi niya na ikinagulat ko.
"Maxino?" tanong ko
"Ay oo nga pala, hindi ko pa pala nasabi sayo na dun na mag-aaral si Maxino sa School natin at Kaklase din natin siya" paliwanag niya
"Ah ok" sabi ko
"Andyan ka na rin pala Maxino" sabi ni Tak na nakatingin sa pintuan kung saan naroroon si Maxino..... NakaUniform na siyang Pang School namin.
"Oh, andyan ka na rin pala Nathan" sabi niya sa akin
"Oo" sabi ko
"Maupo ka na muna!" pagyayaya ni Tak kay Maxino
"Mabuti pa nga" Sabi niya at umupo siya sa tabi ko
"Andali lang ha, magbibihis lang ako" sabi ni Tak.
"Sige, Dalian mo" sabi ni Maxino at pumunta ng kwarto si Tak para magbihis.
"Nathan, May GF ka na?" tanong niya na ikinabigla ko.
"Huh? Wala pa naman, bat mo naitanong?" sabi ko.
"wala lang." sabi niya.
"Ikaw, may BF ka na?" tanong ko.
"Wala pa" sabi niya. Sa pagkakasabi niyang iyon ay napuno ang puso ko ng pag-asang maangkin siya.
"Bat nga pala kayo lumipat dito?" tanong ko
"Masyado kasing Magulo dun sa lugar namin, laging may Gyera kaya sa sobrang takot namin, naisipan na naming lumipat" paliwanag niya
"Ahy" sabi ko
"Kwentuhan mo naman ako, patungkol sa buhay mo" sabi niya
"sige... Ako si Nathan Zamora Panganay sa Dalawang anak nina Ginoong Nestor Zamora at Ginang Shantal Zamora. Ako ay 16 na taong gulang, Grade 10 student ng University of Parang School. Ako ay Mabait, Matalino, Palabiro, Masayahin at Masipag. Yun lang, kaw naman magKwento" sabi ko.
"Masyado ka namang Makata... Ako si.." naputol ang sasabihin niya ng biglang.
"Tara na Guys, baka maLate pa tayo" pagyayaya ni Tak.
"sige" sabay naming sabi at nilakad na namin ang daan patungong School... Kulitan ng kulitan sina Tak at Maxino kaya naman naoOP ako kaya kumuha ulit ako ng EarPhone at ipinatugtog ang paborito kong kanta ang oh cecilia by The Vamps.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narating na namin ang School.
"Ang ganda naman ng School natin" sabi ni Maxino
"Oo, pero maraming Bawal." sabi ko
"Max, Ipitan mo yang Buhok mo kasi isa sa bawal ang Maglugay" paalala ni Tak
"Ah okay" sabi niya at inipitan niya ang kanyang buhok. Walang Ano-ano ay narating na namin ang Room. Ipinakilala ni Ma'am Sarmiento si Maxino sa buong klase, pagkatapos nun ay naatasan siyang umupo malapit sa amin at ang katabi niya as si GUMIHO-got ang hugot queen ng klase. Makalipas ang ilang oras ay Last Subject na at Dahil Friday ngayon, mayroon by Pair kaming Report. Partner ko si Tak. Madali lang naman ang irereport namin at ang report namin ay gagawin ngayong araw. IeExplain lang naman kung ano-ano ang natutunan namin sa loob ng apat na araw. Dahil kakapasok lang ni Maxino ngayon ay hindi pa siya magrereport. Natapos ang report at Uwian na. Sabay ulit kaming tatlong Umuwi, gaya ng mga nagdaang araw, kulitan sila ng kulitan kaya naman kinuha ko ulit ang aking Earphone at pinatugtog ko ang........... Alam niyo na kung ano yun...
BINABASA MO ANG
Love Hurts (On going)
RomanceSabi nila, kapag nagmamahal ka Kailangan mong masaktan, kasi hindi lisensyado sa pag-ibig ang hindi nasasaktan. "Tama nga sila kasi, isa ako sa mga taong nasaktan. Nagmahal ng Lubos, Sinuklian ng Sakit." -Nathan "Kapag Nagmamahal Tayo, Gumawa tayo...