Chapter Two

23 2 0
                                    

Reina's POV

"You know that we're still not done talking about Jordi, right?" Yna asks, chewing her food. Andito kami ngayon sa Area 2 because I have a free cut while she have a class later kaya nag pasama muna saakin kumain. Hindi ko siya pinansin at tumusok ulit ng siomai.

"Everyone likes him. Super pogi niya kaya at mabait pa," she explains. Tumango tango na lang ako. Not everyone likes him tho. Tinignan niya ako ng may pagtataka bago hawakan ang kamay ko na agad ko namang ikinalito.

"Hindi ba pasok sa standards ni Kuya Patrick?" Agad kong tinabig ang kamay niya and roll my eyes. "I just don't like the guy," I simply said.

"So, in any chance, pasok siya sa standards ng Kuya mo?" Tanong ni Yna, eyeing me again. "Kuya wants me to marry when I am already a millionaire. You finish the puzzle," I told her.

"Alam mo 'yang Kuya mo? Parang ayaw ka na lang niyang maging masaya," she said. Natawa ako dahil sa sinabi niya. Yna has been complaining kahit harap-harapan sa Kuya ko when she heard na Kuya doesn't allow me to enter a relationship yet.

Ever since I figured out that my brother is protective, wala naman akong naging problema except the day I was planning on confessing to Jordi. Madami akong what ifs kung tinanggap ni Jordi 'yung confession ko, tho I didn't expect too much from it.

My brother saw me that day, ready to cry when him and Kuya Tio picked me up before the dance even ended. Kahit naman hindi ako nag expect masyado kay Jordi, It still made me feel little when he rejected me right away infront of several people.

Masaya na nga ako na hindi ako pinag-usapan sa school pag katapos. Hindi rin siya nag pahalata na may nangyari when we crosses each other's presence.

"He just treats me as the queen I am," biro ko sakaniya. She also laughs at nag up here kami. Tumunog naman ang cellphone niya kaya tinignan niya kung sino ang nag text.

Hindi ko na siya pinansin at tumingin sa paligid when I notice Jordi's brothers eating here as well. Kasama nito ang mga dati nilang ka-team na nag tatawanan. Umiwas ako nang tingin ng mag tama ang tingin namin ng Kuya niyang si Juan. Dalawang beses ko pa lang nakausap si Juan. Noong nag tanong siya saakin tungkol kay Jordi sa UPIS and when he helped me picked up papers I dropped near their gym just last month.

"Girl, si Ryan and Francine raw ay may klase rin hanggang 7. Ano? Hihintayin mo pa ba kami?" Tanong ni Yna. Doon kasi sila matutulog sa apartment ko kaya sinabi ko kanina na hihintayin ko na lang si Yna kasi akala ko walang klase si Ryan and Francine.

"Mauna na siguro ako. I'll clean my apartment then punta na lang kayo," saad ko. Tumango tango naman siya and starts to type into her phone. Tinignan ko rin ang cellphone ko and a text from my Mom and Kuya Tio flashes.

Binuksan ko muna ang text ni Kuya Tio and it's just says na kailangan nasa bahay na ako by 6 dahil may pinapadala si Mama na pagkain. I just responded with an 'okay' before saying thank you to my Mom's text.

Kuya Patrick may be protective but Kuya Tio's strict. Growing up, dapat kailangan sundin mo agad siya. Hindi naman siya nakakatakot kasi he's sweet most of the time saakin pero pag seryoso siya, dapat hindi ka mag biro.

Nag paalam na ako kay Yna na aalis na ako and reminds her na huwag silang mag papagabi masyado before parting ways. Nasa repair shop parin ang kotse ko kaya kailangan kong sumakay ng taxi, cab or jeep, depende sa oras o mood na meron ako.

Nang makarating sa building ng apartment ko ay sinalubong ako nang nakangiting si Kuya Leroi. "Ganda Ma'am ha," biro niya kaya natawa ako. Nakipag biruan muna ako kay Kuya Leroi bago tuluyang pumasok and sees Tita Yumi, the owner of this building at the front table.

regardless | jordi gdl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon