"Nasa’n ang form n’ya?"

Ayan‚ ayan agad ang sinabi niya pagpasok na pagpasok sa club room. Gusto kong matawa dahil hindi manlang siya bumati kahit papaano.

"Ito, oh‚" Ako na ang naglahad sa kanya ng form na sinagutan ko kanina lang.

Tinanggap niya ito at sinuri.

"Okay‚ si Aya na bahala sa 'yo." Inabot niya sa Aya girl ang papel ko. Tinanggap naman ito ng babae.

"Kumain ka na, Pres?" Tanong ng babae.

"'Wag na kumain." pag singit ng tropa ko. "Mamatay rin naman." pareho kaming natawa ni Aya.

"May point." sang-ayon ko.

"Tsk." sabi ng President bago tumalikod at may kinuha sa drawer niya. "Tapos na 'ko mag-lunch‚ kayo ba?" walang harapang tanong nito.

"Already done‚" sabay na sagot ng dalawang babae.

"Ayoko pang mamatay‚ 'no." Maarteng sabi ni Aya at umirap sa kawalan. "Marami pa kong plano sa life ko."

"Ano pang kulang ko?" siniko ko si Shea para lang ibulong iyon.

"D'yan mo itanong," nginuso niya si Aya.

"Alis na 'ko." sabi ng President bago lumabas ng club room.

"Bye! Ingat!" sabi ulit ng dalawang babae.

"Aya, ano pang kulang ko?" tanong ko dito.

"I.D. na lang," nakangiting sabi niya.

Infairness, parang hindi siya nangangawit kaka-smile niya.

"Oh," tinanggal ko ang suot kong i.d.

Tinanggap niya ito bago pumunta sa table ng president. May idinikit siya na parang sticker sa I.D. ko gaya ng ginagawa ng ibang club.

Buong ngiti niyang binalik sa akin ang I.D. ko.

"Welcome to the club!"

——
luvs

Raising The White Flag (completed) Where stories live. Discover now