Wala pang isang linggo mula no'ng makabalik ako sa club ni Klein.

Pero ang bilis ng proseso ng relasyon nila ni Aya.

"Unti unti na nga akong nahuhulog sa 'yo, e." that's the shit I heard when I'm about to enter his fucking club.

Bubuksan ko pa lang sana ang pinto pero naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

It was Klein. I know his voice. I'm fucking certain that it was fucking Klein.

Parang dinamba ang dibdib ko sa narinig.

Parang may bumara sa lalamunan ko at ito ang pumipigil sa 'kin na makapag salita.

Tila huminto rin ang pag proseso ng isipan ko.

Tila nawala ang lahat ng lakas ko at 'di ako makagalaw.

"Kaunti na lang, Aya. Magugustuhan na rin kita."

Bullshit.

Umawang ang labi ko at naghabol ng hininga.

A-Aya..

Tangina.

Nagtangis ang panga ko at napakagat sa ibabang labi.

Bago pa man ako makagawa ng ingay ay tumakbo na 'ko palayo sa silid na 'yon.

Hindi nagbadya ang luha ko. Pero ramdam ko ang dahan dahan na pagkadurog ng puso ko.

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa music club.

Hingal akong huminto sa tapat ng pinto. Humawak ako sa parehong tuhod at naghabol ng hininga.

Ano 'yon?

Parang isang kisap mata ay nawala ang nararamdaman ko.

Huh?

"Unti unti na nga akong nahuhulog sa 'yo, e."

Yuck. What the fuck.

Napa ayos ako ng tayo at napakurap ng mata.

Sinabi 'yon ni fucking Klein?

"hahahahahahahahaha!"

Bigla ay para akong baliw na tumatawa sa pinto.

"Pres, may baliw dito." rinig kong sabi ni Bianca. Brock's vice president.

Tumigil ako sa pag tawa at umayos ng tayo para pumasok sa loob ng club.

"Unti unti na nga akong nahuhulog sa 'yo, e." sabi ko kay Bianca gamit ang paos na boses. Tinapik tapik ko pa ang balikat niya bago siya lagpasan.

"Yuck. Cringe!" asik niya. Napa-ngisi ako.

"That's exactly what I'm thinking."

——
luvs♡

Raising The White Flag (completed) Where stories live. Discover now