Chapter 4

44 2 0
                                    

Dahil sinungitan lang ako ng baby ko edi hindi ko na siya inasikaso. Bahala siya sa buhay niya, nag tatampo ako sa kanya hmp! Chloe baby lambingin mo akooooo.

"Hoy! Kuya! Aakyat na ako walang kwenta party mo HAHAHA" BORING, Totoo naman na walang kwenta eh , napaka boring.
"Sus. Naisnob ka lang nong babae na 'yon nagkaganyan kana , ano? Akala mo makukuha mo yung babaeng yun sa pa smile smile mo HAHAHA! Tigasin puso non sabi sakin ni Andrei (kapatid ni Aaliyah)" Si Kuya nang asar pa lintik, makukuha ko din 'yon.
Maka akyat na nga lang sa kwarto baka sakaling may kwenta pa mga ka chat ko.

Chloe's Point Of View

Ang tagal namin umuwi, inaantok na ako ang sakit pa ng puson ko, batong bato na ako sa pwesto ko, nakakatamad naman mag Online baka lalo pa akong mabadtrip.

"Hoy! Tara na uuwi na daw tayo" tanginang Yumi 'to sumusulpot na lang bigla, tinanguan ko na lang siya tapos tumayo na ako dahil kanina pa ako buryong sa party na 'to, at gustung gusto ko na umuwi jusko. Higang higa na ang katawang lupa ko.

Pag dating ko sa bahay nakita ko si Mommy sa terrace , nakatulala may hawak na? Ano yun? Picture? Ewan ko parang? Oo ata? Basta. Nilapitan ko si Mommy , teka? Umiiyak ba siya?

"Mommy, umiiyak ka ba?" Pag aalalang tanong ko sa kanya, kaya ayoko siyang iniiwan mag isa dito sa bahay dahil ito nanaman siya.
"Baby, di mo ba namimiss ang daddy mo? Di mo ba hinahanap?" Pagtatanong ni mommy sa akin na  tuloy tuloy ang agos ng luha niya, ayoko ng ganto.

Naiiyak din ako, ayoko nakikita na umiiyak ulit si Mommy nang dahil lang sa iisang lalaki :(

"MOMMY! Huwag mo ng iyakan ang lalaking iyon, please? Bakit ko po hahanapin ang isang tao na ayaw na mismo sa atin? 'Yong taong iniwan na lang tayo bigla. 'Yong taong sinungaling! Manloloko! Mommy, okay na ko na kayo lang po ang magulang ko , masaya naman po eh kahit walang Daddy." Napapaluhang sabi ko kay Mommy.

"Anak kasi nakita ko siya kanina napakasaya nila anak. Na sana tayo dapat iyon eh! Tayo iyong pamilya niya! Hindi sila!!" Sumasakit ang dibdib ko habang nakatingin kay mommy, na hanggang ngayon nasasaktan pa din siya sa nangyari, na kaya niya naman ipaglaban iyong pagmamahal niya pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya na lang kung saan masaya ang lalaking iyon, pero sa paglayang ginawa ni mommy ay siyang pinarurusahan niya gabi-gabi ang sarili niya. Akala niya siguro hindi ko nakikita ang pag iyak niya tuwing gabi.

FLASHBACK

"Hi daddyyyyyy! Kelan ka po uuwi? Namimiss kana namin ni Mommy!!!!!" Uwaaaah! Aym shoooo ekshayted na makauwi na shi Daddyyyyy! Madaming chokoyeyt na dalaaaa kyaaaaah.
"Anak? Kausap mo nanaman Daddy mo , baka masyado ka ng nakakaistorbo sa kanya , may trabaho pa siya , mag goodbye kana ." Shi mommy tayaga, dusto ko pwa nya taushap shi daddy e!!! Peyo shide na nyaaa.

"Otaaaaaaay poooooo. Baaaabaaaay daddyyyy! Aywavyuuuu po , cheyk krey owaaays oteeeey?"

"Yeah i will baby , wait mo pag uwi ko ha? Madaming pasalubong si Daddy :) iloveyoutoo baby."

Days, months and year passed , naghintay ako sa sinabi ni Daddy na uuwi siya ng araw na sinabi niya. Imagine 3 years old ako noon, ilang taon na ako ngayon 14 years old, 11 years na siyang hindi umuuwi sa bahay namin. 11 years akong nag mukhang tanga sa gate at pasilip silip sa bintana kung may Daddy bang kakatok o mag bubukas sa gate namin pero wala. Pinaasa niya ako murang edad ko. Pumunta ako noon sa kwarto ni Mommy para mag paalam na papasok na.

"Nooooo! Sabihin mong hindi totoo yan! Kami ang pamilya mo diba? Diba? Nangako tayo sa harap ng altar na magmamahalan tayo habang buhaaaay! Huwag mong gawin sakin 'to please? Mahal na mahal kita , pati ng anak natin , paano na yung pamilya natin?" Humahagulgol si Mommy that time hindi ko alam ang dahilan noon kaya hindi ko lang gaano pinansin iyon.

Noong tumuntong na ako ng 4th year High School di pa din bumabalik si Daddy , umaasa ako na babalik siya , umaasa pa din ako na babalikan niya kami umaasa ako sa mga promises niya samin.

Pauwi ako noon, habang naglalakad ako may nakita akong pamilyar ng mukha ng lalaki. Nilapitan ko siya.

Da-da-daddy? Utal kong pag tawag sa kanya hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya.

Ha? Gulat na gulat siya nung nakita niya ako.

Sino po sila? Sino po iyong karga mong bata? Akala ko po ba nasa trabaho ka pa? Diba? Dapat nasa bahay ka na kung nakauwi ka na po? Bakit ka po andito?  Sunud-sunod na tanong ko sa kanya napapaiyak na ako.

Ah? Eh? Doon tayo mag usap , pwede? Hinila niya ako papalayo sa isang halos kasing edad na ni Mommy kasama ang isang bata na karga niya at ang isa ay hawak niya sa kamay.

Anak, dideretsuhin na kita okay?! Argh! Diba sinabi ng mommy sayo ang lahat? Galit na sabi niya sa akin.

"Ang alin po? "Naguguluhan na ako, kung ano bang nangyayare?


"Chloe , naghiwalay na kami ng Mommy mo, may iba na akong mahal , hindi ko na siya mahal at lalong di ko siya minahal! Yung babae doon! 'Yon 'yong talagang mahal ko , bago pa kami ikasal ng mommy mo , siya na ang una sa puso ko! Masaya na kami, kaya please lang? Huwag niyo na kaming guguluhin pa ! Naiintindihan mo ba ako?!! "  Umalis na siya sa harapan ko pagkatapos niyang sabihin ang katotohana. Ang masasakit na katotohanan na iyon, na nakapag pagising sa akin sa ulirat.

Di ako makapaniwala , di ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko noong araw na 'yon.
Kaya iisa lang ang tingin ko sa mga lalaki! Katulad lang lahat sila ni Daddy!

*End of flashback*


" Mommy , tama na please? Hayaan mo na po siya , masaya na po siya sa pamilya niya diba? Dapat po maging happy na din tayo para sa kanya , kaya naman po natin mabuhay kahit wala siya diba? Nakaya nga natin ! At kakayanin pa natin to !" Pag papatahan ko kay mommy, hinahaplos ko ang likuran niya para maramdaman niyang nandito lang ako sa tabi  niya palagi kait ano man ang mangyari.
"Anak, sorry ha? Hindi ko lang matanggap hanggang ngayon eh , salamat anak , huwag mo akong iiwan ha? I love you so much baby" sabay halik sa noo ko si mommy, kahit na malaki na ako baby pa din ang turing sa akin.
"NEVER po kitang iiwan mommy , tulog kana po ha? I love you more mommy, tulog na po kayo ha? Akyat na po ako sa room ko magpapahinga na din po ako" hinalikan ko muna sa pisngi si mommy bago ako lumabas, sinigurado kong nakahiga at nakapikit na ang mga mata ni mommy bago ako lumabas sa kwarto niya. Umakyat na din ako sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan at matutulog na din. Nagdasal muna ako bago ko tuluyang pinikit ang mga mata ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cyber LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon