Chapter 2

56 1 0
                                    

Panibagong araw, panibagong walang katuturan nanaman gagawin ko ngayon sa buhay, ito ang ayoko sa bakasyon e, walang magawa. Ayaw ko naman umalis ulit, ang init init sa labas, wala akong makausap dito sa bahay dahil ang mommy pumasok sa trabaho niya. Ang ending nanaman nito ay puro higa na lang gagawin ko, nakatapos na ako ng ilang K-Dramas. Walang magandang palabas shet naman!!! Kinuha ko cellphone ko sa may sofa ng kwarto ko, ito na lang gagawin ko mag facebook.

Scroll.

Like.

Scroll.

Haha react.

Scroll.

"Me waiting for my baby Mico" tanginang kalandian talaga ni Aaliyah oh.

Angry react. Gago ka ha HAHAHAHA.

Scroll.

Like.

PUTANGINAAAAAAAA WALANG MAGAWAAAA. Makapag post na nga lang.

'Bakit kaya di makontento sa isa ang mga lalaki? Psh. -____-'

Posted.
Tamang hugot tayo. Lol.

May Notification ako, sino kaya 'tong bwakanangina na 'to.

Dwyne Cyruz Cruz likes your post.

PUTA. Sino 'to?

Yumi Dela Cruz commented on your post.

Aba, ang kapal ng pangit na 'to pa comment comment pa. Matignan nga.

Yumi Dela Cruz HAHHHA #BITTER ka b3h? Oy Mecaella Garcia at Aaliyah Santos alam kong OL kayo HAHAHAHAHAHA.
Like  Reply

AMPOTA. Nag mention pa si gaga. Mareplyan nga si bobo.

Yumi Dela Cruz, bobo ka. Dami mong alam. Lumayas ka sa Time Line ko kupal.

Aba, may nag chat sa'kin ah. Sino 'to?

Dwyne Cyrus Cruz

Hi Miss :) Hindi naman lahat ng lalaki ganun eh .

Do i know you? And wala akong pake sa opinion mo no, hindi kita kilala huwag mo na ako kausapin.

Aww. Ansungit mo naman HAHAHA. Nakalimutan mo na ako kaagad? Parang kagabi lang nag talo tayo sa post dun sa isang group ah. Hahaha.

Wala akong pake, paano ba kita naging friend? Tangina.

Kaka accept mo lang po sakin kahapon ah , ulyanin kana? Tsk tsk kaya ka di nagkaka BF eh napaka sungit mo na ulyanin ka pa! Hahahaha.

Hindi ako nag accept sayo! Eeww! Ikaw pala yung inaccept ni Yumi sinabi niyang pogi psh ASA di ka pogi ewww.

Aww. Pasabi sa kaibigan mo salamat sa compliment i appreciate it Hahaha. Ge bye na , mag babasketball pa ako , ingat ka sungit ha? Madapa ka sana jk lang hahaha.

Matalo sana kayo, at mabalian ka sana ng buto. Huwag ka na mag chachat bwisit ka ang pangit mo!!!!

Aba, putangina nag HAHA react sa chat ko, wala kang karapatan ni i-seen ako hampaslupa ka. Bumalik na sana siya sa sinapupunan ng nanay niya! PUTANGINA sira na agad araw ko ah, makapag log out na nga.

Aaaaaaaaaah!!!! PUTANGINAAAAAAAAAAA!!!! Kaya pala ang init ng ulo ko tanginaaaa. Sigaw ako ng sigaw ng biglang dumating na si mommy.
"Anak, ayos ka lang ba? Ano nangyayari ha?" Alas kwatro na pala, kaya pala nandito na si mommy.
"Mommy, ayoko na po. Nasasaktan na ako ng sobra." Mangiyak ngiyak kong sabi kay mommy.
"Anong ayaw mo na anak? Nag break na ba kayo ng boyfriend mo ha?" Pag aalalang tanong niya.
"Mommy naman!!! Wala akong jowa no, masakit po talaga puson ko ayoko na maging babae." Pagpapaliwanag ko.
"Naku naman anak, o siya. Ikukuha kita ng pang hot compress mo at gamot. Nga pala aalis daw kayo ng mga kaibigan mo?" Puta, anong aalis nanaman? Masakit puson ko.
"Ha, anong aa--" naputol sasabihin ko ng biglang sumulpot pag mumukha ni Yumi.
"Hoy! Babae ! Anong mukha yan? Mukha kang sinaniban ng sampung kabayo wahahahaha" tawang tawa ampota.
"HAHAAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA" - Sila. Halos matae na ata sila kakatawa -___-
"Oh? Tapos na kayo tumawa? Anong ginagawa niyo dito? Sinong nagpahintulot sa inyo na pumasok sa pamamahay namin aber?!" - kakapal ng mukha.

"Oh? Andiyan na pala kayo anak, pinapasok ko na sila kanina, eto na gamot at pang hot compress mo oh. Maligo kana at magbihis ha? Ingat kayo?" Napaka talaga, naiinis ako ngayon.
"Salamat mommy, hoy! Kayo? LAYAS! Hintayin niyo ko sa labas. K?" - Ako.

Halos 30 minutes din ata ako nasa banyo, jusko ayoko na sana lumabas pa kaso may mga nag iintay na kupal sakin.

"Hoy. Saan tayo pupunta? Kahapon lang nandito kayo ah, nandito nanaman kayo! Hindi ba kayo nag sasawa sa pag mumukha ng isa't isa? Kasi ako sawa na ako sa mga mukha niyo. Lumayas nga kayo dito." Pagsasalita ko habang bumababa ako ng hagdan.

"Ay! Tae naman! Nakakagulat ka! Oy? Ganda mo ngayon ah , sana araw-araw na yan. Tsaka di ako nagsasawa eh , ganyan kita kaloves ayiiieee pasapak nga!" Napaghahalataang bumabawi sa pambobola 'to si Yumi, parang gago ampota.
Di ko alam kung anong pwedeng gawin dito sa babaeng 'to? Kung ibigti ko na lang kaya? O kaya busalan ko bibig ng tumahimik mundo namin lahat. Napaka ingay ng bunganga e.
"Pwede ba? Tumahimik ka nga, nakakarindi boses mo. Akala mo ba ang ganda pakinggan ng boses mo ha? Nakakairita girl." Pag susungit ko kay Yumi.

"Girl, ngayon yung birthday ng bestfriend ng kuya ko. So? We need to attend the party , why? I don't know why? Si kuya kasi sabi pumunta daw tayo." PUTANGINA, kung sampalin ko na lang kaya kuya ni Aaliyah?
"Pwedeng wag na lang? Ayoko. Masakit puson ko, tsaka? Di naman natin kilala bestfriend ng kuya mo" pagtanggi ko, kasi ang sakit talaga niya.
"Pero kasi, Sabi ni kuya dapat nandoon daw tayo? Tara na kasiiiiii!" Akala niya cute siya kapag nag papout siya? Mukha siyang tanga.
"Pilitin mo muna ako?" Kahit may regla ako, pagtitripan pa din kita Aaliyah mwahahaga.
"Please? Please? Pretty please" tangina, nag papuppy eyes pa ampota, ano siya aso?
"Hindi ka cute tanga, tara na. Tutal wala din ako magawa." Hinila ko na palabas ng bahay ang mga tanga.
"Waaah. Ambad mo! Cute taya ato hmp!" Baby talk pa ampota. Nakakaasaaaarr!!!
"So? Let's go na?! Pagkain woaaaaah! Here we goooooooo!!!!" Napaka patay gutom talaga ng babaeng 'to. Akala mo hindi pinapakain sa kanila ampota.

Naglalakad na kami papuntang kotse nila Aaliyah, dahil bata pa kami. Hindi pa siya pwede mag drive edi 'yong driver nila ang mag dadrive malamang diba? Tsaka dapat lang hindi mag commute aba, kami na bumili ng regalo sa'min pa pamasahe napaka naman nyan. HAHAHAHA.


-
Habang nag babasa kayo diyan, pakinggan niyo din ang 214 na kinanta ni Khalil❤️

Cyber LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon