Dan's POV
First day of school, kaklase ko si Johanna yung bestfriend ko. So meaning hindi ako ganong nga nga kasi may kausap ako. Pagkatapos i-announce yung sections, pumunta agad kami sa respected rooms namin. Malamang katabi ko si Johanna and may katabi rin kaming weird guy na parang nakita ko na somewhere. Sama-sama kami ng iba ko pang kaklase last year sa dalawang row
"Okay, class. I'm teacher Delhi and I will be your adviser for this school year" sabi niya "..and for today, ang gagawin lang natin ay, pagpapakilala and kahit ano. Sa third day nga pala ang botohan ng school officer" pagpapakilala? wtf! ayoko nga!
Nag-start yung pagpapakilala sa first row at tumalala ako. kilala ko naman na silang lahat bukod dito sa katabi namin, transferee ata. Nasa harap nanaman si Quen, yung pabida naming kaklase. Bahala nga siya sa buhay niya. Tumulala nalang ulit ako. Naisip ko, ano kayang problema ni mama? pinapagalitan nanaman ako kanina. Wala naman akong ginagawa lintek.
"Daniella! ikaw na" kalabit ni Johanna
"My name is Danielle Ian Arelli Noel N. Evangelista or Dan for short. I'm 16 years old. My hobby is singing" pag kasabi ko non ay umupo agad ako. Wala na kasi akong maisip at kilala naman na 'ko ng lahat eh... bukod sa katabi ko. Siya na nga pala kasunod.
"My name is Kevin Jace Perida. 16 years old. I'm a transferee from NEU University. I play some music instruments. And... hope we can all be friends" sabi niya.
Siya si Jace?? wtf! ba't nandito yan? kainis ha?
"May problema ba? Dianne?" sabi ni Jace. Dianne pa rin tawag niya sa'kin hanggang ngayon "crush mo pa rin ba 'ko? hahahahahahaha" pagpapatuloy niya. Nakakainis yung tao na 'to
"Dan? close kayo niyan? ikaw ha, crush mo pala di mo sinasabi!" pang-aasar ni Johanna
"May crush ka pala, Dan? Akala ko tomboy ka." sabi naman ni Russel
"Wala 'no!" sagot ko
Naghintay nalang ako mayari ang 2 oras para mag break time na. Naiinis ako. Sa'kin pa tumabi yon. 'Di ko siya nakilala kasi nakasalamin na siya ngayon. Hilig kasi mag minecraft ni uto. Tumulala ulit ako at nag daydream about gummy bears. Gusto ko na kumain! Kumuha ako ng notebook at nag sulat ng kung ano ano. Wala talaga akong magawa. Pwede daw mag gadgets sabi ni ma'am Delhi dahil first day naman daw. Nakita ko si Jace na nagma-minecraft kasama sila Jem. Close sila agad? Inilabas ko yung Phone ko para mag 2048 dahil napaka boring! Biglang may nagtext. Unknown number.
fr: 09123456789
Hi...
Hindi ko na nireplyan dahil wala akong load. Poor kid ako kaya di ako nagpapaload saka wala naman nagtetext sa'kin bukod sa nanay at tatay ko. Nag 2048 ulit ako kaso natalo kaya pinatay ko muna yung phone ko. 3 minutes nalang at recess na. Tumulala ako sa bintana. Alam ko na! magpapatugtog nalang ako. Itinodo ko yung earphones para di ko marinig yung tawa ni Jace. Kinalabit ako ni Jace at sabi 'pierce the veil'. Natanga ako sa sinabi niya nung maalala ko. Oo nga pierce the veil ng a yung pinapatugtog ko. Pano niya nalaman yon? Haaaaay basta, bahala siya sa life niya. Malamang recess na. Naglalabasan na sila eh. Kinalabit ko si Johanna, hinahalungkat nanaman yung bag. Nawawala siguro yung phone niya.
BINABASA MO ANG
Officially Missing You
Historia CortaDanielle Evangelista is just a normal student studying at BCE University. Her life is just pretty simple when Kevin Jace Perida transferred to her school. Kevin is a naughty and hard headed boy which she fell into. What do you think will happen to...