curious

5 1 0
                                    

"si seulgi ?"

"Hmm " pag tango ko

"Bakit mo Naman natanong ang tungkol sa kanya " naupo si bogum sa gilid ng Kama Kung saan ako nakaupo habang ang likod ay nakasandal sa back rest .

"Well ,makakasama namin sya bukas Kaya dapat lang siguro na may Alam ako tungkol sa kanya , Malay mo matanggal ang pagka awkward ko sa kanya pag nakikilala ko sya .. " pag dadahilan ko "ngayon ko lang narealize na Wala akong Alam tungkol sa kanya , kapatid nyo sya dapat kilalanin ko din sya right?..given the fact na akala ko nga dati dalawa lang kayong magkapatid ni sooyoung "

He chuckled " Hindi mo kailangan mag explain ng mahanap , happy ako na gusto mo bigyan ng chance na makilala ang kapatid ko para sakin " 

Kung Alam mo lang na Hindi lang para sayo kundi para sa sarili ko din , papatayin ako ng curiosity ko dyan sa kapatid mo.

"So bakit nga ba Hindi ko Nakilala si seulgi nung mga Bata pa Tayo?" 

Isinandal ni bogum ang likod nya bago tumingin sa taas para alalahanin ang nakaraan.

"Ang pagkakaalala ko mag iisang taon palang ang nakalipas non after nya napunta samin .. and I already told you before na sobrang ilap nya saamin non , lagi syang NASA kwarto at Hindi lumalabas , then a year after nyo lumipat ng bahay , nag simula na syang paunti-unting mag open up samin " he said 

"alam mo naninibago nga ako sa kanya ngayon" napkunot naman ang noo ko sa sinabi nya so hindi lang pala ako ang nakapansin na parang may iba sa kanya 

"bakit naman ?" kunwaring tanong ko

"para kasing may nagbago sa kanya , mahiyain na sya noon at mailap talaga pero .." pambibitin nya bago itagilid ang ulo nya , na para bang hindi nya malaman kung paano idedescribe yung gusto nyang sabihin 

nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang kasunod kahit parang alam ko naman na ang gusto nyang sabihin

"parang nagkaron sya bigla ng confidence sa sarili ?, hmm how should i explain this ? para bang naging ibang tao sya bigla ".


"Hey you're awake , how are you?" Lumapit sa tabi ko Ang lalaking naka asul na damit at bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Tinignan ko lang sya at Hindi ako nagsalita o siguro ay Hindi ko kasi alam ang dapat sabihin.

"Do- do you know me ?" Tanong nya na may bahid ng kaba ang boses ngunit Hindi ko sya muling sinagot at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Magsasalita pa Sana sya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto Kung saan ako naroroon at pumasok ang isang babae.

"How is she ? I already called the doctor" bakas din sa mukha nya ang kaba at pag aalala.

Bumaling sya sakin at tinanong ako "ayos ka lang ba ? May masakit sayo? " Tanong nya bago hawakan ang kamay ko at pisilin iyon.

Para Naman akong nakuryente at agad binawi ang kamay ko. Pinaka titigan ko lang sya at pilit ikinalma ang sarili ko. At sa mabigat na boses ay nagsalita ako

"Who are you?"

Napabalikwas ako ng bangon sa kama at ng mapagtanto ko na nanaginip lang ako ay marahan Kong inilagay sa dibdib ko Ang kamay ko at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok nito.

"Fuck" mahinang bulong ko bago huminga ng malalim at bumangon sa kama.

Hindi na ako ulit makakatulog nito.

Nakakainis lang na sa tuwing andito ako ay napapanaginipan ko Ang mga bagay na ayaw ko nang mapanaginipan.

Kaya ayAW Kong umuuwi dito eh.

Tinignan ko Ang orasan sa table na katabi ng kama ko.

"9:10pm. Hindi ko namalayan na nakatulog ako"

Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto para magpahangin saglit. Lumakad ako hanggang sa nakarating ako sa garden. Naupo ako sa Isa sa mga upuan doon.

Sa totoo lang ay ayokong umuuwi dito dahil may mga ala-ala na gusto Kong kalimutan pero bumabalik padin sa twing nandito ako.

Itiningala ko Ang ulo ko bago pumikit para Naman ma relax ako ng Maya Maya ay naramdaman Kong may tumabi sakin.

"Buti Naman at naisipan mong umuwi" narinig Kong Sabi nya sa malumanay na boses ngunit Hindi ko sya pinansin. 

"Natutuwa ako baby bear" dagdag pa nya dahilan para mapabuga ako ng hanging at magmulat ng Mata.

"Pwede ho bang wag mo Kong tawagin ng ganyan. Seulgi ang pangalan ko" walang emosyon Kong Sabi habang pilit Kong itinatago ang inis sa boses ko.

"Pero gustong gusto mo noon pag tinatawag kitang baby bear. Ikaw pa nga mismo ang nagbigay ng palayaw na iyon sa iyo" natatawang usal nya.

"At Hindi ko iyon naaalala" sagot ko na nagpawala ng ngiti nya.

Napabuntong hininga ako na para bang umpisa palang ng usapan ay napapagod na ako.

"Pasensya na. Minsan ay nakakalimutan ko na may mga bagay na Hindi mo maalala sa pagkabata mo" malungkot na Sabi nya.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng Hindi na ako sumagot.

Pero sya din MISMO ang bumasag ng katahimikan na yon "pwede ko ba malaman Kung ano ang dahilan Kung bakit umuwi ka ulit at bukod don magtatagal ka pa dito. Don't get me wrong masayang Masaya ako sa desisyon mo , gusto ko lang malaman ang reason" 

"Dahil pinauuwi nyo ko" simpleng sagot ko

"Alam natin pareho na Hindi ka uuwi dito at mag stay ng dahil lang sa pinauuwi ka ng Asawa ko. Ano ang totoong reason anak" nakangiti Nyang Sabi.

anak..

Gusto ko syang patigilin din sa pagtawag sakin ng anak dahil Hindi ko gusto ang salitang yon satwing nanggagaling sa kanilang mag asawa ngunit alam Kong masasaktan sya kapag sinabi ko yon.

"Gusto ko lang magpahinga sa career ko at magrelax mali ho ba yon? I think I deserve that" malumanay na Sabi ko. Ayokong sabihin ang totoo Kaya nagdahilan nalang ako. Ang totoo ay Hindi ko expected na magtatanong sya dahil madalas ay hinahayaan nya lang ako sa mga gusto ko gawin ng walang tanong tanong.

"Ofcourse, ofcourse you deserve a vacation and a time to rest. Masyado mong ginugugol ang oras mo sa trabaho at nakakalimutan mo na ngang umuwi. Mabuti at naisip mo Yan" masayang Sabi nya 

Nag iwas ako ng tingin.

At tumango -tango.

Kalaunan ay nagsalita syang muli " sobra mong napasaya ang tita mo sa desisyon mo alam mo ba yon ?"

Tumango nalang ako dahil Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Malay mo sa pag stay mong muli dito ay may maalala ka na" malungkot nyang Sabi ngunit hidni ako nagsalita.

Kinabahan akong bigla. Kung alam lang nya na ayaw ko nang maalala pa iyon. Gusto Kong wag ng maalala Yung mga bagay na gusto nilang maalala ko.

Nang ilang minuto na at Hindi ako sumagot ay tumayo na sya at tinapik nya ko.

"Kung ano man ang dahilan mo sa pag stay mo dito Sana ay magawa mo bago ka umalis muli"

Usal nya bago naglakad palayo.

Sana magawan mo bago ka umalis muli

Magagawa ko nga ba ? Kaya ko ba ?

KaKayanin ko bang magpakilala ?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon