Part 1

78 2 0
                                    

irene POV

"are you sure na ok lang sayo na doon muna tayo ng isang buwan? " muling tanong ni bogum na panandalian pang sumulyap sa gawi ko bago muling itinuon ang atensyon sa pag mamaneho.

"malapit na nga tayo eh. how many times do i have to tell you na ok lang sakin?"

"kung hindi lang nagtatampo si mom ay hindi talaga ako papayag na magtagal don ng isang buwan." usal nya habang nakatutok padin ang mata sa daan "masyado akong maraming trabaho sa company na naiwan at pati na ikaw"

"it's fine hon. matagal ka nadin hindi umuuwi kaya natural lang magtampo yun. Isang buwan lang naman ang hinihingi nya at isipin nalang natin na isa itong bakasyon,matagal nadin nung huli tayong nag relax" may ngiti sa labing usal ko at saglit naman nya akong tinignan bago ginawaran ng matamis na ngiti.

almost four years na kami ni bo-gum at sa apat na taon na yon ay hindi sya pumalya sa pagpapakita sakin kung gaano ako kaswerte na sya ang minahal ko.

sampung taong gulang ako ng una ko syang makilala. Madalas kaming palipat lipat ng tirahan ng mga magulang ko noon dahil sa trabaho ng ama ko.  Naging kapit bahay namin ang pamilya nila at halos araw araw kaming magkalaro na dalawa at minsan ay kasama din namin maglaro ang nakababata nyang kapatid na si sooyoung. Naalala ko noon kung gaano ako kasaya sa twing kalaro ko sya at lagi ko pang hinihiling na huwag na sanang madestino si papa sa ibang lugar dahil ayaw ko ng lumipat pa ulit kami.

Ngunit isang gabi ay sinabi sa akin ng ama ko na lilipat na kami ulit ng bahay dahil nadestino nanaman sya sa ibang lugar at kailangan namin umalis bago sumikat ang araw. Sobrang lungkot ko non ngunit alam kong wala akong magagawa pero hindi kaya ng loob ko na umalis nalang ng hindi nagpapalam kay bo-gum kaya tumawag ako sa kanila at pinilit ko sya na magkita kami kahit alam kong sobrang gabi na.  ayaw nyang pumunta dahil ang sabi nya hindi sya papayagan lumabas ng mommy nya ngunit matigas ang ulo ko at sinabi ko na maghihintay ako sa playground kung saan lagi kaming naglalaro.

Ilang minuto akong naghintay at umiyak dahil alam kong mukhang hindi sya talaga pupunta. Ngunit sumobra ang saya ko ng dumating sya suot ang malaking hoodie jacket at maluwag na joging pants- Naka baseball cap at mask din sya bagay na ikinataka ko ngunit sabi nya ay tumakas lang sya kaya ganun ang suot nya.

Nagpaalam ako sa kanya noon at naalala ko ng bigyan nya ako ng bracelet na may nakalawit na maliit na buwan. Tuwang tuwa ako nun at hanggang ngayon ay nakatatak sa utak ko ang sinabi nya nun 'isang araw ay magkikita tayo at sana sa pagkaktaon na yon ay makilala mo ako'

ilang taon ang lumipas nang makita ko syang muli sa isang kumpanya kung saan ako nag-apply. Nagulat ako ng malaman na isa sya sa may-ari ng pinakamalaking modeling agency kung saan ako nagtatrabaho ngayon bilang isang modelo.

Laking tuwa ko ng malaman na hindi din pala nya ako nakalimutan.  Naging malapit kami sa isat isa at ilang buwan lang ang lumipas nang nagtapat sya sa akin.

"hey hon we're  here " bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni bo-gum at maramdaman ang mahinang pagtapik nya sa braso ko.

sinamaan ko sya ng tingin when i heard him chuckles"you're  cute.  dont tell me inaalala mo nanaman yung love story natin? " he said teasingly at alam na alam na nya dahil palagi ko naman talaga naiisip ang unang pagkikita namin at kung paano kami nauwi sa kung ano mang meron kami ngayon.

i rolled my eyes pero hindi ko napigilan ang pagkawala ng matamis na ngiti sa labi ko. "because you are the best thing that ever happened to me. kaya lagi ko iyong aalalahanin hanggang sa pagtanda ko" usal ko bago ko pinisil ang ilong nya pagkatapos ay dinampian sya ng halik sa labi.

My Boyfriend's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon