My Guardian Angel

6 1 0
                                    

ANGELITUN POV

Nakatitig ako ngayon sa babaeng pinakamaganda sa paningin ko. Masayang masaya siya habang nakatanaw sa karagatan.

“Angelitun, kailan moko ipapasyal sa langit?” Bigla akong namutla sa tanong niya. Hindi ko ito inaasahan.

“Nagmamadali ka na ba?” malambing na tanong ko matapos mabigla.

Marahan siyang umiling sakin at nakangiting ibinalik ang paningin sa naglalakihang alon.

“Angelitun, magdadalawang taon na tayo bukas” bigla ay sabi niya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

“Oo, hindi ko yun nakalimutan at may surpresa ako sayo na siguradong ikakatuwa mo” nakangiting sabi ko.

Handa akong isugal lahat ng merun ako para sa babaeng nagpatibok ng puso ko. Wala na akong pakialam sa posibleng mangyare pero sigurado na ako.

“Hehe, talaga?” nakangiting tanong niya. Tipid na tango lang ang isinagot ko. Yung boses niya, yung tawa niya ay parang musika sa aking pandinig. Para siyang isang anghel na umaawit.

“Halika na, maggagabi na. Ihahatid pa kita” sabi ko sa kanya. Humarap ako sa kanya at kinarga ko siya paharap saakin.

“Hmm, ang sweet natin tingnan” nakangiting sabi niya. Nginitian ko lang siya at binuklat na ang aking pakpak.

“Ang ganda talaga ng pakpak mo, kulay puti”  komento niya.

Hinawakan ko siya ng mabuti at nagsimula ng lumipad. Havang nasa himpapawid kami ay inangat niya ang dalawa niyang kamay at tila enienjoy ang sariwang hangin.

“Angelitun? Kaya mo bang isuko ang lahat ng merun ka para saakin?” Malumanay na tanong niya. Tiningnan ko naman siya ng may ngiti sa labi.

“Kaya kong isuko lahat ng merun, ako para sa babaeng mahal ko.” nakangiti kong sabi at tumingin ulit sa mga nadadaanan naming kapunuan.

“Kahit ang pagiging Anghel mo?” tanong niya kaya matamis akong ngumiti at tumango.

Bigla nalang namula ang tungki ng ilong niya bago may pumatak na luha galing sa mga mata niya.

Tiningnan ko siya ng may pag-aalala.

“Anong nangyare? Ayos ka lang ba Santina?” nag-aalalang tanong ko. Tumingin siya saakin na puno ng emosyon ang makikita sa mga mata niya.

Bumuka ang kanyang bibig at muli itobg isinara. Parang may gusto siyang sabihin na di masabi-sabi at nag-aalangan siya.

“Sana kahit anong mangyare, ay manatili ang pagmamahal mo saakin” emosyonal nyang sabi. Taka ko naman siyang tiningnan pagkatapos ay natawa.

“Kahit anong mangyare pinapangako kong mananatili ang pagmamahal ko sayo” nakangiting sabi ko.

Inihatid ko siya sa kanilang bahay. Sa may likod.

“Pangako kong magugustuhan mo ang regalo ko sayo bukas” nakangiting sabi ko.

Ngumiti siya saakin ng malapad at ng akmang hahalik na siya sa pisngi ko ay biglang dumating ang tatay niya.

“Andito na pala kayo. Kamusta?” nakangiti niyang baling sa anak pero nang lumingon siya saakin ay bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

“Ayos lang naman po at kung maari po sana ay ipapasyal ko ulit bukas si Santina?” nakangiting tanong ko.

Seryosos ang mukha niya pero kalaunan ay ngumiti rin.

“Payag ako. Pero sana kung may plano ka para sa anak ko ay gawin mo na. Hindi ko gusto na ipinamamasyal mo ang anak ko tapos hindi uunsad ang relasyon niyo” seryosong sabi niya. Matagal na niya akong minamadali na asawahin ang anak niya.

Matapos ang maikling konbersasyon ay nagpaalam na ako sa kanila at lumipad papuntang langit.

Nang makatungtung ako sa may ulap ay bigla nalang may lumitaw na gintong gate.

May dalawang lalaking nagbabantay rito. Mga anghel rin kagaya ko. Ang gate na ito ay para sa mga anghel na may misyon, at dito sila pumapasok. Habang ang mga patay naman ay nasa kabila.

Pinagbuksan ako ng dalawang lalaking Anghel na nagngangalang Sandido at Gabrell.

Nginitian ko sila bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ay nakita ko si Yuna na abala sa mga batang anghel.

Nilapitan ko siya. Tumingin naman siya sa gawi ko at ngumiti.

“Kamusta ang misyon?” salubong niya saakin ng makalapit ako.

“Ayos lang naman. Sinigurado ko na naligtas ang mga tao sa nangyareng bagyo” nakangiting pagkwekwento ko.

Tumingin tingin ako sa mga batang anghel na may inaaral na makapal na libro. Pero iisa sa mga batang anghel ang umagaw sa atensyon ko.

Ang isang batang babae na naglalaro ng trumpetang ginto habang nakapikit. Maganda siya. Anghel na anghel ang datingan. Isa siyang tunay na anghel.

“Gusto kang kausapin ni Verjel. May importante kayong pag-uusapan” bigla ay sabi ni Yuna kaya nawala na sa batang anghel ang atensyon ko.

“Oh sige. Alis nako” pagpapaalam ko. Ngumiti naman siya bago itinuon uli ang paningin sa mga bata.

Nang akmang susulyapan ko muli ang batang babae ng bigla nalang ako hinarang ng makakapal na ulap. Pinalibutan ako nito. Bigla nalang may lumitaw na lalaki sa harap ko. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sakin.

“Angelitun maraming beses na kitang pinagsabihan na huwag kang iibig ng mortal.” nasa tinig niya ang pagiging strikto.

“Ngunit ito lang ang linabag ko sa inyo” nakayuko kong sabi.

“Handa ka na bang isugal ang lahat para sa babaeng mahal mo?” serysospng tanong niya kaya tumango ako. Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga.

“Kapag isinuko ko ang pagiging Anghel mo ay mamumuhay ka bilang ordenaryong tao. Paghihirapan mo ang iyong makakain, maiinom, mga gamit. Dahil ordenaryong tao kana ay makakaranas ka ng kagaya ng mga ordenaryong tao. Maghihirap muna bago makamit abg karangyaan” sabi niya at bigla nalang winasiwas ang kamay niya.

DAXAN

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon