"Gago, sandali lang intayin mo na ko sira sasakyan ko." Nag mamadali na rin ako kumilos sa loob ng kwarto ko. Nakalimutan kong ipaayos yung kotse ko kahapon gawa na rin na lasing ako.
Nang pag labas ko ay wala na si Nadia, tangina. Hindi nya na ata narinig yung sinabi ko. No choice mag cocommute ako nito. Late na naman na ko ulit. Habang nag hihintay ng jeep ay nag text ako sa gc.
"Tangina!" Ang lutong ng mura ng driver ng jeep. Naflatan pa ng gulong. Tangina naman oh kung kailan late na ko saka panasiraan.
"Lipat nalang kayo jeep, flat yung gulong." Sabi nya sa amin. Bumababa ako kaagad at napag desisyonan na hindi nalang pumasok kasi late na rin naman. Mamayang tanghali nalang ako papasok.
Dumaresto akong starbucks para doon muna mag stay. Dala ko naman laptop ko mag sstudy nalang ako kunwari sa loob para di nakakahiya.
Umorder ako ng Caramel macchiato and Blueberry cheesecake. Inayos ko na rin ang laptop ko. Habang nag kukuwaring nag aaral ay napatingin ako sa bagong dating. Tangina, ang pogi agad akong nag text sa gc namin. Omg! Kailangan nila tong malaman.
YOU ARE READING
Sa Susunod na Habang Buhay
Random"Pangako mo noong una Kai yung titiwala ko sayo iingatan mo bakit tayo andito ngayon?"