STUPIDLY IN LOVE
written by raexine
CHAPTER 1
Antok na antok kong iminulat ang aking mga mata nang marinig kong nag ri-ring ang aking alarm clock.
Pero hindi ko muna ito pinansin kasi sa sobrang antok na nararamdaman ko. Hindi tumigil ang ingay nang alarm clock kaya humikab akong bumangon at pinatahimik ito.
"Bwesit naman inaantok pa'ko eh" sabay kamot ko sa ulo.
Nakasanayan ko nang hindi matulog ng maaga dahil sa may pinapanood akong bagong movie ng kdrama halos gabi-gabi yan ang kinaka-addict-kan ko. Minsan nga hindi ko na namalayan na 4am na pala sa umaga dahil sa gustong-gusto kong matapos kaagad ang pinapanood ko, hindi matatahimik ang utak ko kung hindi ko pa yun natatapos.
Tumayo na muna ako para tignan ang sarili ko sa salamin.
"Mmm...maganda parin kahit magulo ang buhok" proud kong sabi at sinuklay ang aking buhok.
Nagsimula na'kong maligo at pagkatapos ay inayos ang sarili. Ngayon ang first class ko kaya dapat comfortable ang sarili ko bago pumasok sa school. Pagkatapos kung mag-ayos ay bumaba na ako para kumain.
"Ma, ano ulam?" yan palagi ang sinasabi ko tuwing umaga kahit alam ko naman kung ano ang nakahanda sa lamesa.
"Eggs, piniritong isda at tsaka may karne pa akong niluto dito" sabi ni mama habang nagpiprito ng karne. "Kumain kana Zoe at tawagin mo na yung mga kapatid mo.
Oh! By the way, I'm Zoe Lee Davis , 17 years old. And I have two brothers, ako lang ang nag-iisang babae sa kanila. They are Travis Young Davis and Jeremy Klien Davis si Jeremy ang bunsong kapatid namin ni Travis at ako ang pangalawa samantalang si Travis ang panganay.
"Yes ma" sabi ko tsaka "TRAAVISSS, JEREMY BUMANGON NA KAYOOO PARA KUMAIN" sigaw ko.
Pagkatapos kung tawagin ang dalawa humarap na ako sa hapag kainan at uupo na sana ng nakita ko si mama na hindi ma ipinta ang mukha.
"Bat ka sumisigaw? Ang aga-aga E sumisigaw ka! Bat hindi mo puntahan sa kwarto nila"
Galit!
"Eh ma naman sabi mo tawagin eh tinawag ko. Magkaiba naman kasi yung puntahan saka tawagin, words palang magkaiba na"
"Abay—" hindi na niya natapos dahil lumabas na ang dalawa. Hay! Salamat.
"Good morning ma" sabi ni Travis sabay halik sa pisngi ni mama.
"Morning ma, morning sis" Jeremy saka umupo na.
Umupo na ako "Morning hehe"
"Zoe, ikaw pasalamat ka" sabay turo sakin.
"Zoe?" Travis. Minsan talaga nakakatakot tong isang to. Hindi dahil sa panganay ito kundi para na din siyang ama sa pamilyang ito ng simulang namatay si papa.
"Wala yun. Kumain kana ya hehe" saka binigyan ko siya ng plato.
"Ang bait mo talaga Zoe pag may nagawa kang mali"
"Wala nga kuya e. Sinagot ko lang si mama" padabog akong umupo kasi tumayo naman ako kanina nung binigyan ko siya ng plato.
"Sinagot mo si mama?" alam ko kung ano ang ibig sabihin niyang 'sinagot'.
"Syempre kasi nagtanong siya. Kuya may respeto naman ako kay mama noh"
"Tama na yan. Kumain na kayo baka malelate pa kayong tatlo dyan" sabi ni mama habang umiinom ng tubig.
Pagkatapos naming kumaing tatlo ay hinatid kami ni Kuya Travis sa school namin ni Jeremy. Malaki naman tong school namin hindi gaya nung unang school na pinasukan ko 'noon'. Nang makapasok na kami sa school ay mukhang kaunti pa ang mga estudyante, napa-aga yata kami tinignan ko muna ang relo ko kung anong oras na '8:30' pa naman kaya may oras pa akong mag-ikot-ikot sa campus tsaka 9:00 mag simula yung klase ko.
Una kong pinuntahan yung ground sa likod ng school. Malaki siya sobrang lang kaya hindi ipinagtaka na may ibat-ibang klaseng laro. Doon sa right side ay may tennisan katabi nito ay yung mga badminton hindi naman gaano ka laki yung space nila sakto lang para maging komportable ang mga player sa left side naman ay nandun ang malaking basketball court malaki ito syempre pero mas malaki yung para sa mga runner ata yun. May kunti space dun sa gitna hindi ko alam kung ano yun kaya pupuntahan ko na sana ng may biglang tumawag sakin kaya napalingon ako dito.
"ZOOEEE" sigaw ng babae papalapit sa akin.
Hanggang makalapit ito sakin. Ngayon ko lang napansin na siya pala si Jane Hernandez ang nag-iisang kaibigan ko dito. Hindi ko masyadong na mukhaan siya kanina nung tinawag niya ako dahil sa bangs nito na halos matakpan na ang kanyang mga mata. Nag transfer din siya nung nag transfer ako dito dahil sabi niya kung saan daw ako mag-aaral ay dun din siya may-aaral dahil yan daw ang ginagawa ng mga tunay na magkaibigan pero hindi ako naniniwala dun ang sabihin niya lang ay may gusto siya sa kapatid kong si Jeremy, oo may gusto siya sa kapatid ko matagal ko nang alam simula ng pumunta siya sa bahay namin para gumawa ng project.
"Nandyan ka lang palang babae ka"hingal na hingal nitong sabi habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Tinignan ko lang tong ground. Teka bat kaba tumatakbo dyan ha?"
"Syempre hinahanap kita ano paba"
"Ako ba ang hinahanap mo o nagbabasakali ka na kasama ko si Jeremy" pag-aasar ko sakanya at bigla itong namula. "Nakoh! In love na ang lola niyo sa kapatid ko" sabi ko.
"Tumahimik ka" asar nitong sabi at tatalikod na sana.
"Hoy! Saan ka pupunta?" pero hindi niya ako pinansin at nagpapatuloy lang ito sa paglalakad "Alam mo may dinala si Jeremy na babae sa bahay namin ang ganda niya matangkad, makinis at mukhang model" parinig ko dito at huminto siya bigla kala ko hindi niya narinig.
"Bat ka huminto? Tara na may klase pa tayo baka mahu—" hindi ko natapos ang kasunod na sasabihin ko dahil seryoso itong nagsalita.
"May babae si Klein?" seryoso ang mukha nito.
"Ewan ko? Bakit hindi siya ang tanungin mo" nagpatuloy na ako sa paglalakad at alam kung nakasunod ito sakin.
"Alam mo nakakainis ka. Malalagot ka talaga sakin Zoe" nakasimangot ito ng tinignan ko siya pero tinawanan ko lang ito hindi ko alam na ganun pala siya ka seryoso sa kapatid ko.
"Bakit ka tumatawa ha! Kala mo nakakatawa ka"
"Joke lang ito naman. Halika na baka malate pa tayo oh may 5 minutes pa tayong natira" sabi ko at sumunod naman ito sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/307104743-288-k470944.jpg)
YOU ARE READING
STUPIDLY IN LOVE
Teen FictionThe first time I laid my eyes on Nathan Harris, I didn't expect to witness such a surreal and wholesome romantic fairy tale. I was instantly enthralled. I was completely charmed. But most of all, I was enwrapped by a story that's so innocent and pur...