CHAPTER 2

10 0 0
                                        

STUPIDLY IN LOVE

written by raexine





   Nang makapasok kami ni Jean sa room namin ay wala pa ang aming guro sa English kaya hindi pa kami late. Umupo ako sa bakanting upuan sa likod na malapit sa bintana at nasa unahan ko naman si Jean. At maya-maya pa ay dumating na ang aming guro sa English.


    "Good morning class. So, today I just want to introduce myself as your new teacher in English. Roselyn Cruz just call me Ms.Cruz or Ma'am Rose, Understood?" Ms. Cruz said.


   "Yes ma'am"


   "Yes"


   "Opo Ms.Cruz"


   Tumango lang ako bilang sang-ayon sa kanyang sinabi.


   "But, before we start may ipapagawa ako sa inyo" may binigay siyang papel sa'ming lahat "Answer the following questions okay?" sabi nito pero biglang may pumasok.


   "I'm late" walang ganang sabi ng lalaki na kakapasok lang. At nagtilian agad ang mga kaklase kong babae.


   "OMGG!! Ang gwapo niya"


  "He's so hott"


   "Oh my Natee"


   "He's our classmate? Ang swerte ko girl"


   Yan ang mga naririnig ko ng pumasok ang lalaki na yan or should we say Nate? May Nate dun sa narinig ko kaya baka yun ang pangalan niya.


   "You are always late Mr. Harris ngayon palalagpasin ko to pero sa susunod hindi na" galit na saad ni Ms.Cruz mukhang ayaw niya sa mga malelate ng class niya.


   "Sino yan" tanong ko kay Jane na kami lang ang makakarinig.


   "Si Nathan yan anak ng may-ari ng school na to. Nathan Harris" sagot nito. Mukhang may nakalap na naman to ah.


   "Pano mo naman na laman yan?" bago lang kami dito tas may alam na agad siya? Meron din naman ako ah! Dun sa ground.


   "Duh! Hindi mo alam na siya lagi ang bukang  bibig ng mga estudyante  nung pumasok ako dito bago kita hinanap" tumango lang ako. Famous pala dito ang mukong nato.


   "DAVIS AND HERNANDEZ ANG AYAW KO SA LAHAT AY YUNG MAY MAG-UUSAP TUWING NASA KLASE KO KUNG GUSTO NIYO DOON KAYO SA LABAS MAG-UUSAP" galit na sigaw nito at halos lumabas na yung eyeballs niya dahil sa galit.


   Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa kahiyaan na nagawa namin. Sa dinami-dami ng nagsalita kanina nung pumasok yang lalaki nayan hindi naman niya pinagalitan kami pa talaga hay buhay.


   "Sorry ma'am/ Sorry ma'am" sabay naming sabi ni Jane.


   Hindi ko namalayan na naka upo na pala yung Nathan at ang mas nakakainis pa dun ay nasa tabi ko ang bakanteng upuan kaya nasa tabi ko siya ngayon. Hay! Ang malas nga naman. Kitang-kita ko ang malaking ngiti sa labi ni Jane kaya inirapan ko lang ito.


   Hindi lang ako naiinis dahil sa katabi ko siya. Ang g4go ba niya naman para angkinin niya lahat ang table namin kasi nga nasa table yung bag niya ang liit na yung space para sakin. Kala niya lang ata na siya lang ang gagamit ng table.


   "Pwede bang wag diyan mo ilagay ang bag? Hindi lang naman ikaw ang gagamit ng table eh" bulong ko na sakto lang para marinig niya.


   "Tch!" buti naman sinunod niya at kinuha niya yung bag.


   Sinimulan ko na ding sagutin ang binigay na question ni ma'am. Ang easy lang ba naman nung mga binigay niyang questions  pati ata mga elementary students ay makakasagot nun.


   "Okay guys, pass your paper to the front and pwede na kayong lumabas"


   Tatayo na sana ako ng biglang sumabit ang aking damit sa upuan at ngayon ko lang namalayan na nakahawak na pala ako sa matitigas niyang dibdib, mabilis kasi yung pangyayari.Shemay! Halatang nag wo-workout tsaka may abs ang mukong. Ang bango pala niya halatang mamahalin yung perfume nito. Inamoy ko siya at nakaka addict talaga yung amoy niya hindi ka magsasagawang amoyin siya.


   "What are you doing?" Ohmygosh mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa matitigas niyang dibdib.


   "Zoe?" takang tawag ni Jane sa pangalan ko. OMG! Nakita niya kaya yun? Nakakahiya!


   "I'm s-sorry, sumabit lang y-yung damit ko sa upuan" biglang uminit yung pisngi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.


   Mabuti nalang at nagsilabasan na yung ibang kaklase ko kaya wala masyadong nakakita sa pangyayari except Kay Jane. Patay! Kung ano-ano naman ang iisipin nito.


    "I'm very sorry Nate. I didn't mean to—" natigil ako dahil bigla siyang nagsalita


   "It's okay" sabi nito na may malamig na tono habang inaayos ang kanyang damit tsaka tumayo at umalis na.


   "Oh my goshh, Zoee ang swerte mo girl nahawakan mo siya. Ano mabango? Masarap? Sabihin mo anong feeling" tumalon-talon pa ito dahil sa kilig. Ewan ko sa babaeng to.


   "What? Anong masarap ka dyan kilabutan ka nga sa sinasabi mo Jane. It was an accident lang uy" utad ko dito.



     "Sus, may pa 'it was an accident' 'it was an accident' pang nalalaman" pang gagaya nito sakin.



     "Gusto mo sapakin kita, a" sabi ko at akmang babatukan ko na sana pero agad din naman itong nakaiwas.



     "Kala mo ha, joke lang hindi ka naman ma biro" sabay hila sakin para lumabas ng room pero binawi ko ito.



     "Don't touch me bad mood ako ngayon" at inunahan ko na syang lumabas.



     "Ang bilis mo namang ma pikon Zoe, gusto ko lang sabihin na hindi ako marunong manuyo ha lalo nat hindi ikaw si Jeremy"



     "Sinong nagtanong" sigaw ko.



     "Ay, gumaganon kana Zoe ha"



     "Ha? Pakiulit nga Jane, Ha? Ha?"



     "Susumbong kita kay kuya Travis mo, batang to"



     "Hanapin mo pake ko"




     "Zoeeee, sige lang sasapakin talaga kitaa" inis nitong sabi at tumakbo agad ako dahil alam kung naiinis na ito at hahabulin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STUPIDLY IN LOVE Where stories live. Discover now