Chapter 2: Karma Strikes

18 0 0
                                    



Nang makapasok na si Lay sa sinasabing elevator ni Baekhyun ay sinara na nila ito, maraming buttons sa loob nito na hindi nila maintindihan kung para saan.

"Oh? Pano ba to paandarin?" Tanong ni Kai

"Di ko rin alam eh"Sagot naman ni Baekhyun

"I-try mo na lang lahat ng button dyan" Sabi naman ni Xiumin

At yun nga ang ginawa ni Baekhyun. Pindot lang siya ng pindot ng kung ano-anong button kahit di niya alam kung para saan yun. Dahil sa kakapindot niya ay na-activate niya ang auto lock ng machine, mayroon na ring usok ang lumalabas na hindi nila alam kung para saan o kung saan nanggaling. Nag-uumpisa nang magpanic ang lahat dahil hindi sila makalabas at nakaka-asar na rin ang usok doon.

"Aaahh!! Tulungan niyo kami!"-Luhan

"Ano ba tong usok na to!? Drugs ba to?!"-Chanyeol

"Bibigyan ko ng pera kung sino ang makakapagbukas ng elevator!!!"-Suho

"Waaah!! Napipi yung chocolate ko!!"-Xiumin

"Sinong umaapak sa paa ko!!?"-Chen

"Tumabi kayo! Iwuwushu ko tong elevator! !"-Tao

"Tumigil nga kayo!! Nasusuffocate ako!!"-Kris

"Ang gulo niyo!! Hindi ko alam kung anong gagawin ko!!! Manahimik kayo!!"-Baekhyun

"Mahal na mahal ko kayo!! Pakisabi sa pamilya ko hinding hindi ko sila makakalimutan!!"-Kai

"O_O"-D.O

"Mamimith ko ang Earth!! Hanggang tha muli nating pagkikita!!"-Sehun

"Bakit ba kasi ako sumama sa inyo!!"-Lay

And Poooof!! Nabalutan na ng makapal na usok ang loob ng machine, nabalot na rin ng katahimikan ang buong lab.

Sakto naman sa eksena ang pagpasok ni Prof sa lab. Agad naman niyang napansin na nawawala ang EXO dahil ang tahimik doon, napansin niya naman ang makapal na usok sa isa sa mga machines niya at saka lang nag-sink in sa utak niya na baka nandoon ang makukulit niyang kaibigan.

"Shoot! Bakit nila pinakialaman to!" Sabi ni Prof habang pumipindot ng kung ano-ano doon sa machine para bumukas na ito.

Di naman nagtagal ay bumukas ito pero makapal pa ang usok nito, pinapaypay niya ang kanyang kamay para mawala ang usok nang lumilinaw na ang loob ng machine ay agad nanlaki ang mga mata niya ng katulad kay D.O. napaupo rin siya sa kinatatayuan niya.

"*cough**cough* buti dumating kayo Pwop kung hindi baka namachay na kami sha loob nang elebeytor mo .. Oh bakit ganyan ka makachingin shamin?" Tanong ni Baekhyun.

Imbes na sumagot si Prof Mico ay kinuha niya ang full lenght mirror sa tabi niya at iniharap sa EXO, maging ang EXO ay nagulat sa kanilang nakita.

Ano nga ba ang nakita nila? Eh ano pa nga ba? Edi ang 3 years old version ng mga sarili nila.

"Thish can't be happening ... NOOOOOO!!"

Mini EXO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon