My Husband is a Mafia Boss (Season 3) - Chapter 15
Mikazuki's PoV
"Hi I'm Lovelle, Mr. Yagami's fiancee" Pakilala ni Lovelle sa ibang bisita. Nakaupo ako sa isa sa mga vacant seats habang pinagmamasdan silang dalawa ni Roswell na nakikipag-usap sa ibang bisita. Ewan ko ba dito kay Roswell, gusto pa nandito ako eh sila rin namang dalawa ni Lovelle ang magkasama.
I'm so damn bored!
I sighed and looked around habang hindi nakatingin si Roswell. "Mika-chan, pupunta lang ako doon" Paalam ni Shaun. "Okay" Tumango ako at ngumiti. Chance ko na rin 'to na magikot-ikot. Besides, hindi ko pa rin nakikita at nakakausap sila tita Aemie at Katana.
Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palayo nung mapansin kong hindi nakatingin si Roswell. Nung medyo malayo na ako ay nagmadali na akong hanapin ang powder room hanggang sa makapasok ako sa pinakadulong cubicle. "Kinabahan ako dun ah" I said, almost whispering habang nakahawak sa dibdib ko. Buti hindi ako napansin ni Bullet.
"I haven't seen her yet, kanina ko pa nga sya hinahanap"
"Gosh! I also didn't expect na ganito karami ang bisita"
Bubuksan ko sana ang pinto ng cubicle when I heard something. "Nagkausap ba kayo ni Angelique?" Hindi ko alam kung sinong Angelique ang tinutukoy niya. Of course, maraming Angelique sa mundo, but the point is, biglang sumagi sa isip ko si mommy Angelique. Kaya instead na buksan ko ang pinto ay nakinig nalang muna ako.
"Yep, tumawag sya kanina sa'kin. I thought you have a plan?"
Their voices aren't familiar, kaya tingin ko hindi ko pa sila nami-meet.
I want to peek para sana makita ko kung sino 'yung nag-uusap kaso mapapansin din nila ako kapag binuksan ko ang pinto ng cubicle."Of course dear, alam ko namang galing kang vacation kaya hindi ka aware na may party. Buti na lang nandyan si Yuriko para tulungan ako,"
"Hahahah you know me well, wicked bitch! Patingin nga ulit ako ng anak-anakan ni Angelique"
"Of course I do... oh here..." Idinikit ko ang mukha ko sa pinto ng cubicle dahil tumahimik silang dalawa. "So this is Mikazuki Yagami... hmm..."
Nanlaki ang mga mata ko when I heard my name. Just what I thought! Si mommy Angelique ang tinutukoy nila. Pero ano'ng koneksyon nila kay mommy? And why the hell are they looking at my picture?
"So what's our plan?"
Ayokong mag-isip ng masama, pero iyon lang talaga ang pumapasok sa isip ko.
Palabas na ako ng cubicle to confront them nung marinig kong bumukas at sara ang pinto ng powder room at mga tunog ng takong ng mga kakapasok lang. "O-M-G! Have you seen Mr. Yagami? He's so freaking hot!"
"I like Trigger Roswell girls"
"Basta sa'kin si Caliber"
Binuksan ko ang pinto ng cubicle at lumapit sa sink para maghugas ng kamay kunwari. Pero ang totoo ay nakikiramdam ako sa kanila.
"Kaso may fiancée nap ala si Mr. Yagami"
"Too bad for you girl"
"Hindi naman sila sweet nung fiancée niya. Ewan ko lang ha, pero para sa'kin lang kasi. Hindi naman sila bagay" Palihim akong natawa sa sinabi nung babae.
"Agree! Mukhang may pagka-bitch 'yung babae 'no? Nakita niyo ba kung paano sya makipag-usap sa mga guests. Akala mo sya 'yung may pa-party"
Tatlong babae na lang ang nandito at nag-uusap. Mukhang wala na 'yung dalawang nag-uusap kanina dahil iba 'yung mga boses nila.