My Husband is a Mafia Boss (Season 3) - Chapter 16
Mikazuki's PoV
Nilingon ko kaagad ang direksyon na kinaroroonan kanina nila Suzette Lewis, pati na rin ang lugar kung saan naroon si Camilla Fleur Blood pero wala sila, pati ang iba pa nilang kasama. I gritted my teeth sa inis. Ang bilis din nilang mawala.
"Mom!" Pinigilan nila Caliber at Trigger si tita Aemie bago pa ito tuluyang makaalis.
"Katana, kausapin mo ang security ng party na huwag magpapalabas ng kahit na sinong guest sa hotel" Bulong ko kay Katana habang patingin-tingin sa paligid. Sinusubukan kong hanapin si Roswell pero hindi ko makita.
"Sure"
**
Suzette Lewis' PoV
I was shocked when the lights turned off. I wasn't expecting this dahil wala naman 'to sa mga plano ko. "Suzette, stay here. Titignan ko lang kung ano'ng problema" Andrei whispered on my right ear. Gusto kong pigilan syang umalis dahil natatakot ako. I am afraid dahil baka may nag-sabotage ng plano ko.
Bawat segundo na lumilipas bumibilis ang tibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko.
I couldn't stay in silence anymore. I need to do something.
Mabilis akong tumayo at nangapa sa dilim. "Ouch" Ilang ulit pa akong natapilok at nabangga but I don't mind. Kailangang makaalis ako dito as soon as possible at makahanap ng ligtas na lugar.
May ilang security na may hawak na flash lights, at mga bisita na may hawak na phones kaya mabilis ko ring natunton ang exit.
As soon as I set my foot on the exit ay bumukas ang ilaw sa buong lugar. "Goodness" I held my chest na sobrang bilis ng tibok nung makalabas ako sa hallway.
Tinahak ko ang daan patungo sa elevator. Lumapit ako sa may elevator car operating panel at pinindot ang button pa-basement. Pumwesto ako sa may gitna nung matapos kong pindutin ang button.
Pasara na ang pinto ng elevator nung may matanaw akong pigura ng lalaki na nakatayo sa malayo. Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas maaninag ko kung sino sya. Darn! "Ezekiel Roswell" I whispered.
Nagsimula akong mag-panic nung makita kong nakatingin sya ng masama sa'kin. He's holding a gun kaya tumakbo ulit ako palapit sa elevator car cop at saka pinindot ng sunud-sunod ang button pa-basement. My hands are shaking kasabay ng pabilis na pabilis na tibok ng puso ko.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator ay tumakbo ako papuntang exit. "Ahh Ma'am. Saglit lang po, pero nakatanggap po kami ng utos at mahigpit po munang ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok ngayon sa hotel" Wika nung isa sa apat na guard na humarang sa akin sa may exit.
"WHAT?!" No! Kailangan kong lumabas at umalis dito" I said hurriedly at saka lumingon sa likod ko. Even though I am not sure kung ano ang plano ni Ezekiel Roswell, napaparanoid ako, pakiramdam ko balak niya akong patayin kanina dahil sa mga binato niyang tingin sa'kin.
"Pasensya na po Ma'am pero napag-utusan lamang din po kami"
"I am a guest here, at may karapatan akong umalis kung kalian ko gusto umalis!" Hiyaw ko at saka nagpumilit lumabas pero pinigilan pa rin nila ako. Padabog kong inalis ang mga kamay nilang nakahawak sa braso ko para bitiwan nila ako.
"Pasensya na po Ma'am pero sumusunod lang po talaga kami sa utos ng management. Para naman poi to sa kaligtasan niyo dahil may pagbabanta raw pong natanggap"
"This is obviously harassment! I will file case against all of you in the court of law!" Sigaw ko sa kanilang apat at saka tumalikod at naglakad paalis. Darn it! I have nowhere to go. Babalik na lang ako sa party.