Nine

597 13 0
                                    

Chapter 9.

Trust.


"Teka lang," natigil ako sa paglapit kay Johann nang hawakan ni Enzo ang kaliwa kong braso kaya napatingin ako sa kaniya. Lorenzo's stares for the man infront of us was now serious and looked so dangerous. "Pwede at kaya ko naman siyang ihatid sa kanilang bahay sa ngayon." malamig ang boses na aniya.


Lumipat ang mata ko kay Johann na wala pa ring ekspresyon. Bahagya ring bumaba ang mata niya sa kamay ni Enzo na nasa braso ko. He cleared his throat and smirked without a humor.


Nakaramdam na ako ng tensyon sa pagitan nila...


"Oh... gusto mo ihatid ang fianceé ko sa condo namin?" I felt how Enzo's hold in my arm loosened after he heard that statement from Johann.


I bit my lower lip and slowly looked at my friend who's in shock. Tiningnan niya ako. "W-what?" gulat na tanong niya. Mariin akong napalunok nang makita ko kung paano dumaan sa mata niya ang sakit. "You're now... living with him, Victoria?" 'di makapaniwalang tanong niya.


Huminga ako nang malalim at akma na sanang sasagutin ang kaniyang tanong nang muling magsalita si Johann. "We're sorry for not informing everyone but yeah, she's living with me since last night." at doon nga napabitaw si Enzo sa pagkakahawak sa braso ko.


I saw how he blinked alot of times until he looked down.


Bigla akong nakaramdam ng guilt.


Without any word, Lorenzo left us. Tahimik niyang inabot sa akin ang pinamili ko at gusto ko pa sana siyang kausapin nang desidido na talaga siyang iwan ako kay Johann. Mariin akong napakagat sa pang-ibaba kong labi habang pinagmamasdan ang paglayo ng kaibigan ko.


My shoulder fell as I looked at Johann who's now staring at me again. Lumapit ako sa kaniya at tahimik niya lang na hinawakan ang beywang ko. Gusto kong maiyak dahil iyon ang unang pagkakataon na iniwan ako ng ganoon ni Enzo.


He's too precious for me and I don't want to lose him as a friend.


"Why didn't you inform me that you are going to the mall with your friends?" may emphasis pa talaga ang 'friends' nang itanong niya iyon.


Mabilis kaming nakarating sa condo naming dalawa. I did not bother to answer his question dahil agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag matapos mailagay ang pinamili ko sa couch.


To: Enzo

Enzo... I'm sorry...

Sana nakauwi ka ng maayos sa inyo. Please reply if you have time...

Sent.


"I am talking to you, Xiamara Victoria." ang maowtoridad na boses ni Johann ang nagpabaling sa atensyon ko. "Why don't you tell your boyfriend that you are really engaged?"


"Alam niya nang engaged ako at hindi ko siya boyfriend... kaibigan ko lang siya." mahina ang boses na depensa ko at kinuha ulit ang pinamili para pumunta na sa kwarto. I want to take a bath and change my clothes. May homeworks pa akong gagawin.


Binilisan ko ang pagligo at nagsuot ng komportableng damit nang matapos.


My phone suddenly beeped while I was preparing the things I need for my homeworks. Nasa kusina si Johann, nagluluto yata.


Umaasa akong si Enzo ang nag-text pero nang makitang si Mommy iyon ay nakaramdam ako ng panlulumo pero tiningnan ko pa rin kung ano ang mensahe ng ina ko.


Adoring His ScintillateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon