Chapter 4

2 2 2
                                    

𝙒𝙖𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜 : 𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒂𝒊𝒏𝒔 𝒈𝒓𝒂𝒎𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒆𝒓𝒓𝒐𝒓𝒔, 𝒕𝒚𝒑𝒐𝒔, 𝒘𝒓𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒑𝒆𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒏𝒂𝒑𝒑𝒓𝒐𝒓𝒊𝒂𝒕𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒅𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒃𝒆 𝒏𝒐𝒕 𝒈𝒐𝒐𝒅 𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒂𝒈𝒆 𝒐𝒓 𝒕𝒂𝒔𝒕𝒆.

•••

Third Person POV

Dumako naman tayo sa lugar kung saan naninirahan ang hindi pangkaraniwang tao. Mga taong may kakayahan sa larangan ng patayan, barilan, at ubusan ng lahi. Masasabe lang na ordenaryo silang mga tao base sa kanilang panlabas na kaanyuan ngunit Hindi ! May itinatago din silang demonyo sa likod ng inosenting mukha.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-iinsayo ng dumating ang hindi nila inaasahang tao. Ang taong kinakatakutan nila maliban sa supremo, ang babaeng nagpapataas ng balahibo nilang lahat . Sa iba'y masasabeng kaduwagan ang matakot sa babae ngunit hindi ganon ang pananaw nila, OO takot sila sa maaaring mangyari pag-ginalit nila ito pero sa kabila ng lahat ng ito'y respeto ang nanginginbaw sa kanilang lahat.

Agad silang nagbihis bilang driver, gardenero , maid at mga tauhan. Pinaghandaan na nila ang araw ito sapagkat malalagot sila sa supremo kung mauulit muli ang nangyari noon na halos walang materang buhay sa luob ng mansion.

Saksi silang lahat sa hirap at sakrepesyo ng amo nilang babae na nagngangalang Alliah Denise Harvie Vertouso AKA Phoenix02AVC. Hindi nila gugustuhing pagdaanan ang dinanas ng kanilang amo na halos ilang ulit bumisita sa empyerno alang alang sa ninanais na hustisya.

Kaya malaki ang respeto nila sa taong nag ahon sa kanila sa lipunang kanilang ginagalawan.

Pinakiramdaman nila ang maaaring gawin ng kanilang amo sapagkat alam nila ang kwento sa likod ng blankong mukha ng dating makulit, malambing,at palatawang bata ngunit ngayon mabibilang nalang ang purong ngiti sa kanyang labi.

Nakakalungkot man dahil ang laki ng pinagbago niya subalit hangang hanga parin sila sa tapang at katatagang ipinamalas ng dalagita.

Se Alliah naman na tahimik lang at kanina pa nakatitig sa isang bulaklak na paboritong paborito ng kanyang ina. Ang bulaklak na laging inihahandog sa kanila ng kanyang ina tuwing umaga kasabay ng matamis na ngiti sa labi nito.

Hindi niya maiwasang malungkot tuwing may isang bagay at lugar na nakakapag paalala sa kanyang napaka lambing na ina.

Sa isip isip ne Alliah ' Kung Hindi kalang Sana nila pinatay mom, baka masaya tayo ngayon at hindi Sana aabot sa ganito ang lahat'.

Lumingon se Alliah at dumako ang kanyang mga mata sa luob ng mansion Kung saan nangyari ang bangungut na hanggang ngayon ayaw parin siyang tantanan. Memoryang ayaw siyang lubayan, at sakit na magpahanggang ngayon ayaw paring maghilom ng tuluyan.

Nais kwestyunin ne Alliah ang Diyos kung bakit sa ganong murang edad niya dinanas ang paghihirap na halos magpawala sa kanya sa katinuan. Napakuyum na lamang se Alliah ng maalala niya ang gabeng nagdala sa kanya sa bangungut ng empyerno.

FLASHBACK ************

Makulimlim ang kalangitan sa gabeng tahimik at nagliliwanag na buwan ngunit unti unti itong natatakpan ng makapal na ulap wareng may nagbabadyang unos na paparating. Nagsimulang umihip ang malamig na hangin kasabay ng mumunting kulog senyales na magsisimula ng bumuhos ang ulan mula sa kalangitan. Hindi nga nagtagal ay umulan ng malakas at mapapansin sa mga puno ang lakas ng pagaspas ng hangin na sinasabayan ng nakakatakot na liwanag mula sa kidlat at dagundong ng kulog na nakapag padagdag sa sama ng panahon.

𝙏𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙏𝙝𝙚 𝙐𝙣𝙩𝙤𝙪𝙘𝙝𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙈𝙖𝙨𝙩𝙚𝙧Where stories live. Discover now