Hailstone Prison Cell...
"The court is hereby announced that (Heaven Katana Amoŕe Hunterose), the assault, is proven as guilty. The court is now adjourned."
As the Judge said that, narinig ko ng nag-iyakan ang mga pamilya ko. Paanong ang sampung taong gulang na batang babae ay nahatulan ng anim na taong pagkakulong sa Hailstone? Napangisi ako ng palihim at hindi pa nag-abalang tumingin sa mga taong naaawa sa'kin at sa mga taong nagdidiwang ng saya dahil sa hatol.
"SA WAKAS, narito na ang tagapagmana ng Hunterose Kingdom!" salitang russian ang narinig ko mula sa babaeng Calixtus. Maganda siya ngunit alam kong ubod ng sama ang budhi nito. Sa paraan ng pagtingin niya sa'kin ay gusto niya akong pahirapan hanggang sa mawalan ako ng hininga. Napalatak ako ng mahina at hindi pinansin ito. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, maraming batang lalaki at babae na mga kasing edad ko lamang ang naririto sa loob ng Hailstone.
"Nagmamayabang ka dahil anak ka ng Reyna? Pwes, pagpasensyahan mo dahil sa lugar na ito ay walang titulo titulo, mahal na prinsesa!" wika pa ng babaeng ito at malakas akong tinulak sa lapag. Kainis. Tumahimik ang paligid at ramdam ko sa mga kapwa bata ko dito ay natatakot sila.
"Tandaan mo, sa lugar na ito ay ako ang Reyna at mga alipin kayong lahat dito!" sigaw niya pa at tumalikod na bago pa siya tuluyang lumisan ay isang nakakamatay na bantang tingin ang iniwan niya sa'kin.Naikuyom ko ang kamao ko at tumayo mula sa pagkasalampak sa sahig.
"Ayos ka lang ba?" Mukha ba akong ayos? Sa lagay ko na ito? Hindi ko pinansin ang batang babae na lumapit sa'kin. Kasalukuyan kong hinahanap ang selda ko.
"Number 0133 ang selda mo, magkasunod lang tayo. Tara, ihahatid na kita." Russian language ang ginagamit niyang wika at nahihimigan ko sa tono at kilos niya ang kaartehan. Pinakaayaw ko sa lahat, maarte.
"Unang araw mo dito sa Hailstone Prison Cell, Heaven. At asahan mo ng sa susunod pang araw, linggo, buwan, at mga taon ay empyerno ang buhay mo dito. Lalo pa't mainit ang dugo ng mga Calixtus sayo dahil isa kang Hunterose." Aniya. Hindi ba siya marunong mag salita ng tagalog? Kanina pa siya Russian ng russian. Haist. Kung sabagay, nasa Russia nga pala kami.
Para kaming mga minions dahil sa suot naming purong kulay dilaw na jumpsuit, ang sakit sa mata ng mga uniporme namin.
"Nandito kayo dahil sa kasalanang nagawa niyo at kailangan niyo iyong pagbayaran. Wag kang mag-alala, Heaven, habang naririto ka ay marami kang matutunan dahil nag-aaral din ang mga bata dito.- - - - -"
"Get lost, witch." walang emosyon kong saad sa batang babae ito na kanina pa nakasunod sa'kin. Mukhang hindi niya naintindihan ang wikang ginamit ko kaya inulit ko ito sa Russian language. "Poluchat' poteryannyy, ved'ma." ngumiwi ako ng nanlaki ang mata niya at maya't maya pa ay tinarayan niya na ako. Hindi ko iyon pinansin dahil ngayon ko lang siya napasadahan ng tingin. Para siyang pasyente sa Mental Hospital, hindi ko mawari dahil puti ang kasuotan niya at may mga electric chained pa siya sa kaliwang paa niya.
"Anong pangalan mo?" walang emosyon kong tanong sa kanya. Mula sa nagtataray niyang mukha ay napalitan ito ng pighati. Hindi ako tanga para hindi mapansin na may dinadaing siyang sakit, halata iyon sa mata niya kahit anong laban niya dito. Bumaba muli ang tingin ko sa electric chained, may umiilaw dito na maliit na pulang dot.
"Subject 333, come to the ground floor now!" anunsyo iyon mula sa speaker, lahat ng mga bata sa paligid namin ay naaawang nakatingin sa kanya. Pilit siyang ngumiti sa'kin.
"Paalam, Heaven. Ikinagagalak kitang makilala." aniya at tinalikuran na ako. Marunong pala siyang magtagalog. Hindi na ako nag-abalang sundan siya ng tingin dahil may batang lalaking patakbo rito sa kinakatayuan ko. Iniwasan ko ang pagtangkang pagyakap nito sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Badass Twins (CONTINUATION)
ActionBOOK TWO... The badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary...