WORTH'S POV
HUNTEROSE EMPIRE. Ito ang unang beses kong pagtungtong sa lugar na ito. Ang maharlikang lugar na hindi para sa mga taong ordinaryong mamayan dahil lahat ng nakatira rito ay purong mga may dugong bughaw. The Royalties, Elites and Commoner. Nagkalat ang mga Knights at Royal Armies ng Empire sa bawat lugar na nadadaanan namin ni Scythe. Nagbibigay galang din sila sa pamamagitan ng tatlong segundong pagyuko kay Scythe dahil isa itong Hunterose.
"I wonder if who's the richest member of Monstrous Trio Squad, ikaw ba Scythe?" Tanong ko sa kanya, tumawa siya ng mahina at inayos ang suot niyang White Doctor coat. Kilala ko na kasi ang ilan sa mga members ng MTS ayon na rin sa kwento ni Mi' Amore. Marami pa raw siyang Comrades na hindi ko pa kilala at nagkalat daw ang mga ito sa saang sulok man ng mundo. Kaya wag daw akong magselos kapag biglang may lalaking hahalik sa noo niya na hindi ko kilala.
Though, aminado naman akong seloso ako pagdating sa kanya. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya pero hindi sa mga lalaking may lihim na pagtingin sa kanya.
"Hindi ko rin alam kung sino ang pinakamayaman sa'min pero ilan sa mga candidates ay sina Smith, Venomous at Ocean. Si Smith kasi may sariling kastilyo yun dito sa Russia, si Venomous naman maliban sa may pagmamay-ari siyang limang Hospital meron pa siyang mga Luxury Restaurants na hindi namin mabilang kung ilan na ang napatayo niya habang si Ocean naman, 17 years old pa lang ang batang yun pero may sarili na siyang mga Airlines at nagkalat pa ang mga pinapagawa niyang Helipad sa kung saan saan niya trip at may sarili rin siyang sampung isla na matatagpuan sa gitna ng karagatan."
Wala pa yata sa kalahati ang yaman ko sa kanila, mukhang mahirap silang kalabanin pagdating sa kayamanan.
"Si Smith hindi ba't Butler siya ng mga Imperial minsan ko na kasi siyang nakita sa Skyline Village."
"May mission yata siya sa mga Imperial kaya naging Butler siya ng mga yun."
Napatango tango ako sa sinabi niya. Hindi naman mahirap makasundo ang isang Hunterose, kung vibes ka niya edi goods. Kakaiba nga lang ang mga ugali. Minsan hindi maintindihan, minsan ang gulo at minsan naman ay ang lakas ng saltik tulad ni Blade na akala ng lahat ay banal pero hindi naman talaga.
Mission responsibility ito ng mga clan na under ng Hunterose Kingdom at Hunterose Empire. Walang pinipiling edad ang pagkuha ng mission bata man o matanda lahat kami gumagawa ng mission ng hindi labag sa kalooban.
"Bakit mo pala pinabayaan na pumunta si Heaven sa World Government? Alam mong kakawala lang ng anak niyo dapat hindi muna siya kumilos ng kumilos." saad ni Scythe.
"Ayaw ko naman talaga siyang payagan kaso hindi naman siya mapakali dahil alam niyang hindi madali ilabas si Dos sa World Government."
"Ahh kaya pala."
"Hmm kaya pinayagan ko na, sasamahan ko naman sana siya kaso pinatawag tayo ng Reyna."
Kamusta na kaya ang Amore ko? Wag na sana siyang mawalan ng malay muli.
"Hi, I'm Hayashi Inoue, General of Assassin Knights. You can call me Ino."
"Yow, Kai Takashi here, General of Royal Armies Shinobi. Just call me Kai."
Sinalubong kami ng dalawang lalaki na kasing edad lang namin, hindi sila naka formal suit tulad ng nakita naming mga Knights at Royal Armies sa labas nitong palasyo. Rugged looks at wala sa ayos ang mga buhok mukhang kakagising lang nila. Base din sa surname at itsura nila ay may lahi silang japanese.
Knights, composed of two division, Assassin and Fighter.
General of Assassin : Inoue
Royal Armies, composed of two division, Gunner and Shinobi sila ang mga sundalo dito sa Hunterose Empire. Lead by two Generals.
BINABASA MO ANG
The Badass Twins (CONTINUATION)
ActionBOOK TWO... The badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary...