Ano na naman ba 'tong pinasok mo?
Sa pagod ko kagabi, nakatulog ako sa kitchen na nakaupo. Napasobra yata yung margarita kagabi eh. All I remember is taking 6 shots of them, pero grabe yung epekto, o baka lightweight lang talaga ako? Nagluluto si Gino, yung asawa ko, nang breakfast. Amoy pa lang, parang omelette na. Tas yung queso na smell, ang sarap lang. Pero wala, sobrang antok pa talaga ako. Mga alas dos na kasi ako nakauwi kagabi. Courtesy of that kind and hot guy from the club last night.
Naghain si Gino nung niluto niya sa mesa, he smiled at me, " Baby kain na oh. Niluto ko yung favorite mo"
"Umalis ka nga. Kita mong inaantok pa yung tao"
"Ba't ka ba kasi diyan natulog? Eh ma'y kwarto naman tayo? Ma'y sala din."
"Sabi nang umalis ka eh! Anong language ba naiintindihan mo? Akala ko Pinoy ka? Eh ba't pagsabi ko nang 'Umalis ka' 'di mo naintindihan? Bobo" sabi ko sabay tayo dun sa upuan.
" Kakain ako, humaharang ka. Sino ba kasing nagsabi sayo na magparty ka kagabi ha? Babae ka Mikay. Ma'y asawa ka na. Magtino ka naman." sermon niya sakin.
"O sige na, ikaw na yung tama! Ikaw na palagi yung tama. Ikaw na ha? Ikaw na. Walanghiya. Kasalanan ko bang bakla ka at ayaw mo uminom ha? At asawa? Hoy, Gino, kinasal tayo para magmerge ang companya nang mga pamilya natin. Pwedeng pwede kitang i-divorce. Umayos ka" Minsan lang ganyan si Gino sakin. Palagi niya akong sinusuyo kahit ako naman talaga yung ma'y kasalanan. Palagi niya akong kinukunsinti. Palagi nalang talaga. Pero minsan lang ako pinapagalitan niyan.
Yang si Gino, mabait yan. Sobra. Sweet. Sobrang caring. Gwapo naman, ma'y itsura, kaya lang. Wala ata akong gusto sakanya eh. But with what I said, kaya kong i-divorce siya? Hindi yun totoo. Because I'd rather take any day of our arguments than have anew with someone else. Pero hindi ko siya mahal.
Ba't kaya ganyan 'no? Yung mga gusto natin, ayaw tayo. Yung mga nagkakagusto natin, ayaw naman natin. Ang complicated masyado.
Truth be told, gusto ko yung kuya ni Gino. si kuya Matt. Pero wala eh. Ma'y asawa't anak na.
Naglakad na ako patungo sa sala, para dun na matulog. Ewan ko lang talaga. Ayoko matulog sa kwarto namin. I don't know if it's Gino's smell, or the thought na tabi kami ni Gino, ang ayaw ko. Basta ayaw ko lang talaga.
Ako nga pala si Mikaela Maghirang. Ma'y twin sister ako, kaya lang namatay siya nung years old pa kami. Mahina kasi yung puso nun eh. Masaya nga ako nung nawala siya. Masaya ako kasi hindi na siya nagsusuffer. Palagi yun sa ospital. In and out. Palagi ma'y surgeries. Naawa na nga ako sakanya nun eh. On her last 2 days, she begged mom na tanggalin na daw yung sakit.Hindi na daw niya kaya. Sabi niya, "Please mama. Sobrang sakit na. Tanggalin mo yung sakit mama, please? Please mama?" iyak kami nang iyak nun.
For hours she was on a life machine. Dad made the hardest decision. He let go of his daughter, like she asked. She died on February 14, at exactly 3:30 A.M.
*
I'm a light sleeper, so the littlest of touch and of sound magigising agad ako. Naramdaman ko na Gino touched my arm lightly. Minulat ko yung mga mata ko. Nakita ko na vinivideo pala ako ni Gino.
"Ano ka ba naman? Kita mo naman natutulog ako diba? Punyemas naman Gino!" sigaw ko sakanya.
He put down the camera and smiled at me. "I'm sorry nasabihan kita kanina ha? Sorry. Hindi ko sinasadya." then he bent down and kissed my forehead. "Babe, saan ka galing kagabi?" tanong niya na nakangiti pa din.
"Paki mo ba? Patulugin mo nga muna ako" he smiled and nodded at me. Then he left me alone for some hours.
*
Nagising ako sa tunog nang mantika. Nagluluto na naman si Gino. Tinignan ko yung phone ko, 3:30 pa pala. Pumunta ako sa kusina, nung nakit ako ni Gino, lumapit siya sakin." Oh, gisi-"
Sumuka ako sa t-shirt niya, tumingin lang siya sa t-shirt niya, then he looked at me. He looked worried about me. Pinaupo niya muna ako sa upuan, "Diyan ka lang, okay? Bihis muna ako sandali" It took him 10 minutes, yun pala naligo siya.
"Gutom ka, alam ko. Eto oh, nagluto ako nang tinola. Masarap yan" pumunta ulit ako sa sofa at nahiga dun. Grabe, hangover really is a bitch.
Mga ilang minuto lang, sumunod si Gino sakin sa sala at nagdala nang tray. Tinola, orange juice at apple ang laman nun.
"Susubuan kita, gusto mo?" tumango naman ako.
*
Nagising ulit ako, mga 7:30 PM na, hinanap ko si Gino. Nasa sahig siya, nakatulog, while holding my hand. Tumayo na ako agad " Saan ka pupunta, Baby?" sabi ni Gino" Sa Club. " at nagmadali na akong magbihis. Naka tube dress ako na black, naka black na pumps at yung purse ko na Channel.
"Kita kaluluwa mo niyan, Ella, eto scarf oh, suo-" habol ni Gino sakin dun sa stairs.
"You're ruining mg dress! Get that stupid shit off me!" Tas tinapon ko sa mukha niya yung scarf at umalis na nang bahay. Hinihintay na ako nila Danielle sa club.
Gino De la Rosa
Tao lang naman ako. Napapagod din ako. Pagod na pagod na ako. Mahal na mahal ko naman siya eh, nakakapagod lang mahalin ang taong walang pakialam sayo.Pero hindi pa naman ako mag-give-up. Hanggang kaya pa, go lang nang go
Kaya mo pa ba?- Sabi nung utak ko
OO, kakayanin ko, mahal ko eh- sagot ko naman
Malulunod na ako dito, parang awa mo na, tapusin mo na tong kalokohan mo. Kita mo nang hindi ka mahal eh, dikit ka pa din nang dikit- Sabi nung puso ko
Sorry ha? Nagmamahal lang ako eh. Si cupido sisihin mo, ako lang pinana niya eh. Dapat kaming dalawa
Nagvibrate bigla yung cellphone ko,
From: Jasmine Salasar
Gino, si Mikay, napa-away. Punta ka dito, ASAP
Mikay naman eh, ano na naman ba tong pinasok mo? Sabi ko sa isip ko habang nagd-drive. Hindi pa nga isang oras eh napa-away na naman. Ganyan naman palagi eh. Napapaaway siya, ako palagi yung magtatangol sakanya.
I seriously think Mikaella is afraid to love. I think it scared her. She is the type to like things that are concrete, like the ocean. Something she could point to and know what it was... I think that's why she struggled with love. She couldn't touch it. She couldn't hold on to it and make sure it never changed.
"Mikaella, don't ever be scared with me. I'd never do anything to hurt you, and I'd destroy anyone who tried." I said as if tabi ko siya at hindi siya andun sa club napapa-away.
BINABASA MO ANG
I am already too late to realize that I love him
Teen FictionMikaela is this party girl who is too reckless and loves the life she's living, she's married to Gino who is by far the greatest man in the whole world, she knows that Gino loves her, but she think she'll never lose him, that he'll always be chasing...