Namamawis ang mga kamay ni Fleur sa sobrang kaba. After 3 years, bago siya naisipang pauwiin ng kanyang pamilya mula ng ipatapon siya sa Europa. Sa loob ng tatlong taon ay wala siyang ginawa kundi ang mag-aral at lustayin ang pera ng kanyang magulang.
Natatawa na lang siya pag inaalala ang mga pinaggagawa niya sa France. Halos gabi-gabi siyang lasing lalo na nung bago pa lang siya doon. Sa murang edad ay naging rebelde na siya. Marami rin siyang naging kalukuhan noon bago tuluyang nag tino at tuluyang tinanggap ang kanyang magiging kapalaran pagsapit ng panahon. At ngayon na nga iyon.
Dati, ang allowance na ibinibigay ng mga magulang niya ay ang siyang ibinabayad niya sa mga kaibigang lalaki para ilabas siya sa apartment niya. Naging model siya, singer sa banda o 'di kaya ay dishwasher na siyang una niyang pinagkakakitaan, bago siya na diskobre na singer saka naging freelance model.
Napailing nalang siya naalala niya saka patuloy na naglakad patungo sa baggage area. Nang makuha na ang kanyang bagahe ay palinga-linga siya na tila ba 'di mapakali at habang tinataguan ang kanyang sundo. Mabilis siyang naglakad papalabas ng airport na nakayuko upang maiwasan ang mga bodyguard niya na kanina pa naghahanap sa kanya.
Five meters. Fifty steps. Ayan na. malapit na ako sa exit. Limang hakbang na lang tanaw na niya ang labasan. Dahan-dahan siyang napangiti ng biglang...
"Ma'am! sabay pigil sa kanyang mga braso. Ako na po ang magdadala ng maleta nyo." Sabi ng bodyguard na sa malamang ay isa sa mga tauhan nila.
"Lintek naman! Paano nyo ako nakita? May sa lahi ka ba ni Batman ha kuya?! Singhal ni Fleur sabay patulak na ibinigay ang kanyang maleta.
"Sanayan lang ho 'yan madam, lalo na sa training stricto pa naman ang lolo at papa ninyo ".
"Psh...wag mo nga akung ipino-po o di kaya ay ho kuya, nakakabanas eh!"
"Copy madam! Diretso na po pala tayo sa bahay ninyu. At bukas na ho- este bukas kayo magsta-start ng training ninyo."
Hindi na lang nagsalita si Fleur at nagtungo sa sasakyan. At dahil wala siya sa mood kausapin ang mga bodyguard niya ay umidlip na lamang siya at sinariwa ang mga pangyayari tatlong taon ng nakakalipas.
First Meeting
Love can make your world a merry-go-'round.
He's not my boyfriend, but I love him..
He's not my first love, but my One Great Love..
I did everything for him but he left me..
I tried every way for us to talked but I failed.. I even swoop down from my pride and visit them in their house but he never faced me. At school, whenever I approached him, he'll just glance and continues whatever he's doing. As if I didn't exist. It hurts, really hurts. Hindi ko alam kung saan, kailan at kung anu ang mali. May nagawa ba akong ikinagalit niya? Is this what they called , a break-up by means of forgetting? Without a proper closure?
"Hoy Fleur ano 'yan? sabay kuha ng diary ko ang best friend kung si Peyton Chavez. Kababata ko siya at nung tumuntong kami ng 3rd at 4th year highschool saka lang kami naging magka klase.
"Pustahan tayo tungkol pa rin yan sa lintek niyang ex na si James Ivan Casimero. Malunod sana yun. Sabi naman ni Chantria Valle.
"Hoy Chantria yang bibig mo ah! Saway naman ni Harlow Salcedo.
"Wag mon a kasing paglaanan ng pansin yung gagong yun Fleur. Ang mabuti pa kitain na lang natin yung pinsan ko" reto ni Dionne Mondragon.
"Ano?! Ayoko nga! Baka mamaya n'yan Dionne matulad ang pangyayari dati na may inereto ka kay Chantria na gwapo kuno pero juice colored parang tatay na ni Chantria yun! Litanya ko naman.
"Aba! Hoy Fleur, wag mo na ngang ipaalala. Nasisira ang araw ko! maktol ni Chantria.
"Sino ba sa mga pinsan mo Dionne ang ipapakilala mo rito kay Fleur?"tanong ni Harlow.
"Si Hugo ...
"Si Hugo???!!! Sabay-sabay na wika ng apat.
"Huh? Bakit sino ba yang si Hugo?" tanong ko naman.
"Seryoso ka ba sa tanong mo na yan ha Fleur?"wika ni Peyton
" Eh sa hindi ko nga kilala eh! Sino ba kasi yan?"
"Si Hugo ang sikat na basketball player at 3 time MVP ng school. Siya rin ang makakalaban ng "oh-so-yummy-ex mo na si Secan ng kabilang school. Aside from that, Hugo is also a very good swimmer, ang sabi-sabi kung sumali pa ng swimming team yang si Hugo ay baka bye-bye na din yung It's- not-you-it's me –and-I- need-space na ex mong si James Ivan!" litanya ni Harlow
"Eh ba't 'di ko kilala?" sagot ko.
"Aba malay naming sayo?! Pagtataray naman ni Chantria.
"Lahat ng sports alam nun pero sadyang mas mahal lang niya ang basketball. Tsaka isa pa, nagkita na kayo no? Di mo maalala?" Dionne
"Ha? Kailan yun?"
"Alam mo Fleur , kung 'di lang kita kaibigan sinabunutan na kita. Basta nakita mon a yun. Nagpakilala pa nga yung tao sa'yo eh" Peyton.
"Eh?! kamot sa ulo, sa hindi ko talaga maalala eh."sagot ko naman.
"Yan kasi, habol ng habol sa James Ivan nay un, wala naming muscle! Kuuu..." Dionne.
"Pero kasi... alanganin kung sagot.
"Sus, eh meet mo na! Nang 'di ko na mabasa ang ang pangalan ng James Ivan na yun dito sa diary mo. Oh eto ah, "I turned around and found his face, and his lips met mine: It was perfect—James soft lips against mine" Putcha kadiri. Asan ang perfect dun?!" Wala man lang ka thrill-thrill ni hindi nga naihi itong si Dionne eh, pang-aalaska ni Peyton.
"Akin na nga yang diary ko! Piste kayo! ba't nyo ba kasi pinapakialaman?!" naiiyak kong sabi. Nakakahiya!!!!!!
"Oh siya! Na text ko na ang pinsan ko. Alas 7 dapat nasa plaza na tayo ah!" paalala ni Dionne at saka umalis na.
Sumama na rin sap ag-alis ni Dionne sina Chantria, Peyton at Harlow. Naiwan aku dahil nililigpit ko pa ang mga gamit ko dahil ang mga hinayupak, ikinalat ulit sa desk ko. Napatingin ako sa diary ko, isang taon. Isang taon akung naging tanga sa isang lalaking walang pagpapahalaga sa akin. Siguro ito na ang panahon para mai-open ang aking sarili sa iba.
BINABASA MO ANG
I Fancy You
Short StoryIt was fancy meeting you... Limang salita. Benteng titik na nag wakas sa namumuong pag-iibigan ni Hugo at Louella. Louella Fleur Laxamana, an heiress, smart girl with a bright future written ahead for her. While Hugo Santos, a plain boy, no fortune...