Chapter 2: Rendezvous

1 0 0
                                    


SCCcccccrrrreeeeeeeEEEEcCCHhh

"Aray! Bwiset! Kuya naman! Bakit ba bigla kang huminto? Andito na ba tayo? Bago na ba ang paraan ng pag-gising ngayon! Talak ko.

Sorry Madam! May bigla ho kasing dumaan na aso. Bakit ba naman kasi hindi kayo naka seatbelt .

Aba't !!! Kita mo 'to. Inambaan ko ng kamao ang aking bodyguard. Tumawa lamang siya at saka patuloy na nagmaneho.

Malapit na ba tayo Kuya?

Medyo malapit na Ma'am nasa plaza na tayo ng lungsod.

Napatingin ako sa paligid. Marami na rin pa lang nagbago sa lugar na ito. Parang kailan lang, naglalaro pa kami ng takbuhan, langit-lupa-imperno dito. Nakakatawa mang isipin pero, dati kahit highschool na kami ang naglalaro pa rin kami sa plazang ito.

Ang swing, monkey bar, at ang see-saw ay nadagdagan na at ang titingkad na ng kulay nila ngayon. Hiniling ko kay Kuyang Bodyguard na ihinto muna ang sasakyan saglit.

"Bababa po ba kayo Madam?" tanong niya.

"Hindi na. Gusto ko lang pagmasdan ang plaza mula dito. Ang dami na pa lang idinagdag na palaruan Kuya no?"

"Syempre naman Madam! Kay tagal nyo ba naming nawala."

"Matagal na baa ng tatlong taon Kuya?"

"Syempre naman Madam.Teka, gusto niyo ba ng buko? Baka 'kako ay nauuhaw kayo"

"Hmm..sige Kuya, tsaka palitaw na rin kay Aling Bebeng!"

"Kilala niyo yan Madam?! Yang Aling nagtitinda sa gilid ng plaza?"

"Syempre naman! Ako pa! Sige na dito lang ako".

Pagkalabas ni Kuyang Bodyguard, naiwan akung nakatulala at nakatingin sa mga batang nagtatakbuhan at naglalaro sa swing. Sariwang-sariwa pa sa aking isipan ang kakatwang pangyayari tatlong taon na ang nakakalipas.

Fleur!!! Letse kang babae ka akala ko 'di kana dadating! sigaw ni Dionne

Pwede ba yun? Edi lalong patay ako bukas pag 'di ko kayo sinipot! sagot ko na pabalang

"Talaga! Ang usapan alas 7 andito kana punyeta alas 8 na! Late ka! Sayo ang snacks! Penalty mo yan bwiset ka!"sermon ni Chantria

"Huwaaww!!! 'Di sana 'di na lang pala ako nagpunta ditto n'nyemas mapapagastos pa ako neto."reklamo ko naman.

"Ahh basta, puntahan mon a si Hugo sa may bench na yun oh?! Sabay turo naman ni Peyton habang may dala-dalang bunot at stick."

"Uyy naglalaro kayo ng shatong? Pasali!

"Tumigil ka tapos na kaming maglaro ng shatong! Kung maaga k asana 'di nakapaglaro ka! Sige na dun ka na nga! Pagtataboy sa akin ni Harlow.

Habang naglalakad ako sa sinalubong ako ng isang lalaki at inakay sa may bench ng plaza. When his hand touches my arms there was this tingling sensation kaya napa-igkas ako.

"Sorry. Ako nga pala si Hugo Santos" paglalahad niya ng kamay.

"Hi! Louella Fleur Laxamana" sagot ko naman sabay tanggap ng kamay niya. Nang magkandaupang palad na kami ay binitawan ko kaagad iyon dahil para akung kinuryente.

"Sorry kung medyo pawisin ako ha?" pagpapaumanhin ni Hugo sabay pahid sa bimpo na nasa bulsa niya.

"Ha? Ah. Eh. ayos lang." awkward kong sagot.

Magkatabi kami ni Hugo sa bench pero walang nagsalita sa amin. Pinapanood lang namin ang mga kaibigan naming na naglalaro ng langit-lupa at imperno. Kating-kati na ang mga paa ko na makisali kaso nakakahiya naman na iwan ko si Hugo 'di ba ? Baka sabihin pang ang childish ko. Papa-impress na muna ako.

10 minutes.... 25 minutes.... 30 minutes. Punyeta!!! sigaw ng isip ko.

Hindi na talaga ako nakatiis kaya "Ahm. Hugo? May kailangan ka pa ba sa akin? Or may sasabihin ka pa ba?" mahinahon kong tanong kasi nababagot na ako.

"Ha? AH? Eh... Kasi... Uhmm.."

"Ha? Ano? Wala ba? Nakakainip na kasi eh, baka ka'ko pwede na akung umuwi? Pasado alas 9 na kasi. Baka umuwi galing U.S ang mommy't daddy. At madatnan na wala ako sa bahay.

"Sige. Ingat. Bye." sabi naman niya na nakayuko.

Tumaas ang kilay ko sa pagkakataong ito, at sa isip-isip ko ay minumura ko na ng husto ang aswang na lalaking ito. Sinayang ang oras ko! Nagpakawala ako ng buntonghininga saka nag-salita.

"Hindi mo man lang ba ako ihahatid?"

"Ha? Eh.. sige ba. Papaalam lang ako sa mga kaibigan natin." Sabi naman niya.

Sabay kaming naglakad ni Hugo patungo sa mga kaibigan namin na kasalukuyang nagpapahinga at kumakain ng fishball at umiinom ng softdrinks.

"OH? Tapos na kayong mag-usap?" tanong ng lalaking naka green na t-shirt.

"Kung pag-uusap bang matatawag yun" bulong ko.

"Binubulong mo dyan?!" puna sa akin ni Dionne.

"Ha? Wala sabi ko uuwi na ako."

"Ahh sige, sabay-sabay na tayo tutal gabi na naman. wika ni Harlow.

"Nga pala Louella, friends ko yang naka Green na t-shirt si Owen Gomez, yung naka black ay si Nico Alcantara, si Leroy Valmonida yang naka white at si Axel Flores naman ay yang naka yellow." Pagpapakilala ni Hugo sa mga kaibigan niya.

"Hello sa inyo! Louella Fleur Laxamana"

"Hi! Louella...

"Nico..Fleur for you! Hugo cut his friend off.

Taas kamay naman ang mga kaibigan niya at sinabing.

"Edi Fleur! Wag mong sabihing bawal din handshake?" naka taas ang kilay na sabay sabi ng apat niyang kaibigan.

"So?" maikling sagot naman ni Hugo

Sabay na nag hands-up ang mga kaibigan ni Hugo saka naglakad na. Sumunod na lamang kami ni Hugo. Akmang sasabayan ko na sana ang new found friends ko at ang mga bwiset na kaibigan ko pero pinigilan ako ni Hugo, kaya na pahinto ako at sumabay na lang sa paglalakad niya.

"Juice mio Marimar! Mapapanis na naman laway ko nito." Bulong ko.

"Wag kang mag-alala, 'di na mapapanis yang laway mo."sagot ni Hugo na naka smirk pa ang loko.

"Ha? Ah eh. He.he.he ehh kasi naman 'di ka kaya nagsasalita" sagot ko nalang.

"Hindi ko kasi alam, kung saan o paano ako magsisimula na kausapin ka."paliwanag niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Eh kasi yung tipo mo ang dapat seneseryoso ang usapan?"

Napatigil ako sa paglalakad "Ha?!"

"Wala... Halika na takbo na, nahuhuli na tayo sa kanila. Dali habulin mo ako ang ma huli pangit!" sigaw ni Hugo at nauna na sa akin sa pagtakbo.

"Aba't! Hoy! Hintay! Bwiset 'tu madaya......." Tatawa kong takbo upang makahabol sa grupo.

"Madam?!

"Ah huh?! naguguluhan kong tugon. Ikaw pala kuya,

"Ako nga Madam, kanina pa kita tinatawag kaso parang tulog ka pero naka dilat ka naman at naka tingin sa malayo habang naka ngiti. Ang creepy mo Madam ha?"

"Tse!!! May naalala lang ako. Tayo na nga sa bahay! Pagod lang ako! May jetlag!"

"Sige sabi 'nyo eh" at tuluyan na nga naming nilisan ang isa sa dati kong paboritong lugar. Ang aming tagpuan. 

I Fancy YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon