Chapter 4

12 0 0
                                    

"Victoria Denise Salvador, palit nga kayo ni Yanno, hindi na kumakalma si ate girl dahil sa kagwapohan ng kaibigan ko" natatawang sabi ni Joshua, habang nagtitinginan sila ni Yanno.


"Oo Tori, hindi na kumakalma yung mga chinecheck up ko, palit na tayo" sabi pa ni Yanno, wala na akong choice dahil naglalakad na papalapit sakin si Yanno habang kinukuha yung stethoscope sa leeg niya.


"Sige na ako na bahala" bulong pa sa'kin ni Yanno, hinawakan niya yung dalawa kong balikat at pinatalikod, nang lumigon ako sa kanya ngumiti pa siya sa'kin ngumiti narin ako at tumango. Tiningnan ko pa si Joshua sa gawi niya ngumiti rin siya at nag thumbs up.



Nang mag lunch break ay dumiretso agad kami sa canteen. Salad lang yung inorder ko at dalawang spaghetti para sa mga ulupong na kasama ko.


"Wow, Victoria Denise Salvador 'di kaba nagsasawa sa gulay?" sabi pa ni Joshua.


"Bakit? inggit ka ba, bumili ka eh" singit pa ni Gwen habang naglalakad papalapit sakin.


"Ikaw talaga noh kahit ang layo rinig na rinig mo parin" sabi pa ni Joshua kay Gwen.


"Nahiya naman ako sayo" sabi pa ni Gwen.


"Gutom na gutom ka today ah, dalawang spaghetti? akin na yung isa" sabi pa sakin ni Gwen. Kukunin sana ni Gwen yung spaghetti pero biglang siyang binara ni Joshua.


"Kating-kati? eh kung ikaw kaya bumili, kay Victoria Denise Salvador yan eh" pagbabara ni Joshua kay Gwen.


"Eh, kung sabihin mo nalang kaya na gusto mong ubusin yan!" sabi pa ni Gwen kay Joshua. Tumawa naman si Yanno at kinuha yung isang spaghetti.


"Basta sa'kin tong isa ah" sabi pa ni Yanno.


"Hay nako tama na, kay Joshua yan offering ko sakanila" sabi ko sakanila para manahimik na silang dalawa dahil ang ingay nila. Umorder na rin si Gwen ng lunch niya.


"Good Aftie people! alam niyo ba nakaharap ko kanina ang popular na tourism student na jowa ng bayan!" sabi pa ni Eric habang naglalakad sa 'min, kasama niya ngayon si Carla.


"Mima, ang boring nang inasign sa atin" sabi pa ni Carla, habang pinapaypayan ang sarili.


Nag-uusap sila ngayon about sa mga inaasign sa kanila na area si Gwen at Carla naman ay nakikipagharutan sa kabilang table habang si Eric naman ay nag cecellphone lang.


"Pst. Hoy, okay ka lang?" tanong sakin ni Joshua. "Kanina ka pa tulala ah, may sakit ka ba?" tatayo sana si Joshua pero pinigilan ko siya.


"Okay lang ako, inaantok lang" tipid na sagot. Inaantok naman talaga ako dahil maaga akong nagising at tsaka nakakapagod din maglakad.


"Sure ka ah, tulog ka muna gisingin kita mamaya pagbabalik na tayo" sabi pa ni Joshua. Wala akong paki alam kung maingay yung canteen dahil inaantok na talaga ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love me until TomorrowWhere stories live. Discover now