Chapter 3

18 0 0
                                    


"Hi" nakangiting sabi niya sakin. Ewan ko bakit bigla nalang nagslowmo, parang tumigil ang takbo ng oras. Siya lang yung nakita ko na parang kami lang dalawa yung nandoon

"H-hala sorry naapakan ko yung sapatos mo" kinakabahang sabi ko. Yumuko ako para punasan yung sapatos niya nang bigla niyang hawakan yung shoulder ko para patayuin.


"Wag na, sapatos lang yan" nakangiting sabi niya.


"Hala paano ako makakabawi sayo neto, nung una binalik mo sakin yung id ko tapos ngayon 

natapakan ko pa yung shoes mo" nag-aalalang sabi ko


"Okay lang. No worries" nakangiting sabi niya. Shet! ang ganda ng ngipin.

"Ay babawi ako sayo, tara!" sabi ko. Ililibre ko siya ng Donuts dahil yung lang nalang yung stall na open dun sa school.



Nang makarating kami doon ay umupo na agad kami at umorder.


 "Anyway, di ko pa ata natanong anong name mo, may i know?" tanong ko. Ngumiti siya sakin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.


"Zach, Zachary Kyle Valdez. That's my Name" ngimiti siya sakin at nakatingin parin ng diretso sa mga mata ko.


"Okay, Zach" sabi ko.


"Now you know Denise" napatulala ako sa sinabi niya. Denise! tinawag niya yung second name ko!


"Denise?" sabi ko.


Napatawa siya at umayos ng upo pero diretso padin ang tingin niya sakin.


"Victoria Denise Salvador. 3rd year Nursing in Southfield Asia University" sambit niya. Pinaimbestigahan niya ba ako?!


"Stalker ka 'no? or pinaimbestigahan mo ako" sabi ko.


"Maybe" tumatangong sagot niya na naka crossed-arm pa.


"Tsk. Lugi ako neto" natatawang sabi ko. Kahit papaano ay nakikipag-usap ako para naman mabawasan yung hiya ko pero feeling ko mas lumala.


"Anyways, I'm Zach, 4th-year PolSci" singit niya.


"Wow, PolSci" natatawang sabi ko


"hmm, that's my dad's choice not mine" sabi niya pa na walang reaction sa mukha.


"Eh ba't ka pumayag eh ako nga Education pinapakuha sakin ni mama pero ayaw ko talaga" sabi ko. Education sana pinapakuha sakin ni mama pero sabi ko sakanya na gusto kong mag Nurse.


"Well, dad wants me to take over his position when he retired, he wants me to be a politician" sabi niya. Umiwas siya nang tingin sakin.


"Wait. What? Anak ka ni Konse Valdez?" sabi ko. Yung isa sa mga pinaka magaling na konse dito, maraming nag sasabi na corrupt daw siya pero ako hindi ko nakikita yun dahil lahat ng pinangako niya ay natutupad.

Love me until TomorrowWhere stories live. Discover now