Chapter Six

5 0 0
                                        











Ron.









Sigurado akong sinisisi ako ni Amy sa picture na kumakalat. Inosente ako. Hindi ako ang nagpost noon sa public. Promise, I swear to God. Hindi ko alam kung sino ang nagkalat noon sa social media. Sigurado ako ngayon na eto ang pinaka head news sa mga gossips dito sa campus. Hayst!









Kasama ko ngayon ang tropa ko. Papunta kami sa second subject.









"Nice picture talaga, Pre!" David said. Kanina pa niya iyan sinasabi. Halos bilang ko na sa kamay ko ang mga sinasabi niyang iyan. Pang-sampu na nga 'yan ngayon e.









Patungo na kami sa room nang susunod naming klase. Pero si David ay wala pa ring tigil sa pang-aasar sa akin. Okay pa yung dalawa e. Tahimik lang.









Naramdaman kong papalapit sa akin yung dalawa. Lumapit sila sa tig-isa kong tenga at may binulong. "Nice picture talaga, Pre!" Shet! Akala ko pa naman hindi nila ako aasarin ngayon.









"Hahahaha!" Sabay sabay silang tatlong tumawa.









"Ano ba!?" Napasigaw na lang ako. Naramdaman ko naman na natahimik na lang silang tatlo. Salamat naman at tinigilan na nila ako.









Nakarating naman na kami sa room. Katulad dati. Tinignan kami apat nang mga babae. Pwera lang talaga sa kanya. Kaklase ko pala siya tuwing second subject bakit ngayon ko lang nalaman?









Paupo na sana ako pero nakita kong tinignan ako ni Amy nang masama. Hala! Bakit? Ah! I know it! Akala niya nga siguro ako yung nagpost. Mamaya ko na siya kakausapin.









Pagkatapos noon ay tinignan ako nang mga lalaki. Why may dumi ba sa mukha ko?









"Galing mo talaga boss, Nice Picture!" Sigaw nilang lahat. Aish! Pakana nanaman ito nung tatlo.









"Ikaw din, Amy! Nice Picture!" Sigaw din nilang lahat kay Amy. Nakita ko naman na tinignan niya ako nang masama. Shet! Patay talaga sa akin yung tatlo. Pero bakit ako natatakot kay Amy? Aish! Nangyayari nanaman sa akin?









"Nice Picture talaga, Boss!" Ugh! Hindi ba nila ako titigilan! Gusto ko nang umalis muna dito.









-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------









Amy.









Nakakainis. Alam niyo naman na yung nangyari. Nakuha niya pa talagang magbiro nang ganoon. Imbes na magsorry dahil pinost niya yung picture ay biniro biro niya pa ako, nagsama pa nang kasabwat. Feeling ko talaga siya 'yung nagpost no'n.









Umalis na lang kami ni Kimchi sa lugar na iyon. Hindi na nga pala kami magkaklase sa third class namin kaya nagpaalam na siya sa akin.









"Punta na ako next subject ko. Thank you nga pala!" Aniya. Nginitian ko siya. Nginitian niya rin ako pabalik.









"Your Welcome. Basta sabihin mo sa akin kung maayos na. Nandito lang ako. Sige na, mag-ingat ka." Ani ko. Nag-sign siya nang babye. Nagbabye na lang din ako. Next subject ko na din e.









A Typical Badboy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon