Chapter Four

3 0 0
                                    







Gulat na gulat si Amy sa kanyang nakita. Ang alam niya lang kasi ay dalawa lang ang kaibigan nang kuya niya. Pero ngayon, kaharap niya ang apat na lalaki na kinamumuhian niya. Ilang oras na rin na nakatayo si Amy sa harap nang barkada nang kuya niya.






"Anong ginagawa niyo dito?" sambit ni Amy nang matauhan siya. Dinuro-duro pa ni Amy ang apat na lalaki na iyon.






Tinignan lang si Amy nang apat na lalaki. Hindi siya sinagot at kumain na lang nang pagkain na nakahain sa lamesa ang apat.






"Kuya, bakit mo ba pinapunta yang mga iyan dito?" sambit muli ni Amy. Pero sa puntong iyon ay mabilis na siyang sinagot nang Kuya niya.






"Kasi barkada ko sila." Maikling sagot nang kuya ni Amy.






Hindi na lang nakasagot si Amy, imbes na sumagot siya ay umalis na lang sa sala ito. At nagtungo sa kanyang ina.






Nang makarating sa kanyang ina ay mabilis na tinanong ang ina. Tuloy-tuloy ang tanong nito.






"Bakit nandito yung mga iyon? Bakit kabarkada ni Kuya yung mga iyon?" Sunod-sunod na tanong ni Amy sa kanyang ina.






"Hay nako anak, umalis ka muna dito. Nakita mo naman na may ginagawa ako e." Wika nang ina ni Amy.






Wala nang nagawa si Amy kundi umalis na lang doon. Naisipan niyang umakyat na lang sa kwarto niya. Umakyat na ito sa kwarto niya at nakarating na siya sa harap nang kwarto niya.

A Typical Badboy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon