"Maari bang magtanong kung sino ang nagbigay ng imbitasyon sa'yo?" The lady asked politely and carefully to Ria. Napatigil saglit a paglalakad ang dalaga at napangiti bahagya nang may maalala.
"My grandmother gave me the card before she passed away." Malungkot niyang sagot habang inaalala ang kaniyang lola. Mahal na mahal niya ito kaya naman tila kinurot ang kaniyang puso nang maalala ito lalo na na kamakailan lang ito pumanaw.
The day she died, she gave a folder to Asteria. Naglalaman iyon ng iilang liham, papeles, litrato at iyong imbitasyong nakapaloob sa lumang sobre. Siya na lamang kasi ang nag-iisa nitong apo at pinakamamahal ng Doña.
"Pasensya na.." Alanganing ngumiti ang babae sa kaniya. Napailing siya at nagpatuloy sa paglalakad kasabay ng babaeng sinasabing puno ng maliit na isla. "It's okay. You know.. my grandmother used to tell a lot about this island... Kung gaano dito kaganda, kapayapa.. at kasaya. Mula bata ay hindi siya nawalan o naubusan ng kwento tungkol dito sa akin."
"Maaaring marami talaga siyang alam tungkol sa isla.." Napakunot ang kaniyang noo at halos magdugtong ang kaniyang kilay. May sumagi sa kaniyang utak tungkol sa isang matandang babae na may malaking tulong at naiambag sa isla. "Ano ang pangalan na iyong lola? Pwede bang malaman?"
"Mm. Asteria. Ang pangalan niya ay Asteria, kapangalan ko ang aking lola." Lumapad ang ngiti nang dalaga nang maalala iyon. "Bakit?" Nang makita niyang natigilan ito ay unti-unting nawala ang kaniyang ngiti at napakunot ang noo. Nag-aalala at nagtataka niya itong nilingon.
"Ano ang- maari bang malaman ang iyong apelyido? P-pasensya na at marami akong itinatanong. Ngunit maari bang malaman ang apelyido mo?" Nakikiusap siyang humarap sa dalaga at napahinto na rin sa paglalakad. Nag-aalangan ma'y sumagot ang dalaga.
"Ang apelyido ko'y de la Cruz. Bakit?" At tuluyan silang napahinto sa paglalakad at napaharap sa isa't isa. Nanlaki ang bilugang mata ng babae at hindi makapanilawang tumitig sa dalaga. Hindi naging komportable ang dalaga sa uri ng pagtitig nito kaya naman nagtanong siya.
"May problema po ba?"
'May mali ba? Anong- bakit kung makatitig siya ay parang ako ang nawawala niyang nakababatang kapatid? Sa pagkakatanda ko naman ay kamukhang-kamukha ko ang mama lalo na ang lola. Hindi maaring hindi ako tunay na de la cruz.'
"Ang abuela.."
"Ha?" Talagang takang tanong niya.
"Ang ibig kong sabihin ay ang aking abuela- lola. Maaring kilala niya ang lola mo. Oo! Natatandaan ko na!" Tulad ng babae'y nanlaki din ang mata niya sa gulat at munting tuwa nang malaman niyang may posibilidad na may nakakakilala sa kaniyang pinakamamahal na lola dito sa isla.
"Malapit dito ang bahay ng aking abuela. Maari ka bang sumama? Ikagagalak niyang makilala ka at malaman ito!" Hindi pa man tiyak ng lubusan ay parang alam na alam na niyang magkakilala ang lola nilang dalawa.
Totoong isang ertranghero lamang sila sa isa't isa ngunit tumibok ang kaniyang puso at tila may bumulong sa kaniyang sumama. Napabalik ang kaniyang tingin sa hindi kalayuang dagat na nagniningning sa sinag ng araw na mataas na ang sikat.
Hindi na niya nakita ang binata. Kanina'y noong nagtanong siya kung kilala siya nito ay napabalik ang kaniyang atensyon at tingin sa matandang babae na sumalubong sa kaniya. Tinanong siya nito kung ayos lang siya. At nang matapos siyang sumagot ng oo ay bumalik ang tingin niya sa direksyon ng lalaki kanina ngunit wala na ito doon.
Tila pinuno ng panghihinayang ang puso niya nang makitang wala na ito doon. Wala siyang nagawa kundi ang ituon na lamang ang buong atensyon sa ginang na nagtatakang nakatingin sa kaniya. While she knows that in the back of her head, all she think is about that mysterious, undeniably handsome guy she met.
YOU ARE READING
Escape
Romance"Escaped; to found love that will cage two broken hearts." Two broken hearts will met in an unexpected way. When two people escaped from their said-to-be-home, their paths will cross and they will found freedom in a small island. The Isla will be t...