CHAPTER 3

4 0 0
                                    


"Hayaan mo na, tignan mo dinalhan ka ng extrang damit" saka niya binigay sakin ang plastic

Inabot ko naman yon

"Ganyan lang talaga iyong kuya ko pero mabait yan wag kang mag alala"

Nginitian ko lang siya bago tuluyang pumasok sa comfort room. Inilabas ko ang laman ng plastik.

Plain black t-shirt na oversize, tas panlalaki na shorts?! What the heck?! Bakit parang panlalki to lahat?!

I tried to smell it. In fairness, mabango ang mga damit na ito.

Tinawag ko si Ethany na pwede ba niga kuhanin ang bag ko na nasa likod ng kotse. Mabuti na lang may dala akong panty at bra sa likod ng kotse ko incase may swimming na magaganap.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, malaki talaga sa'kin ang suot ko ngunit bahala na, atleast may naisuot ako

Lumabas nako ng ng banyo para mag pasalamat kay Ethany ngunit ganon nalang ang pagsisisi ko nang buksan ko ang pinto at tumambad ang bruhang kuya ni Ethany

"Tapos ka na?"

"Hindi ba obvious?" iritang sagot ko.

"Obvious na obvious nga eh, saktong sakto sayo yong damit ko. Isauli mo yan ah, mahal yan"

I tsked. "Bilhan pa kita marami nito. Alis nga! Dadaan ako"

Natatawa siyang pinadaan ako. Dumiretso kaagad ako kay Ethany na ngingising nakatingin saming dalawa ng kuya niyang gago

"Bagay kayo ni kuya" biro pa niya

I fake to puke "What?! My standard is so high! Abot man ng kuya mo sa tangkad, he will never be my standard"

"Chill. Nag bibiro lang naman"

"Uuwi ka na ba?" sabat naman ng bruha

"Why do you care?"

"Nagtatanong lang, care agad? Pero kung gusto mo, maaari ko namang ibigay sa'yo" sabay kindat

Ngumiwi ako sa kanya at nagpaalam kay Ethany na uuwi na'ko

"Seryoso ka ba? Pwede ka namang rito muna hanggang sa matapos shift ko"

"No Ethany. I was already a bother, mauna nalang ako" I gave her a smile before walking on my car's direction

"Sa susunod ulit" kumaway kaway ako kay ethany at nang magtama ang mata namin ng kuya niya, inirapan ko siya at siya naman ay natawa. Inistart ko na ang kotse ko at umalis

"Is he somewhat gwapo? Like handsome?"

Napatigil ako sa pagpatuyo ng buhok ko "What tf, Athelind. He's not handsome for good sake, he's crazy!"

"Well, I dont care I just wanna know. Bye"

Hindi ko sana ikwekwento kila Athel at Val. Kaso hindi siya mawala wala sa isip ko kagabi. Hindi nga ako makatulog dahil palagi siyang pumapasok sa isip ko

"Haisst!" singhal ko

I drove my car not knowing where to go. I dont care as long as mawala sa isip ko ang mokong na iyon

I stoped my car near the sea. Hindi pa naman siya malapit sa dagat, kita lang dito ang karagatan at ang kagandahan na taglay ng isla

Hinahayaan ko ang hangin na tumama sa mukha ko. Ang sariwang hangin ay medyo nakakawala ng bigat na nararamdaman ko

Ang dilaw na kulay ng ulap na parang inaangkin ang araw, nagpapalambot ng puso ko. Ipinikit ko ang mga mata at nilalanghap ang hangin nang may marinig akong mga batang sumisigaw

Waves of Sunshine ( OLANGO SERIES # 1 )Where stories live. Discover now