Chapter 3

3 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang lalaki hawak-hawak ang liham na sinulat ko paea kay Eugene.


"Akin na yan!" Agad kong kinuha ang papel mula sa kamay niya at pinasok iyon sa bag. Malamang ay pagtatawanan ako ng taong ito dahil sa kabaliwan ko.


"Sorry. Nahulog mula sa bag mo, ibabalik ko lang sana."


Hindi mapigilan ng kilay ko ang pagtaas. "Ibabalik pero binasa? Ayos ka rin, ah." Akmang maglalakad na ako ngunit humarang ito sa harap ko.


Agad kong napansin na sobrang tangkad iya kumpara sa akin. Magkaharap at malapit lang siya ngunit hanggang dibdib lang niya ang nakikita ko kapag hindi ko titingala.


Nakasuot siya ng makapal na hoodie, sombrero, at face mask. Kung tutuusin, para siyang magnanakaw dahil puro itim ang suot niya pero ewan ko kung bakit hindi pa ako umaalis at lumalayo sa kaniya.


"Gabi na. Bakit tumatakbo ka papalayo? May humahabol ba sayo?" Nag-aalala ang boses nito.


Humakbang ako palayo at tiningala siya. Mata lamang nito ang nakikita ko. Ilang segundo akong tumitig sa mata niya at parang may kahawig yata siya...


Mabilis siyang umiwas ng tingin. Nakaramdam ako ng bahid ng hiya dahil sa ginawa ko. Baliw lang yata ag titingin ng gano'n sa mata ng isang tao.


"Sorry." Paumanhin ko at akmang aalis nang muli ngunit sa halip na humarang ay hinawakan nito ang braso ko.


Agad akong napasinghap at inalis ang pagkakahawak nito. Bumilis ang tibok ng puso ko at takot na tinignan ang mga nito. May bahid nang pagkabigla ang mata nito habang nakatingin sa akin.


"Sor-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumakbo ako papalayo.


Takbo papalayo.


As usual.


***


"Eugene. Sigurado ka bang aatras ka na? Kilala ka na ng halos lahat. Akala mo ba magiging parehas ng dati ang buhay mo ngayon? Kahit saan ka pumunta may makakakilala sayo." Nag-aalala at malungkot na sabi ng isa sa mga staff ko.


Ngumiti lamang ako. "Okay lang ako, wag kang mag-alala. Sorry kasi mawawalan kato ng trabaho dahil sa'kin." 


Pabiro nitong tinapik ang balikat ko. Ilang taon rin niya akong tinulungan mula nang magsimula ako sa industriya kaya malapit rin kami sa isa't isa. 


"Naiitindihan ko kaya ka umatras pero nagtataka lang ako. Gustong-gusto mong umarte, pero anong nangyari?" Nagtatakang tanong nito.


Ano nga bang nangyari?


Who are you? Not the role you play in front of those lights and flashing cameras, but the real you. Who are the real you? Are you happy with what you're doing? If yes, I am happy that you are having fun. But, why does your eyes tell otherwise?


Ngumiti lamang ako rito bilang sagot.


I Have You and the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon