Chapter 1

7 1 0
                                    


JUST one normal night. As usual.


Walang ibang ganap na maganda ngayong araw. Mas gugustuhin ko pang matulog na lamang kaso mukhang ine-enganyo ako ng buwan na tumitig sa kaniya ngayong gabie.


Buwan.


I don't deny it, I am a lover of the moon. Not only because of its light and beauty but because it's the only thing I can hold on to. 


Maraming taong tingin sa akin baliw dahil sa dahilan nang pagkagusto ko sa buwan. Pero sa totoo lang, hindi naman sila nagkakamali.


Gusto ko ang buwan sa dahilang ito lang ang nag-iisang bagay na meron kaming dalawa ni Eugene.


Eugene Go.


Sino siya? Siya lang naman ang kauna-unahang artistang hinangaan ko. Dahil sa kaniya gumigising ako araw-araw at mas ginaganahan akong mag trabaho. 


Siya ang dahilan kaya ayoko pumasok sa isang relasyon. Hindi dahil siya nag gusto kong maging nobyo, kundi dahil sa kaniya mas gusto ko munang matupad ang pangarap ko. Siya ang dahilan kaya hindi ako tumigil magsikap para maging isang sikat na writer. Pangarap kong isulat kung ganoo niya binago ang buhat ko nang hindi manlang niya nalalaman.


"June?"

Nilingon ko ang tumawag sakin ngunit nang makita ko kung sino 'yon agad akong tumayo at lumayo.


"June? Lapit ka muna sakin, may ibibigay ako sa 'yo."


Puno ng takot at kaba ang naramdaman ko nang dahan-dahang naglakad papalapit sa akin si Uncle. Hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo palayo. Ni hindi ko siya nilingon kahit ilang beses niyang sinigaw ang pangalan. Takot at bilis ng pagtibok ng puso, hindi ako tumigil sa pagtakbo hangga't hindi sumusuko ang mga paa ko.


"Watch out!!"


Huli na nang matignan ko kung sino o ano ang sumigaw at wala pang isang segundo, nakahiga na ako sa kalsada sapo-sapo ang aking likuran.


Mabilis akong gumalaw upang tumayo ngunit agad bumalatay ang sakit sa likuran ko. Parang tinusok ng maraming karayom ang likod ko sa sobrang sakit kaya naman nagsimula akong magreklamo at magsalita ng kahit na ano, walang pakealam sa kung sino ang nasa paligid ko.


"Shit." Mahina kong sabi. Hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit dahil ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa likod ko. Ni minsan hindi ako nadapa ng ganito kalala.


"Miss, okay ka lang?" Isang malalim na boses ang narinig ko at nang mapagtanto kong mula iyon sa isang lalake ay agad akong napatayo. Tila nakalimutan kong may dinadamdam ako sa aking lukuran at agad akong lumayo sa lalaki.


Mukhang nagulat ito sa ginawa ko kaya humakbang ito palayo upang bigyang espasyo ang pagitan naming dalawa. Bigla naman akong napahawak sa aking likod nang kumirot ito at akmang matutumba ngunit...


"Miss." Agad lumapit ang lalaki at inalalayan ako. "Pasensya kana."


Mabilis kong winakli ang kamay nito. 


"Layo. Hindi kita kilala kaya wag mo 'kong hawakan." Diretso kong sabi.


Pansin kong medyo tago ang mukha nito dahil sa sumbrero, shades at mask nitong suot. Mas nabahala ako dahil hindi ko makita ang buong mukha ng lalake.


Iika-ika akong naglakad palayo rito habang bitbit ko ang aking bag. Hindi ko na pinansin ang lalaki ngunit ramdam kong pinapanood lamang nito ang ginagawa ko.


"Sandali, miss, ayos ka lang?" Tanong nito na ikanataas ng kilay ko. Ang lakas ng loob niyang magtanong. Hindi yata alam ng taong to kung ganoo siya kalaki kumpara sakin. Parang binalibag ang likod ko sa kalsada dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kaniya. Ni hindi nga siya mukhang nasaktan. 


"May iika-ika bang okay lang?" Bulong ko habang naglalakad palayo.


End of Chapter 1


I Have You and the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon