Kabanata 1

37 1 0
                                    

Warning: R+18


Mask 


I swayed my hips as I touched my body in the rhythm of the music. Stare at those raging lustful eyes as the color of floor changes in neon red to blue, alternately, letting you know how to feel the cold and hot while you are here in the front of the stage and dancing with the steel pole. This makes you see what hell feels like.

Dinama ko ang lamig nitong pole bago umikot doon at hinayaan ang sarili nang sumampa ang ako doon at nagpaikot-ikot. Palakpakan at hiyawan ang aking narinig habang nagpapatuloy ako sa pagsayaw sa pole na hiniling ng mga lalaking nandito na sana sila ang sinasayawan ko.

I was wearing a red furry two piece and red high heels. Simple lang din ang makeup ko at lutang na lutang ang pula kong lipstick at ang itim na maskara.

Hinihingal ako nang matapos akong sumayaw. May mga naghagis ng pera sa akin at nakangiti ko itong kinuha. Nilagay ko sa aking dibdib, kinindatan at nagbigay ng flying kiss sa mga lalaki na tigang na tigang. Mga mayayaman at kilalang tao na hindi mo aakalain na dito ang tambayan tuwing gabi imbes na makasama ang kanilang pamilya.

Basta may pera, kaya talagang gawin ang lahat. Money become their powers and they uses it as our weaknesses.

Mga malilibog na habog...

Pagkababa ko tsaka lang ako umirap. At nang makapasok na sa dressing room namin tsaka ko lang hinubad ang maskara ko at humarap sa salamin. Kinuha ko sa dibdib ko ang mga perang nalikom ko, iba pa ito sa talent fee ko at tip mamaya na makukuha galing kay Manager.

"Tiba na naman tayo ah."

Nakangiti akong lumingon kay Bea na nag-aayos dahil siya naman ang sasabak sa stage mamaya. Mas daring nga lang ang suot niya sa akin na halos makita ang pisngi ng kanyang pang-upo. Three-fourth naman ang cup ng kanyang bra pero dahil may kalakihan ito ay nagmimistulang nakaluwa ang kanyang malulusog na dibdib.

"Ikaw din naman mamaya. Baka nga mas malaki pa sa'yo," aniya ko habang binibilang ang pera na aabot sa fifteen thousand.

Medyo maliit ito ngayon kumpara kahapon na umabot sa twenty thousand. Exclusive VIP club itong pinagtatrabahuan ko at may kataasan din ang standard nila. Buti na lang at maganda ako at makinis kahit na hindi gaano katangkad. Nasa 5'4 lang ang height ko pero salamat sa heels nagiging 5'7 o 5'8 ako. Bago pa lang ako dito at masasabi kong ayos na ayos ang kitaan. Mababa man ito kumpara kahapon pero pwede na rin, isang oras lang naman akong sumayaw sa stage ngayon. Sobrang nakakapagod na tila kakalas ang mga buto ko sa buong katawan ko ano mang oras lalo pa siguro kung nagkamali lang ako sa stunt na ginawa ko sa pole kanina.

"Sana nga. Naku! Malaki ang bill na babayaran ko sa kinsenas. Pero narinig ko pala kanina na may gustong magtable sa'yo, Lucy."

Kaagad kong nilingon si Bea bago binalik sa bag ko. Tinago ko na ang pera kaya nagsimula na akong magbura ng makeup. "Table? Hindi ako nagti-table. Alam iyon ng manager natin." mabilis kong nilagay ang mga damit ko sa loob.

Nagbihis na rin dito. Hindi na ako nahihiyang maghubad sa harap ni Bea dahil sanay na rin ako. Kapag kami lang naman dito malakas ang loob kong maghubad pero kapag may kasama kaming iba, pumapasok pa ako sa bathroom. Tsaka nagmamadali na rin kasi ako at may mahalaga pa akong pupuntahan ngayon.

"Hindi ko alam kung bakit ipapa-table ka eh alam naman niyang ayaw mo. Baka malaki ang bayad sa'yo tulad nung nakaraan," komento niya pero umiling lang ulit ako.

Nang matapos akong magbihis, sinukbit ko ito sa aking balikat. Humarap ako sa salamin para itali ang buhok ko.

"Si Manager nga ang nagsabi. Hinahanap ka kanina."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost HeirWhere stories live. Discover now